Ang Friedrichstraße (Pagbigkas sa Aleman: [ˈfʁiːdʁɪçˌʃtʁaːsə]) (lit. Kalye Federico) ay isang pangunahing pangkultura at pang-shopping na kalye sa gitnang Berlin, na bumubuo sa pusod ng kapitbahayang Friedrichstadt at nagbibigay ng pangalan sa himpilang Berlin Friedrichstraße. Ito ay tumatakbo mula sa hilagang bahagi ng lumang distrito ng Mitte (hilaga kung saan ito ay tinatawag na Chausseestraße) hanggang sa Hallesches Tor sa distrito ng Kreuzberg.

Tanawin patungo sa Friedrichstraße
Tanaw ng Friedrichstraße mula sa Unter den Linden

Ang downtown na pook na ito ay kilala sa mamahaling real estate na merkado nito at sa campus ng Paaralang Hertie ng Pamamahala. Dahil sa hilaga-timog na direksiyon nito, bumubuo ito ng mahahalagang salikop na may silangan-kanlurang mga palakol, lalo na sa Leipziger Straße at Unter den Linden. Ang U6 linyang U-Bahn ay tumatakbo sa ilalim. Sa panahon ng Digmaang Malamig nahati ito ng Pader ng Berlin at ang lokasyon ng Tsekpoint Charlie.

Mga sanggunian

baguhin
baguhin

Padron:Visitor attractions in Berlin