Para sa unang prangkisang ipinalabas ng ABC, pumunta sa Philippine Idol.

Ang Pinoy Idol ay ang ikalawang prangkisang Idol sa Pilipinas (ang salitang Pinoy ay ang kolokyal na salita na kasingkahulugan ng Pilipino at ang Idol naman ay nangangahulugang Idolo sa Tagalog). Ipinakilala ng GMA Network ang Pinoy Idol bilang ang "kaunaunahang" kompetisyon ng Idol sa Pilipinas noong Presentasyon ng Bisperas ng Bagong Taon 2007 na ginanap noong 31 Disyembre 2007 sa SM Mall of Asia. Sa gayon, hindi nito kinikilala ang mga nagawa ng Philippine Idol, pati na ang nanalo na si Mau Marcelo. Ang itinakdang punong-abala ng programa ay si Raymond Gutierrez, kasama ang mga huradong kinabibilangan nina Ogie Alcasid (isang kompositor, aktor, at mang-aawit), Jolina Magdangal (aktres, mang-aawit, at modelong pangkomersiyal), at si Wyngard Tracy (isang tagapangasiwa ng mga talento o artista).[5][6] Si Gretchen Espina, ang nanalo sa patimpalak na ito, ay nakatanggap ng P1,000,000, bahay at lupa, bagong sasakyan, recording contract mula sa Sony BMG Music Philippines, at kontrata pantelebisyon sa GMA Network.[7] Nagsimula ang palabas noong 5 Abril 2008.[8]

Pinoy Idol
Promosyonal na Logo para sa Pinoy Idol.
UriInteraktibong Kompetisyon sa Awit
GumawaSimon Fuller
DirektorLouie Ignacio
HostRaymond Gutierrez
HuradoOgie Alcasid
Jolina Magdangal
Wyngard Tracy
Ida Henares (bisitang hurado)[1][2]
Bansang pinagmulanPilipinas
Bilang ng kabanata7 (17 Mayo 2008)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapPerry Lansigan[3]
LokasyonTop 24: SM City North EDSA
Top 12: SMX, SM Mall of Asia[4]
Oras ng pagpapalabasVaries
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid5 Abril (2008-04-05) –
17 Agosto 2008 (2008-08-17)
Kronolohiya
Sumunod saPhilippine Idol
Website
Opisyal

Pagpapalit mula sa Philippine Idol

baguhin

Ayon sa balitang inanunsyo sa Sentro, ang ABC dapat ang magpapalabas ng ikalawang serye para sa Philippine Idol. Ito rin ay inihayag ni Mau Marcelo sa pagtatanghal na ginanap sa Araneta Coliseum para sa final 12 ng unang serye ng Philippine Idol na nakatakdang simulan sa Marso, 2007. Ngunit, may bali-balitang hindi na ito matutuloy at pinaplanong kunin at bilhin ng GMA Network ang prangkisa nito mula sa FremantleMedia.[9][10] Marami ang nakalap na balitang marami ang nawala sa ABC dahil sa pagkawala ng prangkisa ng Philippine Idol sa kanila.[9] Pagkatapos ng ilang paghihintay, nagdesisyon na ang FremantleMedia na ilipat ang prangkisa sa GMA Network.[10][11]

Awdisyon

baguhin

Ang awdisyon para sa Pinoy Idol ay gaganapin sa mga sumusunod na lugar (sa ibaba).[12][12] Ang awdisyon sa Naga ay kinansela dahil sa hindi malamang kadahilanan.[13] Mula sa libu-libong mga nangarap makapasok, tanging 179 lamang ang nakapasa sa panlasa ng mga hurado.

Siyudad Lugar ng Pangyayarihan Petsa
Cagayan de Oro SM Cagayan de Oro 17 Enero 2008
Batangas SM City Batangas 24 Enero 2008
Iloilo SM City Iloilo 31 Enero 2008
Cebu SM City Cebu 7 Pebrero 2008
Davao SM City Davao 14 Pebrero 2008
Pasay SM Mall of Asia 21 Pebrero 2008
San Fernando, Pampanga SM City Pampanga 13 Marso 2008
Dagupan CSI The City Mall 16 Marso 2008

Theater Rounds

baguhin

179 ang nakapasa para maglaban-laban sa Theater Rounds na ginanap sa Cinema 6 ng SM City North Edsa. Sa unang round, hinati ang mga nakapasa sa 10 grupo at nagpakitang gilas sila sa harap ng mga hurado.

