Tsekpoint Charlie
Ang Tsekpoint o Checkpoint Charlie (o " Checkpoint C") ay ang pinakakilalang tawiran ng Pader ng Berlin sa pagitan ng Silangang Berlin at Kanlurang Berlin noong Digmaang Malamig (1947–1991), na pinangalanan ng mga Kanluraning Alyado. [1]
Ang pinuno ng Silangang Aleman na si Walter Ulbricht ay nabalisa at nagmaniobra upang makuha ang pahintulot ng Unyong Sobyetiko na itayo ang Pader ng Berlin noong 1961 upang ihinto ang pangingibang-bansa at pagtalikod pakanluran sa pamamagitan ng sistema ng Hangganan, na pinipigilan ang pagtakas sa hangganan ng sektor ng lungsod mula sa Silangang Berlin hanggang sa Kanlurang Berlin. Ang Tsekpoint Charlie ay naging simbolo ng Digmaang Malamig, na kumakatawan sa paghihiwalay ng Silangan at Kanluran. Ang mga tangkeng Sobyetiko at Amerikano ay panandaliang nagharap sa isa't isa sa lokasyon noong Krisis ng Berlin noong 1961. Noong Hunyo 26, 1963, binisita ng Pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy ang Tsekpoint Charlie at tumingin mula sa isang plataporma papunta sa Pader ng Berlin at sa Silangang Berlin.[2]
Matapos ang pagbuwag ng Silangang Bloke at ang muling pagsasama-iisa ng Aleanya, ang gusali sa Tsekpoint Charlie ay naging isang tanawing panturista. Ito ay matatagpuan ngayon sa Allied Museum sa kapitbahayan ng Dahlem ng Berlin.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "A brief history of Checkpoint Charlie".
- ↑ Andreas Daum, Kennedy in Berlin. New York: Cambridge University Press, 2008, pp. 134‒35.