Gretchen Espina
Si Gretchen Stephanie Mendiola Espina ay Pilipinang mang-aawit na itinanghal na kauna-unahang Pinoy Idol, ang prankisa ng seryeng Idol ng GMA Network. Hindi palagiang mababa ang mga boto niya at mapunta sa "The Bottom Group" ("Pangkat na mababa").[2] Bagaman pinupurihan siya bilang ang kauna-unahang Pinoy Idol, sa teknikal na usapin, siya ang pangalawang nanalo sa prankisa ng Idol sa Pilipinas, pagkatapos ni Mau Marcelo ng Philippine Idol noong 2006.[3]
Gretchen Espina | |
---|---|
Pangalan noong ipinanganak | Gretchen Stephanie Mendiola Espina |
Kapanganakan | 8 Enero 1988 |
Pinagmulan | Lungsod Quezon, Pilipinas[1] |
Genre | Soul |
Trabaho | Mang-aawit |
Instrumento | Boses |
Taong aktibo | 2008-kasalukuyan |
Label | Sony BMG Philippines |
Talambuhay
baguhinNagmula si Espina sa mga pamilyang mahilig sa musika, kasama ang kanyang ama, si Rogelio J. Espina na gobernador ng Biliran, na sinasabing "mahusay sa pagtugtog ng piyano at magaling umawit,"[4] Isang doktor ng mga bata ang kanyang ina na si Cecil; habang dating punong bayan ng Naval, Biliran ang kanyang lolong si Gerry. Ipinanganak si Espina sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, kung saan nag-aral siya sa School of the Holy Spirit bago lumipat sa Naval Central School at nagtapos ng elementarya na may parangal. Pumasok siya bilang mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Cathedral School of La Naval, kung saan salutatorian siya.[1]
Nag-aral si Espina ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas sa kampus ng Diliman sa Lungsod Quezon, na may pangunahing aralin sa mga wikang Europeo. Kasapi si Espina sa The University of the Philippines Singing Ambassadors at kinatawan ang UP sa isang patimpalak sa pag-awit ng iba't ibang kolehiyo sa Shantou University, Guangdong, China, kung saan nanalo siya.[1][5]
Philippine Idol
baguhinNasa top 40 siya ng Philippine Idol, ngunit hindi na siya nakapasok sa Top 24.
Pinoy Idol
baguhinNagpunta si Espina sa SM Mall of Asia upang mapasali sa Pinoy Idol.[6] Ginawa niya ito sa kabila ng hindi pagpayag ng mga magulang niya dahil nais nilang makatapos siya ng kolehiyo.[7] Nalaman sa Biliran sa pamamagitan ng SMS ang Balita tungkol sa pagkasama ni Espina bilang isa sa mga aspirante ng patimpalak.[4] Nang makapasok na sa nangungunang 12, hindi palagiang mababa ang mga boto niya at mapunta sa "The Bottom Group" ("Pangkat na mababa").[2] Sinasabing kompetisiyon ng tatlong pangunahing pulo ng Pilipinas ang huling kabanata ng Pinoy Idol, na kinakatawan ni Espina ang Visayas habang kinakatawan naman ng pangalawa at pangatlong nanalo ang Luzon, si Jayaan Bautista ng Pampanga, at Mindanao, si Ram Chaves ng Lungsod ng Cagayan de Oro.[2] Pagkatapos niyang manalo, hinayag niya na ibibigay niya ang P 100,000 sa dalawang sumunod na nanalo bilang bahagi ng kanilang kasunduan.[5] Nakatakdang i-rekord ang unang niyang awitin sa ilalim ng SONY-BMG Philippines: ang "To You" na inawit niya sa huling kabanata ng Pinoy Idol.
Kritisismo
baguhinBilang kasapi ng isang pamilyang nasa politika, pinuna ang kanyang pagkapanalo na nangyari dahil nasa kapangyarihan ang kanyang pamilya at sinasabing katibayan ang mas malakas na masasayang sigaw kay Jayann Bautista nang sabihin ang nanalo sa Pinoy Idol.[5] Napabilang din si Espina sa lokal na bersyon ng "Vote for the Worst" ("Boto para sa Pinakamalala"), na kampanya sa pinakamalalang kalahok ng Pinoy Idol.[8] Sa isang panayam pagkatapos ng Huling Kabanata, sinabi niya na nanggaling sa Silangang Visayas ang karamihan ng kanyang boto, at dinagdag pa na hindi siya tatagal sa kompetisiyon kung hindi humanga sa kanyang pagkaganap ang mga manonood.[5][7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Gadaingan, Jack (16 Disyembre 2006). "Visayan singer wins China inter-collegiate songfest". Manila Bulletin. Nakuha noong 2008-08-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Erece, Dinno (17 Agosto 2008). "FIRST READ ON PEP: Gretchen Espina proclaimed as the first "Pinoy Idol"". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2008. Nakuha noong 25 Agosto 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cruz, Marinel (18 Agosto 2008). "Biliran lass named 'Pinoy Idol'". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-17. Nakuha noong 2008-08-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 "Biliran lass is first "Pinoy idol"". Philippine Information Agency. 19 Agosto 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-16. Nakuha noong 2008-08-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 Calderon, Nora (18 Agosto 2008). ""Pinoy Idol" winner Gretchen Espina: "Sisikapin ko pong maging karapat-dapat."". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Mayo 2009. Nakuha noong 25 Agosto 2008.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gretchen Espina profile on Pinoy Idol". iGMA.tv.
- ↑ 7.0 7.1 Cruz, Marinel (18 Agosto 2008). "Pinoy Idol: Talent, not connections, got me here". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-22. Nakuha noong 2008-08-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gretchen Espina is first 'Pinoy Idol'". Sun.Star Manila. 19 Agosto 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-02. Nakuha noong 2008-08-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)