Si Wenceslao Tiangco Cornejo III (ipinanganak Abril 2, 1967), mas kilala bilang Wency Cornejo, ay isang mang-aawit, kompositor, prodyuser, artista sa teatro, chef (kusinero) at negosyante mula sa bansang Pilipinas. Kilala siya bilang ang bokalista ng bandang Pilipino na AfterImage na pangunahing kompositor din ng banda. Nang nabuwag ang banda pagkaraan ng labing-isang taon, pinagpatuloy ni Cornejo ang isang solong karera sa pag-awit at naglabas ng sariling mga album. Noong 2003, umani ang kanyang solong album noong 2002 na Hanggang ng tatlong parangal sa Awit Awards habang umani din ng parangal ang awitin na kanyang sinulat, ang Isang Kinabukasan, noong 2008 sa Catholic Mass Media Awards. Naging Artist of the Year (literal: Artista ng Taon) din siya sa NU Awards noong 2004.

Wency Cornejo
Kapanganakan
Wenceslao Tiangco Cornejo III

(1967-04-02) 2 Abril 1967 (edad 57)
NasyonalidadPilipino
EdukasyonUnibersidad ng Pilipinas, Diliman
TrabahoMang-aawit, kompositor, artista sa teatro, prodyuser, kusinero, negosyante
Anak1 (Ezekiel)
Kamag-anakMel Tiangco (ina)
Wenceslao Cornejo Jr. (ama)
Ana Teresa Cornejo (ate)
Melanie Cornejo (ate)
Jose Miguel Cornejo (kuya)

Maagang buhay

baguhin

Ipinanganak si Wency Cornejo noong Abril 2, 1967.[1][2] Panganay siya sa apat na magkakapatid.[3] Pinalaki siya at kanyang mga kapatid ng kanyang inang mamamahayag na si Mel Tiangco ng mag-isa.[4] May agwat lamang ang mag-inang Wency at Mel ng halos 11 taon at 8 buwan.[a] Batay sa hulapi ng pangalan ni Wency na Ikatlo o III,[6] Wenceslao Cornejo Jr. ang buong pangalan ng kanyang ama.[7] Sa kanyang pagkabata, tumira siya sa kanyang lola Florencia (ina ni Mel) ng ilang mga taon.[8]

Upang maging isang doktor, nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) at kinuha ang kursong Soolohiya subalit hindi niya natapos ang kurso dahil nagambala siya ng musika.[8] Lumipat siya sa kursong Komunikasyong Brodkast dahil napagod siya at ayaw na niyang ipagpatuloy ang medisina.[8] Naabot niya ang maximum residency rule (patakaran sa pinakamataas na residensiya) ng UP, bagaman, nakapagtapos siya noong 1991 pagkalipas ng pitong taon.[8]

Karera

baguhin

Dalawang beses nag-awdisyon si Wency sa grupong mang-aawit na Kundirana ng La Salle Green Hills subalit hindi siya natanggap sa huli.[9][10] Nang umawit siya sa isa sa mga klase niya noong nasa kolehiyo pa lamang siya, napansin siya ng kanyang kaklase at sinabihan siyang sumali sa isang bandang naghahanap ng bokalista.[9] Sa hindi inaasahan pagpasok ni Wency sa mundo ng musika, natanggap siya sa bandang nirekomenda ng kanyang kaklase, ang AfterImage.[9] Siya ang naging bokalista at pangunahing manunulat ng awitin ng banda.[9][11]

Nagkaroon siya ng pangalan dahil sa AfterImage subalit pagkalipas ng labing-isang taon at tatlong istudiyong album, nabuwag ang banda at nagpatuloy si Wency sa isang solong karera.[12] Nakapagpalabas siya ng mga solong istudiyong album tulad ng Treasure (1998),[13] Langit sa Lupa (2003),[9] at Wency Cornejo Silver Series (2006).[9] Kabilang sa album niya noong 2003 at 2006 ang awiting "Magpakailanman"[14][15] na temang awitin ng programang Magpakailanman na hino-host ng kanyang inang si Mel.[16] Naitampok ang bersyon ni Wency ng awit sa programa ng kanyang ina mula 2002 hanggang 2007.[17] Sa mga sumunod na taon, ang mga bersyon nina Kyla at Golden Cañedo ng awit ang naitampok sa programang Magpakailanman.[17]

