Eraserheads
Ang Eraserheads ay isa sa mga tanyag na Pinoy alternative rock na banda sa Pilipinas noong kasikatan ng alternative rock noong unang bahagi ng dekada 1990. Tinuturing ang Eraserheads bilang ang banda na nagbukas ng pintuan upang magtagumpay ang ibang bandang Pilipino katulad ng Rivermaya, Parokya ni Edgar, at Yano. Tinatawag sila kadalasan ng kanilang mga tagahanga bilang "E-heads."
Eraserheads | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Quezon City, Philippines |
Genre | Pinoy Rock Alternative rock Pop music Reggae Synth Rock |
Taong aktibo | 1989–2002; 2008 ; 2009 |
Label | Sony BMG (Philippines) |
Miyembro | Ely Buendia (punong bokalista/ritmong gitarista) Buddy Zabala (bahista/bokalista) Marcus Adoro (punong gitarista/bokalista) Raimund Marasigan (tambolero/bokalista) |
Dating miyembro | Kris Gorra-Dancel (pumalit kay ely nung umalis ng banda) Jazz Nicolas (sesyonista sa dalawang reunion) |
Naglabas din ang banda ng ilang awitin ("singles"), album at EP na umabot sa numero uno. Mas hayag ito sa paglabas ng ikatlo nilang istudyo album, ang Cutterpillow, na umabot sa estadong platinum ng makailang ulit. Ang Eraserheads ang isa sa pinakamatagumpay na musikero sa kasaysayan ng Pilipinas na nagbunsod sa kanila sa pandaigdigang entablado. Dahil dito, iginawad sa kanila ang Taong Buwan (Moon Man) sa MTV Video Music Awards.
Matagumpay ang pagbenta ng kanilang unang album sa isang pangunahing record label, ang Ultraelectromagneticpop, inilabas noong 1993 ng BMG Records. Inihatid ng album na ito ang underground "college rock" scene sa pampublikong kamalayan.
Hinggil sa malaking impluwensiya at ambag nila sa musikang Pilipino ngayon, kadalasang tinatawag silang "The Beatles ng Pilipinas."
Noong 1997, nanalo sila sa 1997 MTV Video Music Awards sa Lungsod ng New York, Estados Unidos at nagkamit ang awiting "Ang Huling El Bimbo" ng parangal bilang Asian Viewer's Choice Award noong nakaraang taon.
Mga kasapi
baguhinIkalawang line-up (2002-2003)
baguhin- Kris Dancel - gitaristang ritmo (sumapi pagkatapos umalis ni Buendia sa banda)
- Raimund Marasigan - tagatambol, mga sampol, perkasyonista, bokalistang pang-back-up
- Marcus Adoro - punong gitarista, bokalistang pang-back-up
- Buddy Zabala - bahista, bokalistang pang-back-up
Line-up noong muling pagsasama (2008-2009)
baguhin- Ely Buendia - punong bokalista, gitaristang ritmo
- Raimund Marasigan - tagatambol, mga sampol, perkasyonista, bokalistang pang-back-up
- Marcus Adoro - punong gitarista, bokalistang pang-back-up
- Buddy Zabala - bahista, bokalistang pang-back-up
- Hindi opisyal na kasapi noong ikalawang konsyerto ng muling pagsasama: Jazz Nicolas (mula sa bandang Itchyworms) - sesyonista (lahat ng instrumento).
Mga piling awitin
baguhin- Ang Huling El Bimbo
- Ligaya
- Magasin
- Julie Tearjerky
- Minsan
- Torpedo
- Waiting For The Bus
- Fine Time
- Wishing Wells
- Maling Akala
- Combo On The Run
- With A Smile
- Harana
- Fruitcake
- Shake Yer Head
- Hard To Believe
- Trip To Jerusalem
- Tindahan Ni Aling Nena
- Maselang Bahaghari
- Kailan
- Sembreak
- Hey Jay
- Honky Toinks Granny
- Maskara
- Huwag Kang Matakot
- Huwag Mo Nang Itanong
- Pop Machine
- Kaliwete
- Kamasupra
- Toyang
- Run Barbie Run
- Overdrive
- Para Sa Masa
- Pare Ko
- Spoliarium
- Police Woman
- Sa Tollgate
- Shake Yer Head
- Shirley
- Superproxy
- Tamagochi Baby
- Tuwing Umuulan at Kapiling Ka
- Walang Hiyang Pare Ko
- Easy Ka Lang
- Bogchi Hokbu
- 68 Sixto Antonio Avenue
- Hula
- Ganjazz
Mga album
baguhinInilabas ng malaya sa mga pangunahing record label
baguhin- Pop U!
Inilabas sa pangunahing record label
baguhin- Ultraelectromagnetictop!
- Circus
- Cutterpillow
- Fruitcake
- Fruitcake (EP)
- Bananatype(EP)
- Sticker Happy
- Aloha Milkyway
- Natin99
- Carbon Stereoxide
- Please Transpose (kabilang si Kris Dancel na kapalit ni Ely Buendia)
- Eraserheads: The Singles
- The Eraserheads Anthology
- Head Set
Album na pang-handog sa Eraseheads
baguhinMga album na pang-handog na hindi kabilang ang mga kasapi ng Eraserheads.
- Ultraelectromagneticjam
- Ultraelectromagneticjam volume 2
Kasaysayan
baguhinUnang Mga Taon
baguhinNoong 1989, dalawang banda mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman ang naghahanap ng mga bagong miyembro para sa isang bagong grupo. Nakipagkita ang Curfew, tanghal sila Buddy Zabala sa baho at Marcus Adorro sa gitara, sa Sunday School na kinabibilangan ni Ely Buendia bilang mang-aawit at Raimund Marasigan sa tambol, noong Disyembre ng parehong taon.Dapat sana ay si Raymund Marasigan ang bass at si Buddy Zabala naman ang drummer. Ngunit may naging maganda raw ang naging kumbinasyon ng musika ng magpalit ang dalawa. Nagkaisa ang apat na bumuo ng isang bagong pangkat na tatawagin nilang The Eraserheads. Nakuha ng banda ang pangalan na ito mula sa "Eraserhead" na gawa ng suriyalistang direktor na si David Lynch habang nagbabasa ng magasin. Tumutugtog sila ng mga awitin ng ibang banda at sumasama sa mga gig sa paaralan na napapasukan nila. Kalaunan, tumugtog din sila sa mga rock club sa Maynila. Hindi sila nakakuha ng ganoong kalaking tagumpay mula rito.
Gumawa sila ng demo na ipinasa sa mga recording companies ngunit puro rejection letter ang nakuha nila. Inirelease ang kanilang sariling album sa tulong ng mga kaibigan na titulong "Pop U" Ito ay para na ring parang statement sa mga record companies na nag reject sa kanila. Nagsimulang mag record sa club dredd ng mapansin sila ng BMG records.
2008-2009 muling pagsasama
baguhin- Muling nagsama ang Eraserheads sa isang gabing konsiyerto noong 30 Agosto 2008 na pinamagatang "Eraserheads: The Reunion Concert 08.30.08".
- Dahil sa sinugod sa ospital si Ely Buendia nung unang reunion, muling nagkaroon nang konsyerto na pinamagatang "Eraserheads Live!: The Final Set". ang nasabing konsyerto ay ginanap noong 7 Marso 2009. Pumanaw si Francis Magalona na sana'y magiging panauhin ng banda nung araw bago ang nasabing konsyerto.