Philippine Idol
Unang prangkisa ng Seryeng Idol sa Pilipinas ang Philippine Idol. Una itong iginawad ng FremantleMedia, 19 Entertainment, at CKX, Inc. sa Associated Broadcasting Company (ABC) noong 2006 at pagkatapos sa GMA Network sa 2008. Katulad ng mga naunang Idol, ninanais ng palabas na mahanap ang pinakamahusay na mang-aawit sa Pilipinas na magsisilbing idolo ng mga Pilipino.[1]
Philippine Idol | |
---|---|
Uri | Interaktibong patimpalak sa pag-awit |
Gumawa | Simon Fuller |
Pinangungunahan ni/nina | Ryan Agoncillo Ryan Cayabyab Pilita Corrales Francis Magalona Heart Evangelista |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Paggawa | |
Oras ng pagpapalabas | Nag-iiba |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | Associated Broadcasting Company |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 30 Hulyo 10 Disyembre 2006 | –
Website | |
Opisyal |
Philippine Idol | |
---|---|
Mga Kalahok Sa Philippine Idol (kasama ang mga petsa ng pagkakatanggal) | |
Season 1 (2006) | |
Mau Marcelo | Wagi |
Gian Magdangal | Disyembre 10 |
Jan Nieto | Disyembre 10 |
Miguel Mendoza | Nobyembre 27 |
Pow Chavez | Nobyembre 20 |
Ken Dingle | Nobyembre 13 |
Apple Chiu | Nobyembre 6 |
Arms Cruz | Oktobre 30 |
Jeli Mateo | Oktobre 30 |
Reymond Sajor | Oktobre 15 |
Drae Ybañez | Oktobre 8 |
Stef Lazaro | Oktobre 8 |
Nagsilbing host ng programa si Ryan Agoncillo[2], habang nagsilbing mga hurado sina Ryan Cayabyab (isang kompositor), Pilita Corrales (isang mang-aawit, kilala bilang "Asia's Queen of Songs" o Reyna ng mga Awit ng Asya), at Francis Magalona (isang rapper at produser). Sumailalim sa awdisyon sina Agoncillo, Corrales, at Magalona upang maging bahagi ng programa, habang pinili ng mga produser si Cayabyab.[3] Ang aktres na si Heart Evangelista naman ang naging host ng arawang programang I ♥ Philippine Idol. Nagsilbing "musical director" ng programa ang kompositor na si Mel Villena simula noong semi-finals.
Nagwagi si Mau Marcelo ng Lucena. Tinalo niya ang dalawang iba pang mga kalahok sa finale upang maging kauna-unahang Philippine Idol.
Iginawad sa kalaunan ng Fremantle Media ang prangkisa sa GMA Network at babaguhin ang pamagat ng programa bilang Pinoy Idol dahil dito. Hindi kikilalanin ng GMA ang naging resulta ng Philippine Idol.
Awdisyon
baguhinGinanap ang mga pangunahing awdisyon sa tatlong lungsod: Kalakhang Maynila noong Hunyo 3 sa Philippine Internation Convention Center sa Lungsod ng Pasay; Davao noong Hunyo 23 sa Waterfront Insular Hotel; at Cebu noong Hulyo 4 sa International Academy of Film and Television ng Bigfoot Entertainment.
Nagsagawa rin ng mga iskrining na "fast track" sa mga Supermall ng Shoemart (SM) sa ilang mga lungsod gaya ng Baguio, Lucena, Batangas, Iloilo, at Cagayan de Oro. Nagkaroon din ng mga awdisyon sa mga lungsod na walang mall ang SM tulad ng Dagupan, Ilagan, Tacloban, at Zamboanga. Nagsumite ng mga kinakailangang papeles ang mga nag-awdisyon sa "fast track" at umawit ng dalawang kanta sa harapan ng mga huradong mula sa lokal na industriya ng radyo at musika. Binigyan ng pases ang mga nakapasa sa "fast track" upang diretsong makaharap ang tatlong pangunahing hurado. Sinagot ng ABC at ng kanilang mga kaanib sa media na Radio Mindanao Network at Manila Broadcasting Company ang pamasahe, pagkain, at panunuluyan ng mga nakapasa sa mga pangunahing awdisyon.
