Francisco Boayes
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Si Francisco D. Boayes ay kilala sa bansag na "Turko", isang tinyente at gerilya na katulong ni Rep. Wenceslao Vinzons sa pagbuo ng unang grupo ng gerilya na lumaban sa pananakop ng hapon sa pagputok ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang gerilyang grupong ito ay natatag noong Disyembre 18, 1941 sa Laniton, Basud, Camarines Norte. Ang opisyal na dinalang pangalan ay ang "Vinzons Abian's Guerilla, USAFFE Camarines Norte Station."
Si Turko ang panganay na anak ni Ishmael Ayyash isang Syrian na ang mga ninuno ay Hesuita, na pumunta ng pilipinas kasama ang dalawang negosyanteng pinsan na may apelyidong Abraham at Bichara. ang kanyang ina ay isang mestisang espanyol na si Agapita JImenez Dames ng Daet.
Nang mahuli at mapatay ng Hapon si Rep. Vinzons, bumuo naman ng isang grupo na karamihan ay binubuo ng mga dating kasapi ng unang grupo na pinamunuan naman ni Francisco "Turko" Boayes, na tinawag naman na W.G. VINZONS TRAVELLING GUERRILLA OF THE PHILIPPINES. Ang grupong ito tinatawag na "Travelling Vinzons Guerillas".
Si Boayes naging mayor ng Daet, Camarines Norte (1945-46) pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Siya may dugong Siryano.