Bukod sa pagiging mang-aawit at kompositor, siya rin ang prodyuser ng album na Langit sa Lupa. Noong 1998 hanggang 1999, naging host din siya ng pangkalinangang programa sa telebisyon na Tipong Pinoy kasama si Susan Calo-Medina na pinalabas sa GMA Network[18][19] at prinodyus ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.[20] Muling nagsama ang AfterImage noong 2008 at naglabas ng ikaapat na album.[21] Kabilang sa muling pagsasama ng banda si Wency at halos lahat ng orihinal na kasapi.[22]

Sa pagkadismayado sa industriya ng musika, nagpunta siya sa Davao sa Mindanao noong 2010 at naging isang negosyante.[23][24] Nagtayo siya ng isang restawran na pinangalan niyang Carmela, ang pangalan ng kanyang ina.[23] Nagluluto din siya sa kanyang restawran at sinabing natuto siyang magluto sa kanyang lola Florencia.[4] Habang nasa Davao, tinuring ni Wency ang sarili bilang medyo retirado na sa mundo ng musika[25] subalit tumatanggap pa rin siya ng mga alok ng pagtatanghal sa Pilipinas at ibayong-dagat.[8]

Tumagal lamang ang kainan na Carmela ng pitong taon at noong 2017, nagbalik si Wency sa Maynila.[8] Bumalik muli siya sa karera ng musika subalit balak pa rin niyang magtayo ng restawran sa Maynila.[8] Noong 2018, pumirma siya ng kontrata sa Star Music at inihayag na maglalabas siya ng mga digital single.[26][27] Sa parehong taon, pumasok din si Wency sa pagtatanghal sa teatro.[28][29] Gumanap si Wency bilang Sir sa bersyon ng musikal na Side Show ng Atlantis Theatrical Entertainment Group.[28] Orihinal na musikal ni Bill Russel ang Side Show[30] na unang tinanghal noong 1997 sa teatrong Broadway sa Lungsod ng New York, Estados Unidos.[31]

Mga parangal

baguhin

Ang duweto nina Wency Cornejo at Cooky Chua (ang bokalista ng bandang Color It Red) sa awiting "Walang Hanggan" ay nagtamo ng parangal noong 1997 sa Ikasampung Awit Awards para sa Pinakamahusay na Pagtatanghal ng isang Duweto (Best Performance by a Duet).[32] Ayon kay Wency, ang awiting "Walang Hanggan" ang kanyang pinakapaborito sa lahat ng awitin na kanyang sinulat, prinodyus at nirekord.[33] Nanalo din noong 2000 ang awiting "Ngayon, Kahapon, Bukas" na kaduweto niya si Rachel Alejandro[34] para sa Pinakamahusay na Awitin para sa Pelikula/Telebisyon/Teatro (Best Song Written for Movie/TV/Stage Play) ng Awit Awards[32] at Pinakamahusay na Awiting Tema para sa Pelikula ng Star Awards.[35] Inawit ang kanta para sa pelikulang Warat na nilabas ng Viva Films[35] at pinagbidahan nina Joyce Jimenez at Jomari Yllana.[36]

Nanalo naman ng tatlong parangal ang awiting Hanggang sa Awit Awards noong 2003 at ang mga parangal na ito ay Pinakamahusay na Tradisyunal na Pagrerekord (Best Traditional Recording), Pinakamahusay ng Areglong Pangmusika (Best Musical Arrangement), at Pinakamahusay Baladang Pagrerekord (Best Ballad Recording).[37] Sinulat nina Gigi & Ronaldo M. Cordero ang awiting Hanggang at hindi si Wency.[16] Bahagi ang awit na ito ng patimpalak sa pagsulat ng awitin na "Himig Handog" ng ABS-CBN at Star Records,[38] at unang inalok ang pag-awit kay April Boy Regino at pagkatapos kay Luke Mejares ng bandang South Border subalit sa huli napunta kay Wency.[10][39] Nakapagsulat din siya sa "Himig Handog" at nakapasok ang kanyang sinulat na awiting "Kailang Ka Darating" noong 2003.[38]

