Frida Kahlo
Si Frida Kahlo (6 Hulyo 1907 – 13 Hulyo 1954), ipinanganak bilang Magdalena Carmen Frida Kahlo y Calderón [1], ay isang bantog sa daigdig na Mehikanang pintor.[2] Nagpinta siyang gumagamit ng masisiglang mga kulay na nasa estilong naimpluwensiyahan ng mga katutubong kultura ng Mehiko at ng realismo, simbolismo, at surealismo ng Europa. Karamihan sa kanyang mga gawa ang paglalarawan ng wangis ng sarili, na masagisag na nagpapadama ng kanyang pasakit at seksuwalidad. Napangasawa ni Kahlo ang Mehikanong muralistang si Diego Rivera.[3]
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Kahlo mula sa isang amang Aleman at isang inang Mehikana. Nagtuon siya ng pansin sa seryosong pagpipinta habang isang mag-aaral pa lamang. Ginawa niya ito pagkaraan at habang nagpapagaling mula sa isang aksidenteng naganap sa kanyang buhay. Noong 1920, sumanib si Kahlo sa Partidong Komunista sa Mehiko. Nakilahok din siya sa mga pagpuprotesta pampolitika ng madla.[3]
Katangian ng mga dibuho
baguhinPara sa kanyang pagpipinta, ginamit ni Kahlo ang kanyang mga karanasan sa buhay bilang mga makapangyarihang sangkap ng pagpapakita ng hapding sikolohikal na nagbuhat sa pag-iral bilang isang tao sa mundo. May katangiang autobiyograpiko ang kanyang mga inakdaang dibuho, na kinasasangkutan din ng mga paksa ukol sa magulong buhay kaugnay ng pag-ibig. Bagaman ikinakabit sa kanyang pangalan at mga gawa ang pagiging isang surealista, sinasadya niyang lumayo sa ganitong kabansagan at tatak.[3]
Bukod sa pagiging autobiyograpiko ng mga ipininta ni Kahlo, mayroon din itong diwang pampolitika at pagkamakabayan.[3]
Ang Dalawang mga Frida
baguhinKabilang sa kanyang mga akdang ipininta ang Ang Dalawang mga Frida, na kilala sa Ingles bilang The Two Fridas, langis sa ibabaw ng kanbas na may sukat na 5'7" x 5'7", at ipininta noong 1939. Isa ito sa iilang mga larawang may malaking sukat na kanyang ipininta. Nagpapakita ito ng dalawang mukha ng kanyang personalidad at pagkatao, habang nasa likuran ng "dalawang Frida" ang isang kalangitang may unos o bagyo. Magkahawak ang kamay ng dalawang Frida at may magkarugtong na mahabang arteryo sa kanilang pagitan, kapantay ng leeg sa ibabaw ng kanilang mga puso. Sa isang dulo, nagtatapos ang arteryo sa isang porsep, habang nagwawakas naman ang isa sa maliit na larawan ng kanyang asawang si Diego Rivera. Magkaiba ang kasuotan ng dalawang Frida: isang dinamitan ng damit na Europeana, at ang isang nakadamit ng katutubong kasuotang Tehuana, ang nakaugaliang damit ng isang babaeng Zapotec na nagmula sa Isthmus ng Tehuanatepec. Sinasagisag ng Europeong damit (nasa kaliwa ng tumatanaw sa larawan) ang imperialismo, habang nilalarawan naman ng katutubong damit na Mehikano (nasa kanan ng tumitingin sa dibuho) ang indihenang kultura. Mayroon ding tig-isang puso ang dalawang Frida, na sumisimbulo sa mga Aztec, ang huling nagsasariling mga tao katutubo sa kasaysayan ng Mehiko. Dahil sa mga katangian ng Ang Dalawang Frida, isa itong pagpapakita ng mga pinagdaanang buhay at kasaysayan ng bansang Mehiko, bukod sa pagiging kinatawan ng mga karanasan ni Kahlo.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Herrera, Hayden (1983). A Biography of Frida Kahlo. New York: HarperCollins. ISBN 978-0060085896.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Frida Kahlo". Smithsonian.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-17. Nakuha noong 2008-02-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Frida Kahlo". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), A Personal ang Political Portrait, European Art in the Wake of World War I, The Early 20th Century, pahina 1000-1001.