Theater Round
baguhinKabuuang 169 ang nakatanggap ng "gold pass" (gintong pases) mula sa tatlong pangunahing hurado, 119 mula sa Luzon at Metro Manila habang 17 at 13 mula sa Davao at Cebu. Subalit, may mga nagpasyang hindi tumuloy sa "theater round".[4] Ginanap ang ikalawang bahagi ng awdisyon sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas mula Agosto 1 hanggang 3. Nanuluyan ang mga kalahok sa Bayview Park Hotel.
Hinati ang mga nakapasa sa 11 grupo na may 15 miyembro, kung saan umawit ang bawat isa nang acapella. Matapos kumanta ang lahat ng miyembro sa grupo, pumili ang mga hurado kung sinu-sino ang uuwi at sinu-sino ang mga pasado para sa susunod na round.
Mula sa 169 na kalahok, 84 ang napili para sa sumunod na pagsubok kung saan aawit sila bilang bahagi ng isang grupo. May tatlong miyembro bawat grupo, lahat lalake o lahat babae. Matatagpuan dito Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine. ang tala ng Paunang 84.
Pagkatapos magtanghal ang mga grupo, lumiit ang bilang ng mga kalahok sa 40, at mula dito pumili ang mga hurado ng 24 na semi-finalist. Pormal na ipinakita sa telebisyon ang mga semi-finalist noong 27 Agosto 2006.
Semi-final Round
baguhinHinati ang 24 na semi-finalist ayon sa kasarian: 12 lalake at 12 babae. Halinhinang nagtanghal ang dalawang grupo sa SM Megamall Cinema 3. Pumasok sa Paunang 12 ang apat na kalahok sa bawat grupo na may pinakamaraming boto mula sa mga manonood sa telebisyon. Pumili naman ang mga hurado ng sampu mula sa mga natirang kalahok upang maglaban muli sa Wildcard Round, kung saan ang apat na may pinakamaraming boto ang siyang pumuno ng Paunang 12.
Ito ang tala ng mga semi-finalist na hindi nakapasok sa Wildcard Round, na siyang nagpatanggal sa kanila mula sa kumpetisyon.
- Freddie Cabael, Jr. - Hinahanap ang kanyang matagal nang nawalay na amang Amerikanong Aprikano. Umawit ng "Shout for Joy" ni Gary Valenciano sa kanyang awdisyon sa Cebu, ngunit pinalabas ang kanyang pagharap sa mga hurado kasabay ng awdisyon sa Maynila. Umawit naman ng "Macho Guwapito" ni Rico J. Puno sa semi-final.
- Robert Bernadas - Umaming sumali sa Idol upang umangat mula sa kahirapan. Mahilig ang Cebuanong ito sa pagguhit, pagpinta, at pag-arte. Nag-awdisyon sa Cebu, at umawit ng "Take A Look Inside Your Heart" ni David Benoit sa semi-final.
- Christian Masaga - Isang teknolohistang medikal sa Ospital Heneral ng Pilipinas, dating aktor sa teatro at miyembro ng isang banda. Nag-awdisyon sa Cebu, at umawit ng "Have I Told You Lately?" ni Rod Stewart sa semi-final.
- Erika Jill "EJ" Bautista - May kakulangan sa pandinig matapos mabasag ang eardrum mula sa isang aksidente. Umawit ng "Mahiwaga" ng Society of Seven, kung saan miyembro ang kanyang namapayang amang si Gary Bautista. Umawit naman ng "Paalam Na" ni Rachel Alejandro sa semi-final.
- Abigail "Gail" Blanco - Nagsimulang umawit nang propesyonal mula edad 12 sa kanyang bayan sa Cebu. Nagtrabaho sa Maynila bilang mang-aawit ng mga jingle sa patalastas. Nag-awdisyon sa Maynila, at umawit ng "What's Love Got To Do With It" ni Tina Turner sa semi-final.
- Rina Lei "Ynah" Pangan - Naging kalahok sa Metropop Song Festival noong 1998, at nanalo naman sa programang Singgaling ni Pops sa ABC-5 noong taong din iyon. Nag-awdisyon sa Maynila, at umawit ng "Halik" ng bandang Aegis sa semi-final.
