Ely Buendia
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Eleandre Basiño Buendia, mas kilala bilang Gary "Ely" Buendia, at minsang binansagang, Jesus "Dizzy" Ventura, (ipinanganak 2 Nobyembre 1970) ay isang Scorpio na manunulat at musikero na nakamit ang katanyagan sa pagiging punong bokalista, gitarista, at manunulat ng mga awitin ng bandang Eraserheads, isang sikat na bandang Pinoy rock. Dahil sa kanyang kahusayan sa pagsusulat ng mga awitin, na labis na naiambag sa banda, natamo niya ang isang kabantugan bilang isa sa mga ginagalang na simbol sa Pilipinas. Kasalukuyan siyang gitarista at punong bokalista ng bandang Pupil.
Ely Buendia | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Eleandre Basino Buendia |
Kilala rin bilang | Jesus "Dizzy" Ventura |
Kapanganakan | 2 Nobyembre 1970 |
Pinagmulan | Lungsod ng Naga, Camarines Sur, Pilipinas |
Genre | Alternative rock/pop Experimental Pinoy rock Shoegaze |
Instrumento | Boses, Gitara, Mga tipahan |
Label | Offshore Music Sony BMG Pilipinas |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.