Lalawigan ng Arezzo

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Arezzo.

Ang lalawigan ng Arezzo (Italyano: provincia di Arezzo) ay ang pinakasilangang lalawigan sa rehiyon ng Toscana sa gitnang Italya. Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Arezzo. Ang lalawigan ay napapaligiran ng mga rehiyon ng Marche, Emilia-Romaña, Umbria, at mga lalawigang Siena at Florencia ng Toscana.[2] Ito ay may lawak na 3,233 square kilometre (1,248 mi kuw), isang kabuuang populasyon na humigit-kumulang 344,000 sa 36 na comune.[3][4]

Lalawigan ng Arezzo

Provincia di Arezzo
Watawat ng Lalawigan ng Arezzo
Watawat
Eskudo de armas ng Lalawigan ng Arezzo
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 43°N 12°E / 43°N 12°E / 43; 12
Bansa Italya
LokasyonToscana, Italya
KabiseraArezzo
Bahagi
Pamahalaan
 • president of the Province of ArezzoRoberto Vasai, Silvia Chiassai Martini, Alessandro Polcri
Lawak
 • Kabuuan3,235.15 km2 (1,249.10 milya kuwadrado)
Populasyon
 (31 Disyembre 2023)[1]
 • Kabuuan333,890
 • Kapal100/km2 (270/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Kodigo ng ISO 3166IT-AR
Plaka ng sasakyanAR
Websaythttps://www.provincia.arezzo.it

Ang hilaga ng lalawigan ng Arezzo ay naglalaman ng mga bulubundukin at lambak ng Pratomagno at Casentino, at ang mga katimugang bahagi ng rehiyon ay naglalaman ng matabang lambak ng Tiber at Chiana.[2] Ang kabesera ng lalawigan na Arezzo ay isang pangunahing Etruskong urbanong setro na kilala bilang Aritim, at isang pader ang itinayo sa paligid ng lalawigan sa panahong ito ng pamamahala. Noong panahon ng mga Romano, ang pamayanan ay binigyan ng latinisadong pangalang Arretium at pinalawak pababa mula sa mga burol. Tinulungan ng Arretium ang Sinaunang Roma sa mga Digmaang Puniko laban sa Sinaunang Cartago. Pagkatapos ng mga pag-atake mula sa mga barbaro, ang paninirahan ay halos nawala noong mga 400 AD.[kailangan ng sanggunian]

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. https://demo.istat.it/app/?a=2023&i=D7B; Istat.
  2. 2.0 2.1 Roy Palmer Domenico (2002). The Regions of Italy: A Reference Guide to History and Culture. Greenwood Publishing Group. ISBN 978-0-313-30733-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Province of Arezzo". Comuni-Italiani. Nakuha noong 1 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Province of AREZZO". Urbistat. Nakuha noong 1 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)