Wildcard Round
baguhinNakapagtanghal ang mga sumusunod sa Wildcard Round, ngunit hindi sila nakapasok sa Paunang 12.
- Joseph Astor - Mula sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga. Malaki ang pagkakahawig niya sa aktor na si Piolo Pascual. Miyembro ng bandang "Not By Accident" na nagtanghal sa mga bar sa Pampanga. Nag-awdisyon sa Maynila.
- Semi-final: "Why Can’t It Be" (Rannie Raymundo)
- Wildcard Round: "Maria Maria" (Santana at The Product G&B)
- Jasper Onyx Culala - Nagtapos ng pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan miyembro siya ng Singing Ambassadors. Nag-awdisyon sa Maynila.
- Semi-final: "Windmills of Your Mind" (Dusty Springfield)
- Wildcard Round: "Wildflower" (Skylark/Color Me Badd)
- Ramirr Grepo - Isang guro sa pag-awit ng Yamaha Music School at miyembro ng isang banda sa Lungsod ng Baguio. Nanalong Best Jingle ang isa sa kanyang mga komposisyon sa "Red Horse Muziklaban", isang kumpetisyon ng mga bandang wala pang kontrata. Nag-awdisyon sa Maynila.
- Semi-final: "Bed of Roses" (Bon Jovi)
- Wildcard Round: "I Don't Want to Miss a Thing" (Aerosmith)
- Ira Patricia Marasigan - Anak nina Dennis Marasigan at Irma Adlawan, parehong aktor sa teatro. Umawit ng "Route 66" na pinasikat ni Nat King Cole sa kanyang awdisyon sa Maynila.
- Semi-final: "Mr. Melody" (Natalie Cole)
- Wildcard Round: "In My Life" (Patti Austin)
- Yasmin Rose "Suey" Medina - Dating miyembro ng bandang SILK. Nagpahinga mula sa pag-aawit matapos ikasal. Nag-awdisyon sa Maynila.
- Semi-final: "Almost Over You" (Sheena Easton)
- Wildcard Round: "Best of My Love" (The Emotions)
- Christina "Ting" Otero - Isang representanteng medikal mula sa isang kompanyang gamutan sa Davao. Nag-awdisyon sa Davao.
- Semi-final: "Come In From the Rain" (Diana Ross)
- Wildcard Round: "Sana’y Maghintay ang Walang Hanggan" (Jolina Magdangal)
Final Round
baguhinSinumulan ang paglaban-laban ng "Final 12" (Huling 12) noong 30 Setyembre 2006. Isa-isa silang natanggal—o dalawa sa ibang episode—batay sa bilang ng kani-kanilang mga boto mula sa mga manonood. Nagrekord din ang 12 kalahok para sa isang espesyal na Idol album na binubuo ng mga awiting OPM.
Narito ang tala ng mga kalahok.
- Apple Chiu
- Semi-final: "Rhythm of the Street" (Patti Austin) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 10
- Unang Linggong Pampinal: "Ngayon" (Basil Valdez)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "Natural Woman" (Aretha Franklin)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Sometimes You Just Know" (Jaya)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "Wag na Wag Mong Sasabihin" (Kitchie Nadal)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "Someone to Watch Over Me" (Ella Fitzgerald/George Gershwin)
- Ika-6 na Linggong Pampinal: "Lady Marmalade" (Christina Aguilera, Pink, Mýa, and Li'l Kim) — Natanggal, Nobyembre 6
- Arms Cruz
- Semi-final: "Superwoman" (Karyn White) — Nakapasok Final Round, Setyembre 10
- Unang Linggong Pampinal: "Araw-Araw, Gabi-Gabi" (Didith Reyes)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "Respect" (Aretha Franklin)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Anak" (Freddie Aguilar)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "Makita Kang Muli" (Sugarfree)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "If I Believe" (Patti Austin) — Natanggal, Oktobre 10
- Drae Ybañez
- Semi-final: "What You Won’t Do for Love" (Bobby Caldwell) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 3
- Unang Linggong Pampinal: "Hang On" (Gary Valenciano)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "You're Still a Young Man" (Tower of Power) — Natanggal, Oktobre 8
- Gian Magdangal
- Semi-final: "Footloose" (Kenny Loggins)
- Wildcard: "Lately" (Stevie Wonder) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 17
- Unang Linggong Pampinal: "Himala" (Rivermaya)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "I Got You (I Feel Good)" (James Brown)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Give Me a Chance" (Ric Segreto)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "Pare Ko" (The Eraserheads)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "Superstar" (Luther Vandross)
- Ika-6 na Linggong Pampinal: "Rock DJ" (Robbie Williams)
