Ang Miss Saigon ay isang pagtatanghal na may tugtugin o teatrong musikal nina Claude-Michel Schönberg at Alain Boublil sa West End, na may mga liriko nina Boublil at Richard Maltby, Jr. Isa itong makabagong adaptasyon ng operang Madama Butterfly (Madame Butterfly) ni Giacomo Puccini, na katulad na naglalahad ng trahikong salaysay ng isang walang patutunguhang pag-iibigan at romansang kinasasangkutan ng isang babaeng Asyanong nilisan ng kanyang Amerikanong mangingibig. Inilipat ang tagpuan ng takbo ng kuwento sa Saigon ng dekada ng 1970 noong panahon ng Digmaan sa Vietnam, at napalitan ang magkasintahang Amerikanong Tinyente at geishang Hapones ng pagmamahalan ng isang Amerikanong GIat ng isang Vietnamese na naghahanapbuhay sa isang bar.

Miss Saigon
Original poster
Tugtog niClaude-Michel Schönberg
Titik ni
Libretto
Batayan
Produksiyon

Unang ipinalabas ito sa Theatre Royal, Drury Lane, sa London noong 20 Setyembre 1989, na nagsara pagkaraan ng 4,264 na mga pagtatanghal noong 30 Oktubre 1999. Nagbukas ito sa The Broadway Theatre sa Lungsod ng New York noong 1991. Sumunod na nagbukas din ito sa marami bang ibang lungsod at pag-iikot.

Kinakatawan ng musikal na ito ang pangalawang pangunahing tagumpay nina Schönberg at Boublil, pagkaraan ng Les Misérables noong 1980. Magmula Abril 2009, ang Miss Saigon pa rin ang ika-10 pinakamatagal na tumatakbong musikal sa Broadway sa kasaysayan ng musikal na pagtatanghal.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hernandez, Ernio (2008-05-28). "Long Runs on Broadway". Celebrity Buzz: Insider Info. Playbill, Inc. Nakuha noong 2008-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.