Sa NU Awards noong 2004, nanalo si Wency bilang Artist of the Year (literal: Artista ng Taon).[40] Nanalo naman ang awiting sinulat niya, ang "Isang Kinabukasan," ng Pinakamahusay ng Bidyong Musika sa Catholic Mass Media Awards (CMMA).[37][41] Bahagi ang awitin sa album na may kaparehong pangalan at nanalo din sa CMMA ang album bilang ang Pinakamahusay na Album na Sekular.[37][42] Inawit ni Wency at iba't ibang mang-aawit ang awiting "Isang Kinabukasan."[43][44]

Para kay Wency, tinuturing niya na pinakamahusay na parangal na natanggap niya ang pagkapanalo ng awiting "Habang May Buhay" sa Katha Awards noong 1995 na umani ng mga tropeo para sa kanya at kanyang bandang AfterImage.[33][37] Naging inspirasyon ni Wency sa pagsulat ng "Habang May Buhay" ang pagkamatay ng kanyang biyenan[45] at ang damdamin ng isang tao na biglaang nawalan ng katuwang sa buhay na nakasama sa matagal na panahon.[46]

Personal na buhay

baguhin

May anak na lalaki si Wency na nagngangalang Ezekiel. Noong nanirahan si Wency ng mag-isa sa Davao sa loob ng pitong taon, tumira si Ezekiel sa bahay ng kanyang lola Mel Tiangco subalit noong 19 na taon gulang si Ezekiel, nasa poder na siya ng kanyang ina.[b] Sa isang paglilinaw ni Wency sa kanyang account sa Facebook, tinanggi niya na kamag-anak niya ang modelo at artistang si Deniece Cornejo.[47]

Noong 2020, nasuri si Wency na mayroong Bell's palsy.[48][1]