- Ika-7 Linggong Pampinal: "Bakit Pa Ba?" (Jay-R)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pampelikula): "Sana ay Ikaw Na Nga" (Basil Valdez, mula sa Eto Na Naman)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pangmusikal): "Greased Lightning" (John Travolta, mula sa Grease)
- Ika-9 na Linggong Pampinal (Unang Pagtanghal): "They Can't Take That Away From Me" (Fred Astaire)
- Ika-9 na Linggong Pampinal (Ika-2 Pagtanghal): "The Very Thought of You" (Nat King Cole)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Sariling Pili): "The Impossible Dream" (Luther Vandross)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Pili ng mga Hurado): "Volare" (Gypsy Kings)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Pili ng Kompanyang Pang-Rekording): "Flying Without Wings" (Westlife) — Runner-up, Disyembre 10
- Jan Nieto
- Semi-final: "Bridge Over Troubled Water" (Simon and Garfunkel) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 3
- Unang Linggong Pampinal: "Tuwing Umuulan at Kapiling Ka" (Basil Valdez)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "Could It Be I'm Falling in Love" (The Spinners)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Umagang Kay Ganda" (New Minstrels)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "Tuloy Pa Rin" (Neocolours)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "Kailangan Kita" (Ogie Alcasid)
- Ika-6 na Linggong Pampinal: "Livin' la Vida Loca" (Ricky Martin)
- Ika-7 Linggong Pampinal: "You Are My Song" (Martin Nievera)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pampelikula): "Bakit Ngayon Ka Lang?" (Ogie Alcasid, mula sa Bakit Ngayon Ka Lang?)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pangmusikal): "Corner of the Sky" (John Rubinstein/Paul Jones, mula sa Pippin)
- Ika-9 na Linggong Pampinal (Unang Pagtanghal): "Beyond the Sea" (Bobby Darin)
- Ika-9 na Linggong Pampinal (Ika-2 Pagtanghal): "The Way You Look Tonight" (Frank Sinatra)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Sariling Pili): "Say That You Love Me" (Martin Nievera)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Pili ng mga Hurado): "Quien Sera (Sway)" (Michael Bublé)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Pili ng Kompanyang Pang-Rekording): "Evergreen" (Westlife) - Runner-up, Disyembre 10
- Jeli Mateo
- Semi-final: "Bridges/Travessia" (bersyong Inggles/Portuges/Filipino, Sergio Mendes/Kevyn Lettau) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 10
- Unang Linggong Pampinal: "Iisa Pa Lamang" (Joey Albert)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "Always Be My Baby" (Mariah Carey)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Isang Mundo, Isang Awit" (Leah Navarro)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "Paglisan" (Color It Red)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "You Don't Know Me" (Ray Charles) — Natanggal, Oktobre 30
- Ken Dingle
- Semi-final: "More Today Than Yesterday" (Spiral Starecase)
- Wildcard: "A House Is Not a Home" (Dionne Warwick/Luther Vandross) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 17
- Unang Linggong Pampinal: "Di Na Natuto" (Gary Valenciano)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "What's Going On" (Marvin Gaye)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Magsimula Ka" (Leo Valdez)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "Ligaya" (The Eraserheads)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "Get Here" (Oleta Adams)
- Ika-6 na Linggong Pampinal: "Signed, Sealed, Delivered (I'm Yours)" (Stevie Wonder)
- Ika-7 Linggong Pampinal: "Everything I Do (I Do It for You)" (Bryan Adams) — Natanggal, Nobyembre 13
- Mau Marcelo
- Semi-final: "Sweet Love" (Anita Baker)
- Wildcard: "'Til My Heartaches End" (Ella May Saison) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 17
- Unang Linggong Pampinal: "Minsan Lang Kitang Iibigin" (Ariel Rivera/Regine Velasquez)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "Crazy in Love" (Beyoncé)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Ako ang Nasawi, Ako ang Nagwagi" (Dulce)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "So Slow" (Freestyle)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "I Will Always Love You" (Whitney Houston)
- Ika-6 na Linggong Pampinal: "Shy Guy" (Diana King)