Sa ikalawang round, ang 90 na kalahok ay hinati sa 45 pares para kumanta ng dalawahang tinig (duet) at hinatulan sila ng hindi pandalawahan.

Sa huling round, ang natitirang 45 ay kumanta ng mga awiting sila ang pumili. Pagkatapos ay hinati sila sa tatlong grupo; kada grupo ay may 15 miyembro, at ang isang grupo ay natanggal, kaya naging 30 na lang ang natira.

Noong Abril, 2008, muling tinignan ng mga hurado ang mga pagtatanghal na ginawa ng mga nakapasa mula sa kanilang mga awdisyon hanggang sa huling round na ginanap, at doon namili ang mga hurado ng 6 na matatanggal sa grupo upang mabuo ang Top 24.

Semi-finalists

baguhin

Ang 24 na mga kalahok ay inanunsyo noong 17 Abril 2008. Ang pangalan ng iba ay pinaikli upang mas madaling maalala ng mga manonood.[14]

  • Eleuterio "Elliot" Andal
  • Warren Antig
  • Sherwin Bayangan
  • Jay Ann "Jayann" Bautista
  • Daryl (Jett) Celis
  • Elizalde "Kid" Camaya
  • Ramon "Ram" Chaves III
  • Sue Ellen Cubing, kilala bilang Sue Ellen
  • Meryl (Consulta) David
  • Ryan "Rye" Estrada
  • Beverly "Bev" Ejercito
  • Gretchen (Stephanie) Espina
  • (Angeli) Mae Flores
  • Carol (Anne) Leus
  • Penelope Matanguihan, kilala lamang bilang Penelope sa palabas
  • Paulo Dio Maghari
  • Drizzle (Emerald) Muñiz
  • Roberto "Robby" Navarro, Jr.
  • Regene Ong
  • Joselindo Pimpino Jr., kilala rin bilang JJ Jr.
  • Jennifer "Jeni" Rawolle
  • Kristoffer Rei Tragico, o Toffer Rei sa palabas
  • Vrenilyn "Vren" Villaflor
  • Walton Zerrudo

Elimination

baguhin
Chart para sa Pinoy Idol
Babae Lalake Top 12 Top 24
Unang Nakaligtas Pangalawang Nakaligtas Natanggal
Stage: Semi-Finals Finals
Week: 5/25 6/1 6/8 6/15 6/22 6/29 7/6 7/13 7/20 7/27 8/3 8/10 8/17
Place Contestant Resulta
1 Gretchen Espina Nanalo
2 Jayann Bautista Pangalawa
3 Ram Chaves Pangatlo
4-5 Daryl Celis Tanggal
Kid Camaya
6 Warren Antig Tanggal
7 Penelope Tanggal
8 Toffer Rei Tanggal
9 Sue Ellen Tanggal
10 Robby Navarro Tanggal
11 Mae Flores Tanggal
12 Jeni Rawolle Tanggal
13-14 JJ Jr. Tanggal
Carol Leus
15-16 Meryl David Tanggal
Walton Zerrudo
17-20 Rye Estrada Tanggal
Sherwin Marquez
Regene Ong
Vren Villaflor
21-24 Elliot Andal Tanggal
Bev Ejercito
Drizzle Muñiz
Dio Paolo

Produksiyon

baguhin
 
Malapit na kuha ng Pinoy Idol.

Si Louie Ignacio ang itinakdang maging direktor ng Pinoy Idol. Sina Ryan Agoncillo, Ryan Cayabyab, Pilita Corrales, at Francis Magalona ay hindi na makakasama sa palabas. Si Ryan Agoncillo ay ang magiging punong-abala ng kalabang palabas ng Pinoy Idol, ang Pinoy Dream Academy, at kasama niya si Ryan Cayabyab na magiging headmaster ng palabas. Si Raymond Gutierrez ang papalit sa iniwanang pwesto ni Ryan Agoncillo, samantalang sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, at Wyngard Tracy ang uupo bilang mga hurado.[15][16] Sina Paolo Bediones, Regine Velasquez, Drew Arellano, at Mo Twister ay kasama sa listahan ng mga ikinunsidera sa pagiging punong-abala sa palabas. Si Paolo Bediones, Mo Twister, at Regine Velasquez ay hindi nakuha dahil ang kanilang edad ay tatlumpu pataas na ayon sa pamantayan ng FremantleMedia walang host ang maaring maging tatlumpu pataas ang edad.[17] Hindi kinilala ng GMA Network ang mga nagawa ng ABC 5 sa Philippine Idol kasama si Mau Marcelo, bagama't sina Jan Nieto at Gian Magdangal na kasama sa unang prangkisa ay kasama na sa mga palabas ng GMA Network.[18] Pinayagan na rin ng FreMantle Media ang hiling ng GMA Network na ipalabas ang Pinoy Idol sa kanilang International Filipino Television Channel na GMA Pinoy TV sa Estados Unidos, na mariing ipinagbabawal sa mga may-hawak ng prangkisa ang pagpapalabas ng mga prangkisang palabas sa mga bansang may sariling prangkisa nito.[19]

