Gado-gado

ensaladang Indones

Ang gado-gado (Indones o Betawi) ay ensaladang Indones[1] na binubuo ng sariwang gulay na bahagyang pinakulo, pinamutla o pinasingaw at nilagang itlog, nilagang patatas, pinritong tokwa at tempeh, and lontong (kakanin na binalot sa dahon ng saging), na inihahain kasama ng sarsang mani.[3][1][4]

Gado-gado
Ang gado-gado ay gulay na inihalo sa sarsang mani
KursoPangunahin
LugarIndonesya[1]
Rehiyon o bansaJakarta[2]
Kaugnay na lutuinIndonesya
Ihain nangTemperatura ng silid
Pangunahing SangkapSamu't saring gulay sa sarsang mani na nilagyan ng krupuk
BaryasyonKaredok, isang bersiyon ng gado-gado na may sariwang gulay

Noong 2018, naitampok ang gado-gado bilang isa sa limang pambansang pagkain ng Indonesya; ang mga iba ay soto, sate, nasi goreng, at rendang.[5]

Etimolohiya

baguhin

Ang ibig sabihin ng salitang gado o pandiwang menggado ay kainin na walang kanin. "Halo-halo" ang literal na kahulugan ng gado-gado dahil gawa ito sa samu't saring paghahalo ng gulay kagaya ng patatas, sitaw, toge, espinaka, sayote, ampalaya, mais at repolyo, at tokwa, tempeh at nilagang itlog, lahat na nakahalo sa sarsang mani, paminsan-minsan sinasahugan din ng krupuk at budbod ng pinritong lasona. Iba ang gado-gado sa lotek atah o karedok na gumagamit ng sariwang gulay. Isa pang kahawig na pagkain ang pecel ng mga Habanes.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Luh De Suriyani (5 Disyembre 2013). "'Gado-gado' Ayu Minantri". Bali Daily. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hunyo 2015. Nakuha noong 12 Mayo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "fakta gado gado kuliner khas betawi". (Indones)
  3. "gado-gado". Dictionary.com.
  4. No Money, No Honey: A study of street traders and prostitutes in Jakarta by Alison Murray [Walang Pera, Walang Asawa: Isang pag-aaral sa mga tindera at patutot sa Jakarta ni Alison Murray] (sa wikang Ingles). Oxford University Press, 1992. Glossary page xii
  5. Media, Kompas Cyber. "Kemenpar Tetapkan 5 Makanan Nasional Indonesia, Ini Daftarnya - Kompas.com". KOMPAS.com (sa wikang Indones). Nakuha noong 2018-04-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)