- Ika-7 Linggong Pampinal: "Mahal Naman Kita" (Jamie Rivera)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pampelikula): "Diamonds Are Forever" (Shirley Bassey, mula sa Diamonds Are Forever)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pangmusikal): "And I Am Telling You I'm Not Going" (Jennifer Holliday, mula sa Dreamgirls)
- Ika-9 na Linggong Pampinal (Unang Pagtanghal): "My Funny Valentine" (Diane Reeves)
- Ika-9 na Linggong Pampinal (Ika-2 Pagtanghal): "Waray Waray" (Eartha Kitt)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Sariling Pili): "Love Takes Time" (Mariah Carey)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Pili ng mga Hurado): "Balut" (New Minstrels)
- Ika-11 Linggong Pampinal (Pili ng Kompanyang Pang-Rekording): "Try It on My Own" (Whitney Houston) - Nagwagi, Disyembre 10
- Miguel Mendoza
- Semi-final: "Highways of My Life" (The Isley Brothers) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 3
- Unang Linggong Pampinal: "Next in Line" (After Image)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "Let's Stay Together" (Al Green)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Swerte-Swerte Lang" (Joel Navarro)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "Harana" (Parokya ni Edgar)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "Sandra" (Barry Manilow)
- Ika-6 na Linggong Pampinal: "Make It With You" (The Pasadenas)
- Ika-7 Linggong Pampinal: "Hanggang" (Wency Cornejo)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pampelikula): "Growing Up" (Gary Valenciano, mula sa Bagets)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pangmusikal): "Can You Feel the Love Tonight?" (Elton John, mula sa The Lion King (musical))
- Ika-9 na Linggong Pampinal (Unang Pagtanghal): "True" (Paul Anka)
- Ika-9 na Linggong Pampinal (Ika-2 Pagtanghal): "I've Got You Under My Skin" (Frank Sinatra) — Natanggal, Nobyembre 27
- Pow Chavez
- Semi-final: "Ikaw Lamang" (Janno Gibbs/Zsa Zsa Padilla) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 10
- Unang Linggong Pampinal: "Nakapagtataka" (Hajji Alejandro/Rachel Alejandro)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "You Got It Bad" (Usher)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Till I Met You" (Kuh Ledesma)
- Ika-4 na Linggong Pampinal: "Forevermore" (Side A)
- Ika-5 Linggong Pampinal: "For Once in My Life" (Spiral Starecase)
- Ika-6 na Linggong Pampinal: "Got To Be Real" (Cheryl Lynn)
- Ika-7 Linggong Pampinal: "Love Moves (in Mysterious Ways)" (Julia Fordham)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pampelikula): "So Far So Good" (Sheena Easton, mula sa About Last Night)
- Ika-8 Linggong Pampinal (Temang Pangmusikal): "I'd Give My Life For You" (Lea Salonga, mula sa Miss Saigon) — Natanggal, Nobyembre 20
- Reymond Sajor
- Semi-final: "Tell Her About It" (Billy Joel) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 3
- Unang Linggong Pampinal: "Hindi Magbabago" (Randy Santiago)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "I'd Rather" (Luther Vandross)
- Ika-3 Linggong Pampinal: "Be My Lady" (Pedritto Montaire/Martin Nievera) — Natanggal, Oktobre 15
- Stef Lazaro
- Semi-final: "Home" (Diana Ross)
- Wildcard: "Total Eclipse of the Heart" (Bonnie Tyler) — Nakapasok sa Final Round, Setyembre 17
- Unang Linggong Pampinal: "Pangako Sa 'Yo" (Rey Valera)
- Ika-2 Linggong Pampinal: "Proud Mary" (Tina Turner) — Natanggal, Oktobre 8
Mga Lingguhang Tema
baguhin- Setyembre 30 - Mga awiting Original Pilipino Music na inihahandog sa isang taong espesyal
- Oktobre 7 - Soul o R&B
- Oktobre 14 - Mga awiting mula sa Metropop Song Festival
- Oktobre 21 - Kontemporaryong Filipino rock
- Oktobre 29 - Awiting pantema sa sarili
- Nobyembre 5 - Awiting Pangsayaw
- Nobyembre 12 - Mga sikat na awitin sa radyo
- Nobyembre 19 - Temang Pampelikula at Pangmusikal
- Nobyembre 26 - Awiting Big Band
- Disyembre 9 - Mga awiting pinili ng sarili, ng mga hurado, at ng Sony-BMG
Mga Panauhing Hurado
baguhinIsang panauhing hurado ang inimbita sa programa sa loob ng limang linggo mula Oktobre 14 habang nasa Europa ang huradong si Francis Magalona. Isang karagdagang panauhing hurado rin ang sumama sa programa noong linggong bumalik si Magalona. Espesyalista ang bawat panauhing hurado sa temang pinagtatanghalan noong linggong iyon.