Mga pananda

baguhin
  1. Ipinanganak si Mel Tiangco noong Agosto 10, 1955[5] habang si Wency naman noong Abril 2, 1967.[1]
  2. Ayon sa isang sanggunian, tumira ng mag-isa sa Davao si Wency at tumira si Ezekiel sa kanya lola Mel at nasa poder na ng kanyang ina noong nasa 19 na taon na gulang na siya[8] subalit may isang sanggunian nagsasabing kasama ni Wency si Ezekiel sa Davao.[24]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Policarpio, Allan (2020-03-08). "Nerve condition not a hindrance for Wency Cornejo". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Radovan, Jill Tan (2017-07-15). "Go back to the '90s at Solaire". Inquirer Lifestyle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Mel Tiangco: GMA's Gem". PEP.ph (sa wikang Ingles). 2007-07-03. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Lara, Tanya T. (2004-02-28). "Mel Tiangco's home hits the front page". Philstar.com. The Philippine Star. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Mel Tiangco wishes for a 'miracle' on her birthday: 'Tanggalin n'yo na po ang COVID'". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2020-08-10. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Singer Behind The Galletas". ph.news.yahoo.com (sa wikang Ingles). Manila Bulletin. 2012-10-18. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Guide to Writing Men's Names with Suffixes". Emily Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 8.7 Salterio, Leah C. (2020-01-12). "Wency Cornejo joins other '90s frontmen in Music Museum concert". ABS-CBN News. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 "Wency Cornejo biography, songs and albums". www.songhits.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-29. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "TWBA: Wency reveals that the song "Hanggang" was first offered to April Boy", youtube.com (sa wikang Ingles), ABS-CBN Entertainment, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Honoring the departed through music". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2021-11-05. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "AfterImage biography, songs and albums". www.songhits.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-29. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Treasure (sa wikang Ingles), Spotify, 1998, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Langit Sa Lupa (sa wikang Ingles), Spotify, 2003-08-27, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Wency Cornejo Silver Series (sa wikang Ingles), Spotify, 2006-10-27, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Gil, Baby A. (2003-10-24). "Wency Cornejo a winner 3 times over". Philstar.com. The Philippine Star. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Anarcon, James Patrick (2019-03-20). "GMA-7 replaces Kyla as Magpakailanman singer four years after her ABS-CBN transfer". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "TV's 'Queen of Travel' Susan Calo-Medina passes on – NCCA". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2015-01-09. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Torre, Nestor U. (2011-06-04). "'Art Angel' axed – what a pity!". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Tipong pinoy : the wonders of folk medicines, superstitions and beliefs [Video recording] [produced by] National Commission for Culture and the Arts in cooperation with GMA-Channel 7". library.tip.edu.ph. Institusyong Panteknolohikal ng Pilipinas.[patay na link]
  21. "What's next in line for Wency Cornejo? A reunion with other voices of the '90s". Interaksyon (sa wikang Ingles). The Philippine Star. 2017-07-22. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Datu, Alex (2008-04-04). "After Image reclaims "Our Place in the Sun"". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 Tacio, Henrylito D. (2015-12-13). "The award-winning singer is also a chef | Henrylito D. Tacio". BusinessMirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 Nicolas, Jino (2017-07-20). "Reliving the good ol' days". BusinessWorld Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Wency Cornejo goes through midlife rebirth". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). 2018-11-08. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "LOOK: Wency Cornejo signs with Star Music". OneMusicPH. 2018-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  27. "Wency Cornejo inks deal with Star Music". ABS-CBN News. 2018-02-13. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. 28.0 28.1 Valenzuela, Nikka G. (2018-08-17). "'Excited, scared, nervous': Wency Cornejo makes theater debut in 'Side Show'". Inquirer Lifestyle (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Wency Cornejo Joins the Cast of SIDE SHOW". www.whatshappening.com.ph/ (sa wikang Ingles). 2018-07-09. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-08. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Nicolas, Jino (2018-07-10). "Arts & Culture (07/11/18)". BusinessWorld Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Isherwood, Charles (2014-11-18). "United by Life, Divided by Dreams". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 32.0 32.1 "PREVIOUS AWIT AWARDEES". pdfslide.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  33. 33.0 33.1 Salterio, Leah C. (2021-03-27). "Behind the Music: 'Next in Line' by AfterImage". ABS-CBN News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Ngayon, Bukas, Kahapon", Spotify (sa wikang Ingles), 2006-10-27, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. 35.0 35.1 Billboard (sa wikang Ingles). Nielsen Business Media, Inc. 2000-05-20.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Alcaraz, Rowena (2016-12-06). "Then & Now: Where is Joyce Jimenez?". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). GMA Network. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. 37.0 37.1 37.2 37.3 "Casino Filipino Parañaque presents Wency Cornejo". pagcor.ph. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. 38.0 38.1 "What is Himig Handog?". music.abs-cbn.com. 2022-05-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-23. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Wency Cornejo - Hanggang (performed and revealed the side story of the song)", youtube.com (sa wikang Ingles), KICKASS PINOY MUSIC, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Why Wency Cornejo's Mother's Day Gensan Concert is the best gift for Moms?". GenSan News Online (sa wikang Ingles). 2015-04-12. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "The Official Website of the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)". pagcor.ph. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "PEP: Winners of 2008 Catholic Mass Media Awards revealed". GMA News Online (sa wikang Ingles). Philippine Entertainment Portal. 2008-10-30. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "PEP: GMA-7 artists support 'Isang Kinabukasan' album". GMA News Online (sa wikang Ingles). PEP. 2009-01-05. Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Wency Cornejo - Isang Kinabukasan (Official Audio)", youtube.com (sa wikang Ingles), GMA Music, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "TWBA: Wency shares interesting stories behind his hit songs", youtube.com (sa wikang Ingles), ABS-CBN Entertainment, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "ASAP: Wency Cornejo performs "Habang May Buhay"", youtube.com (sa wikang Ingles), ABS-CBN Entertainment, nakuha noong 2022-05-08{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "7 people dragged into the Vhong Navarro/Deniece Cornejo/Cedric Lee bugbog incident | Coconuts". coconuts.co (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Wency Cornejo, birthday wish ang full recovery sa Bell's palsy". Balita. 2020-02-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-20. Nakuha noong 2022-05-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)