Kontrobersiya

baguhin

Marami ang humihiling na palitan si Louie Ignacio bilang direktor ng Pinoy Idol sa kadahilanang paggamit nito nang madalas ng Butterfly Wings (pakpak ng paru-paro) sa bawat proyektong kanyang ginagawa. Kung hindi siya maglalagay ng mga buhay na paru-paro sa kanyang proyekto ay pasusuotin niya ang mga artista sa palabas ng pekeng pakpak nito.

Tingnan din

baguhin

Talababa

baguhin
  1. Pinoy Idol, TV episode 4
  2. San Diego, Bayani Jr. (26 Pebrero 2008). "Gold rush in the city". Philippine Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2008-04-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. San Diego, Bayani Jr (12 Pebrero 2008). "Method in the Madness". Inquirer.net. Nakuha noong 2008-02-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. Gabinete, Jojo (21 Pebrero 2008). "Part of "Sex Bomb, pinilahan!"". Abante Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2008. Nakuha noong 19 Mayo 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Tagalog)
  5. de Calma, Archie (15 Enero 2008). "Ogie Alcasid wants to have a baby with Regine but willing to wait for the right time". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-18. Nakuha noong 2008-01-26.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Tagalog)
  6. San Diego, Bayani Jr (20 Enero 2008). "A new team for 'Pinoy Idol'". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-22. Nakuha noong 2008-01-26.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Calderon, Nora (29 Marso 2008). "Raymond Gutierrez narrates experiences in Pinoy Idol auditions". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-04. Nakuha noong 2008-04-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Tagalog)
  8. Erece, Dinno (12 Marso 2008). "Part of "Wedding scene sa Marimar sinira ni Tim Yap"". People's Taliba.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Tagalog)
  9. 9.0 9.1 "Curtains to fall on 'Philippine Idol'?". Philippine Daily Inquirer. 12 Mayo 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Oktubre 2007. Nakuha noong 19 Mayo 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "GMA 7 eyes RP 'Idol'". Philippine Daily Inquirer. 3 Setyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-12. Nakuha noong 2008-05-19.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. San Diego, Bayani Jr. (5 Setyembre 2007). "ABC 5: 'RP Idol is ours". Philippine Daily Inquirer. pp. E1. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-13. Nakuha noong 2008-05-19.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Dimaculangan, Jocelyn (15 Enero 2008). ""Pinoy Idol" auditions kick off at Cagayan de Oro on Enero 17". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-18. Nakuha noong 2008-01-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "SOP Rules, 2 Marso 2008". SOP Rules. 2008-03-02. GMA Network.{{cite episode}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(sa Tagalog)
  14. San Diego, Bayani Jr. (18 Mayo 2008). "Local 'Idol' version picks 24 finalists". Philippine Philippine Daily Inquirer. p. J1-J3.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  15. ‘Pinoy Idol,’ tinanggihan nina Ryan at Mr. C, Journal Online, 16 Oktubre 2007 (sa Tagalog)
  16. ‘Idol’ rigodon[patay na link], Philippine Daily Inquirer, 20 Oktubre 2007
  17. "'Pinoy Idol' rejects, raise your hands". Philippine Daily Inquirer. 2008-01-20. pp. p.F2-F3. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-20. Nakuha noong 2008-01-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. GMA 7 vs ABS-CBN, Manila Bulletin, 29 Setyembre 2007 (article accessed 16 Oktubre 2007)
  19. Erece, Dinno (27 Marso 2008). "FIRST READ ON PEP: FremantleMedia grants GMA-7 right to air "Pinoy Idol" in U.S." Philippine Entertainment Portal. Nakuha noong 2008-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na mga Kawil

baguhin