- Oktobre 14 - Hajji Alejandro, umawit ng kauna-unahang nanalong awitin sa Metropop Song Festival
- Oktobre 21 - Wency Cornejo, manunulat ng awit at dating bokalista ng bandang After Image
- Oktobre 29 - Luke Mejares, mang-aawit at dating bokalista ng bandang South Border
- Nobyembre 5 - Regine Tolentino, mananayaw, dating VJ ng MTV Asia, at host sa telebisyon
- Nobyembre 12 - Mo Twister, DJ sa radyo at isang host sa isang palabas pangtalakayan
- Nobyembre 19 - Lea Salonga, mang-aawit sa rekording at teatro pangmusikal
Buod ng Resulta
baguhinLinggo Bilang: | *1 | 2 | 3 | *4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 11 | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Petsa ng Pagkakatanggal: | 10/1 | 10/8 | 10/15 | 10/22 | 10/30 | 11/6 | 11/13 | 11/20 | 11/27 | 12/10 | ||
Puwesto | Kalahok | Resulta | ||||||||||
Una | Mau Marcelo | HS | Ligtas | H3 | Ligtas | Ligtas | Ligtas | H3 | Ligtas | HS | Wagi | |
Pang-2/Pang-3 | Gian Magdangal | Ligtas | H4 | H3 | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Runner-up | |
Jan Nieto | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | H3 | H3 | HS | Runner-up | ||
Pang-4 | Miguel Mendoza | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | H3 | Tanggal | ||
Pang-5 | Pow Chavez | Ligtas | H4 | Ligtas | Ligtas | H4 | H3 | Ligtas | Tanggal | |||
Pang-6 | Ken Dingle | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | H3 | Tanggal | ||||
Pang-7 | Apple Chiu | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Ligtas | H4 | Tanggal | |||||
Pang-8 | Armari Cruz | HS | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Tanggal | ||||||
Pang-9 | Jeli Mateo | HS | Ligtas | Ligtas | Ligtas | Tanggal | ||||||
Pang-10 | Reymond Sajor | Ligtas | Ligtas | Tanggal | ||||||||
Pang-11 | Drae Ybañez | Ligtas | Tanggal | |||||||||
Pang-12 | Stef Lazaro | Ligtas | Tanggal |
Palatandaan |
Lalake |
Babae |
Wildcard |
Wagi |
Runner-up |
Ligtas |
Hulihang 3/4 |
Hot Spot |
Tanggal |
Mga Katangi-tanging Pangyayari
baguhin- Walang natanggal na kalahok sa unang linggo ng kumpetisyon dahil sa mga naputol na linya ng telepono at serbisyong pangtelekomunikasyon sa maraming bahagi ng Luzon. Sanhi ito ng Bagyong Milenyo. Sa kabila nito, nagtawag pa rin si Agoncillo noong "Results Show" (Pagpapalabas ng Resulta) ng tatlong kalahok bilang maging bahagi ng "Hot Spot" (Alanganin) bago amining walang matatanggal at masasama ang lahat ng boto noong linggong iyon sa mga boto sa sumunod na linggo. Ayon sa ABC, walang opisyal na resulta noong linggong iyon dahil hindi nila ito mabilang sanhi ng sakuna.[5] Nilinaw din ni Perci Intalan, ang Direktor ng Malikhain at Produksiyong Aliwan ng ABC, na hindi opisyal na "Bottom Three" (Hulihang Tatlo) ang tinawag na sa Hot Spot na sina Marcelo, Cruz, at Mateo.[6]
- Sa ikalawang linggo, dalawang kalahok ang natanggal dahil sa nangyaring walang-tanggalan noong nakaraang linggo.
