Ang Fuwa (Tsino: ; pinyin: Fúwá; sa literal na kahulugan "mga manikang suwerte" at maaaring tawagin bilang "mga Palakaibigan"), ay mga maskot ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008 sa Beijing. Nilikha ang mga disenyo ni Han Meilin, isang tanyag na artistang Tsino.[1] Ang mga disenyo ay inilabas ng Pambansang Lipunan ng Araling Panitikang Klasiko ng Tsino noong 11 Nobyembre 2005 sa pagdiriwang ng ika-1000 araw bago ang pagbubukas ng palaro.

Fuwa

Ang Fuwa ay binubuo nang lima: Beibei, Jingjing, Huanhuan, Yingying, at Nini. Kung pinagsama, ang mga pangalan ay nagbubuo ng pangungusap na "", Běijīng huānyíng nǐ na ibig sabihing "Binabati ka ng Beijing sa iyong pagdating." Ang likas na pangalan nila ay 'Ang mga Palakaibigan', naging 'Fuwa' ang pangalan nila nang may nagsasabing ang pangalan ay maaaring malito sa pagkaunawa.[2]

Habang nabigyan siya ng makasining lisensiya sa kanyang komisyon, nakiusap nang kasunod ng mga opisyal kay Han Meilin na ibilang ang mga iba't ibang disenyong Tsino at palahayupan sa Fuwa. Gumuhit si Han Meilin ng mga 1,000 modelo na maaaring gamitin sa Fuwa bago isaayos sa limang katauhan.[3]

Mga maskot

baguhin
Fuwa
Pangalan Bèibei (贝贝) Jīngjing (晶晶) Huānhuan (欢欢) Yíngying (迎迎) Nīni (妮妮)
Kasarian Babae Lalaki Lalaki Lalaki Babae
Larawan          
Pagkasing pangkultura

Pampalamuting larawan ng nakaugaliang Bagong Taon ng mga Tsiino ng lotus at isda; Disenyo ng isda mula sa antigong Neolitiko.

Malaking panda; Dinastiyang Song, hugis lotus na porselana.

Olimpikong apoy; Disenyong apoy mula sa mga Groto ng Mogao.

Antilopeng Tibet; Kasuotang panlahi ng Tibet at Xinjiang.

Langaylangayan; Bulador na Shayan ng Beijing.

Olimpikong Singsing Bughaw Itim Pula Dilaw Luntian
Kinatawang Elemento[4] Dagat Gubat Apoy Daigdig Langit
Likas na Elemento ng Fengshui[5] Tubig Kahoy Apoy Lupa Hangin
Pagkatao malumi, dalisay matapat, optimistiko pakikisama, masigasig masigla, masaya mahinhin, maligaya
Kinatawang huwaran kasaganaan kaligayahan kadaramahan kalusugan kaniguan
Kinatawang palakasan palakasang pantubig pagbuhat ng pabigat, judo, atbp. bolang pampalakasan atletika himnastika
Mga tala Sa nakaugaliang kulturang Tsino, ang isda ay kumakatawan ng kasaganaan, ganundin ang katauhan ng isda (魚) na nagpahiwatig sa katulad na ukol sa subi (餘 / 余). Ang "pagdiwara na lumulukso sa tarangkahan ng dragon" ay isang nakaugaliang kathang-isip ng sumusunod sa pangarap ng isa at makamit sa kanila. Ang mga pasimundan mula sa kalo ni Beibei ay nagmumula sa antigong inalis sa lupa sa Banpo, isang pook ng nayong Neolotiko ng kulturang Yangshao. Bilang isang nanganganib na uri, ang panda ay parehong pambansang hayop ng Tsina at sabansaang sagisag ng pagkakapaligiran. Ang pinagmulan ng gubat ni Jingjing ay sumasagisag ng madalisay na pagkakaalinsabay ng sangkatauhan at kalikasan. Si Huanhuan ay kumakatawan sa pag-ibig sa palakasan, ang diwa ng Olimpiko na "bumubilis, tumataas, lumalakas", at pag-ibig sa Palarong Beijing. Ang kalo ni Huanhuan ay nagmumula sa disenyo ng apoy sa Yungib Mogao, na kinikilala nang lubos na groto ng Budismong Tsino. Ang antilopeng Tibet ay isang nanganganib na uri na nagtatahan sa Talampas ng Tibet, na kinikilala sa kaniyang pagkahagibis. Ang kalo ni Yingying ay nagsasanib sa mga elemento ng mga kasuotang panlahi ng Tibet at Xinjiang. Ang langaylangayan ay isang tagapagbatid ng tagsibol at kaligayahan sa kulturang Tsino, at nakikita bilang sagisag ng kaniguan. Ang karakter ng pagsulat na Tsino ukol sa langaylangayan (燕) ay ginagamit din sa Yanjing (燕京), ang lumang pangalan para sa Beijing; nang sa ganun ang langaylangayan ay nagpapahiwatig sa Beijing. Ang kalo ni Nini ay gumagamit ng disenyong bulador na shayan ng Beijing, isang makulay na bulador na hugis bulador na hinubog sa mga langaylangayan.

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. CCTV - Nakuha noong ika-11 ng Setyembre, 2007
  2. Ipinangalan muli ang mga Maskot sa Fuwa sa Inggles
  3. The Wall Street Journal "[1]." Here's Another Olympic Sport:Skewering the Mascots Nakuha noong 2008-07-24.
  4. Opisyal na websayt ng Palarong Beijing 2008 Naka-arkibo 2008-08-01 sa Wayback Machine..
  5. Feng Shui FAQs Naka-arkibo 2008-08-14 sa Wayback Machine. Nakuha noong 2008-07-24.

Mga panlabas na kawing

baguhin