Nagyelong yogurt

panghimagas na pinatigas sa lamig
(Idinirekta mula sa Frozen yogurt)

Ang nagyelong yogurt (tinatawag din sa Ingles: frozen yogurt, frozen yoghurt o frogurt; nakikilala rin sa mga tatak pangkalakal bilang Froyo /ˈfrj/) ay isang pinatagas sa lamig na panghimagas na naglalaman ng yogurt o iba pang mga produktong gawa sa gatas. Ito ay bahagyang mas maasim kaysa sa sorbetes, at mas mababa ito sa taba (dahil sa paggamit ng gatas sa halip na krema). Ito ay naiiba mula sa ice milk (kilala sa tawag na low-fat o light ice-cream), na hindi isinasama ang yogurt bilang isang sangkap.

Nagyelong yogurt

Produksiyon

baguhin

Ang nagyelong yogurt ay karaniwang binubuo ng solidong gatas, ilang uri ng pampatamis, taba ng gatas, kulturang yogurt, pangkulay, at pampalasa. Ang taba ng gatas ay bumubuo sa 0.5-6 porsyento ng yogurt. Ito ay nagbibigay ng magandang kalidad sa yogurt. Ang solidong gatas naman ay bumubuo sa 8-14 porsyento ng bigat ng yogurt at ito ay nagbibigay ng lactose para sa tamis at protina para hindi agad-agad matunaw. Ang asukal mula sa tubo o beet ay bumubuo sa 15-17 porsyento ng yogurt. Bilang karagdagan sa pagdadagdag tamis, ang asukal ay nagpapabigat sa mga sangkap na solido at nagpagpapabuti ng pagkakayari. Ang mga gulaman at pampapreserba (guar gum, carrageenan, atbp.) ay ang nagpapatatag ng yogurt dahil itong mga ito ay tumutulong sa pagbabawas ng pagkikristal at pagtaas ng temperatura kung saan ang yogurt ay matunaw. Ang nagyelong yogurt ay maaaring gawin sa isang makinarya ng sorbetes; gayunpaman, ang mga pangunahing kompanya ay madalas na gamitin ang mga makinarya na para lamang sa produksiyon ng nagyelong yogurt. Ang mga produkto ng gatas at gulaman ay pinagsasama-sama. Sa temperaturang 32°C, ang kulturang yogurt ay idinadagdag. Ang mga pinaghalo ay nananatili sa parehong temperatura hanggang ito ay natatakda at handa na para sa paglamig. Pagkatapos nito, ang mga pinaghalo ay pinapalamig sa 0 hanggang 4°C. Kapag ito ay umabot na sa nais na temperatura at lapot, ang yogurt ay inilalagay at iniiwan sa mga tangke hanggang sa apat na oras. Ang mga pampatamis, pampakulay, at pampalasa ay ihinahalo na rin, at ang timpla ng yogurt ay pinapalamig ulit sa -6 sa -2°C. Upang lumikha ng sobrang daming yogurt na may madulas na pagkakayari, ang hangin ay idinadagdag sa yogurt habang ang timpla ay nababalisa. Kapag sapat na halaga ng hangin ay dinagdag sa produkto, ang yogurt ay mabilis na lalamig at mamumuo upang maiwasan ang pagbuo ng malaking mga kristal ng yelo. Pagkatapos, ito ay ilalagay sa isang malamig na lugar para maipadala.

Mga gamit

baguhin

Ang nagyelog yogurt ay madalas kainin tulad ng sorbetes, at inihahanda na may iba't ibang mga lasa at mga istilo. Maraming mga kompanya ang nagbibigay kalayaan sa mga mamimili sa pagdaragdag ng mga iba't-ibang topping o pang-taas, o kung sa baso o sa apa ba ito ilalagay. May mga ilang mga tagabenta na nag-aalok ng walang asukal na nagyelong yogurt. Ang mga nagyelong yogurt na ginagawa ng iba’t-ibang mga malalaking kompanya tulad ng Yogiberry, Blush Yoguty, Pinkberry, Red Mango, Cherry on Top, at Yogen Früz ay mas malapit sa orihinal na resipe, samantalang ang iba pang mga kompanya tulad ng TCBY at I Can’t Believe It’s Yogurt ay nakatutok sa paggawa ng kanilang mga nagyelong yogurt na ilasa tulad ng sorbetes.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Steinhauer, Jennifer (2007-02-21). "Heated Competition. Steaming Neighbors. This Is Frozen Yogurt?" (sa wikang Ingles). New York Times. Nakuha noong 2007-02-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)