Fremantle
Anga Fremantle ( /ˈfriːmæntəl/, dating FremantleMedia hanggang Setyembre 2018) ay isang Britanikong multinasyunal na produksyon sa telebisyon at isang kompanyang distribusyon na nakabase sa London. Naitatag ang orihinal na Fremantle noong 1952 bilang Fremantle International, at naging malaya hanggang 1995. Pinalitan ang pangalan ng dating kompanya sa FremantleMedia noong Agosto 20, 2001, kasunod ng pagsasanib nito noongthe 2000 sa Pearson Television at CLT-UFA ng Bertelsmann upang buuin ang RTL Group.[1][2] Simula noong 1995, namahagi ang Fremantle ng mga Amerikanong palarong palabas sa Estados Unidos at sa buong mundo.
Kilala ang Fremantle sa pagmamay-ari nito ng ilang walang iskrip na pormat, kabilang ang mga paligsahan ng talentong Idols (kabilang ang American Idol, Philippine Idol at Pinoy Idol), Got Talent, at The X Factor (kasama sa huling dalawa ang Syco Entertainment ni Simon Cowell), at mga palarong palabas sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng mga aklatan ng Amerikanong prodyuser na Goodson-Todman Productions, Australyanong prodyuser na Reg Grundy, at iba pa, na kabilang ang mga pormat tulad ng Family Feud, The Price is Right, at Sale of the Century bukod sa iba pa.
Noong Hulyo 2018, pinangalanan ang Punong Tagapamahala ng FrementleMedia sa Hilagang Amerika na si Jennifer Mullin bilang ang bagong Punong Tagapamahala ng kompanya para sa buong mundo, was named the new CEO of the worldwide company, na pinapalitan ang papaalis na si Cecile Frot-Coutaz.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Andreas Uhlig (8 Abril 2000). "Gründung eines europäischen Fernsehgiganten Kooperation von Bertelsmann und Pearson". Neue Zürcher Zeitung (sa wikang Ingles). p. 25.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jason Deans (21 Agosto 2001). "Pearson TV revives Thames TV brand". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stewart Clarke (26 Hulyo 2018). "FremantleMedia Names Jennifer Mullin New CEO". Variety (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Setyembre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)