Cagayan de Oro
Ang Lungsod ng Cagayan de Oro (Cebuano: Dakbayan sa Cagayan de Oro); ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Misamis Oriental, Pilipinas. Nagsisilbi itong sentro ng rehiyon at ng kalakalan sa Hilagang Mindanao (Rehiyon X), at bahagi ng umuunlad na Kalakhang Cagayan de Oro, kasama ang lungsod ng El Salvador.
Lungsod ng Cagayan de Oro Dakbayan sa Cagayan de Oro | |
---|---|
![]() Ang Kalakhang Cagayan de Oro noong 2017 | |
![]() Mapa ng Misamis Oriental na nagpapakita ng lokasyon ng Cagayan de Oro. | |
Mga koordinado: 8°29′N 124°39′E / 8.48°N 124.65°EMga koordinado: 8°29′N 124°39′E / 8.48°N 124.65°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Hilagang Mindanao (Rehiyon X) |
Lalawigan | Misamis Oriental |
Distrito | Una hanggang pangalawang Distrito ng Misamis Oriental |
Mga barangay | 80 |
Ganap na Bayan | 1871 |
Ganap na Lungsod | Hunyo 15, 1950 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Oscar Moreno (PDP-Laban) |
• Pangalawang Punong Lungsod | Rainier Joaquin Uy (PDP-Laban) |
Lawak | |
• Kabuuan | 412.8 km2 (159.4 milya kuwadrado) |
Taas | 10.0 m (32.8 ft) |
Populasyon (2010) | |
• Kabuuan | 602,088 |
• Kapal | 1,500/km2 (3,800/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo Postal | 9000 |
Kodigong pantawag | 88 |
Mga wika | Bisdak, Cebuano |
PSGC | 104305000 |
Websayt | websayt |
Matatagpuan ang lungsod ng Cagayan de Oro sa gitnang baybayin ng hilagang Mindanao na nakaharap sa Look ng Macajalar at naghahanggan sa mga bayan ng Opol sa kanluran; Tagoloan sa silangan, at sa mga lalawigan ng Bukidnon at Lanao del Norte sa katimugang bahagi ng lungsod. Ayon sa senso noong 2010, tinatayang may populasyon na 602,088, ang ika-10 pinakamataong lungsod sa Pilipinas.
Mga nilalaman
Mga WikaBaguhin
Ang Cebuano ang sinasalitang wika sa lungsod, dahil sa pagdagsa ng mga mananalitang Cebuano mula sa Kabisayaan. Pangunahing ginagamit ang Ingles sa kalakalan at edukasyon. Karamihan sa mga naninirahan sa lungsod ay bihasa sa Filipino at Cebuano, Hiligaynon, Waray at Maranao.
Kultura at SiningBaguhin
Maraming mga tanyag na pagdiriwang sa lungsod. Bawat barangay o baryo ay may kanya-kanyang mga pista na nagdiriwang nang kani-kanilang mga santong patron.
Ang Kagay-an Festival, ay isang malaking pista na ipinagdiriwang sa Cagayan de Oro. Ipinagdiriwang nito ang kanilang patrong santo na si San Agustin ng Hippo, na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Ang salitang "Kagay-an" ay nangangahulugang "ilog" sa tagalog.
Ang Charter Day ay isang pagdiriwang sa lungsod, kung saan ipinagdiriwang ang pagiging lungsod ng Cagayan de Oro noong Hunyo 15, 1950.
PamahalaanBaguhin
Binubuo ang pamahalaan ng lungsod ng isang alkalde, bise alkalde, dalawang kinatawan sa mababang kapulungan, labing-anim na konsehal para sa Sangguniang Panglungsod, at isang kinatawan para sa Sanggunian Kabataan (SK). Ang bawat opisyal ay inihahalal para sa tatlong taong termino.
Mga Barangay at Distritong PangkinatawanBaguhin
Ang Lungsod ng Cagayan de Oro ay nahahati sa 80 na mga barangay. Nahahati ang mga ito sa dalawang distritong pangkinatawan, 24 na barangay ay nasa Unang Distrito (Kanluran) at 56 na barangany sa Ikalawang Distrito (Silangan), na ang ilog ng Cagayan ang nagsisilbing natural na hangganan. Ang lungsod ay may 57 barangay na urban at 23 barangay na rural.
Unang DistritoBaguhin
- Mga Barangay:
- Baikingon
- Balulang
- Bayabas
- Bayanga
- Besigan
- Bonbon
- Bulua
- Canitoan
- Carmen
- Dansolihon
- Iponan
- Kauswagan
- Lumbia
- Mambuaya
- Pagalungan
- Pagatpat
- Patag
- Pigsag-an
- San Simon
- Taglimao
- Tagpangi
- Tignapoloan
- Tuburan
- Tumpagon
Ikalawang DistritoBaguhin
- Mga Barangay:
- Agusan
- Balubal
- Bugo
- Camaman-an
- Consolacion
- Cugman
- F.S. Catanico
- Gusa
- Indahag
- Lapasan
- Macabalan
- Macasandig
- Nazareth
- Puerto
- Puntod
- Tablon
- Taguanao
at ang 40 mga barangay sa poblacion.