- Sa ikaapat na linggo, wala muling natanggal na kalahok dahil diumano sa mga naputol na serbisyo sa pagboto mula sa mga subskrayber ng Sun Cellular at Smart. Inireklamo ng mga nasabing subskrayber na hindi sila nakatanggap ng kumpirmasyon sa kanilang teleponong selyular na nagpapatunay na pumasok ang kanilang mga boto. Sinama muli ang mga boto sa linggong ito sa sumunod na linggo. Sa kinabuuan ng Results Show, pumili ang bawat hurado ng kalahok na magtangtanghal muli. Pinili ni Cornejo si Cruz, pinili ni Corrales si Marcelo, at si Magdangal naman ang pinili ni Cayabyab.
- Simula noong ikalimang linggo, ginanap ang pagtatanghal ng mga kalahok tuwing Linggo habang nagtanggalan tuwing Lunes, kumpara sa kinasanayang pagtatanghal tuwing Sabado at pagtanggal tuwing Linggo. Inigsian din ang oras ng pagboto mula 22 oras sa dalawang oras, dahil diumano sa hiling ng madlang gayahin ang sistema ng pagboto ng Philippine Idol sa American Idol. Dalawang kalahok ang tinanggal sa Results Show dahil sa nangyaring walang-tanggalan noong nakalipas na linggo.
- Noong ikapitong linggo, pumili ang bawat kalahok ng awiting kakantahin ng kanila kapares na Idol. Sina Magdangal at Nieto, Marcelo at Mendoza, at Chavez at Dingle ang nagpares. Matapos ang pagtatanghal, sinabi ng panauhing huradong si Mo Twister na sigurado siyang si Dingle ang matatanggal kinabukasan at naghamon pang magsusuot siya ng bestida nang isang linggo kung magkamali ang kanyang prediksiyon. Natanggal nga si Dingle kinabukasan.
- Sa ikawalong linggo, dalawang awit ang tinanghal ng bawat kalahok. Dahil dito, nagkaroon ng karagdagang 30 minuto sa pagboto noong gabing iyon.
- Noong ikasiyam na linggo, nagkaroon ng "mini concert" (maliit na konsyerto) ang natirang apat na kalahok. Nagtangal ang bawat isa ng dalawang awit na kung saan nagbigay pa sila ng maigsing talumpati sa kalagitnaan ng kani-kanilang konsyerto.
- Walang pagtatanghal noong ikasampung linggo. Sa halip, nagpalabas sila ng espesyal na bidyong naglarawan sa tatlong finalist na sina Marcelo, Magdangal, at Nieto.
Tingnan din
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ Finally, Philippine Idol Naka-arkibo 2006-03-07 sa Wayback Machine., INQ7.net, 11 Pebrero 2006
- ↑ Cruz, Marinel R. (11 Hunyo 2006). "Mr. C, 'Idol' judge: Tough job". Philippine Daily Inquirer. pp. A2-1.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ San Diego, Bayani Jr. (30 Mayo 2006). "Pilita, Francis M complete trio of RP 'Idol' judges". Philippine Daily Inquirer. pp. A16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Idol begins today Naka-arkibo 2006-08-15 sa Wayback Machine., INQ7.net, 30 Hulyo 2006
- ↑ ‘Idol’ eliminations moved to next Saturday Manila Bulletin 10/4/06 Issue, Entertainment Section.
- ↑ Idol Results Shocking! Naka-arkibo 2007-09-26 sa Wayback Machine. Malaya Newspaper 10/5/06 Issue, Entertainment Section.