Nasi goreng
Ang nasi goreng ay sinangag mula sa Timog-silangang Asya na karaniwang niluluto kasama ng mga pira-piraso ng karne at gulay. Isa sa mga pambansang pagkain ng Indonesya,[1][2] kinakain din ito ng mga komunidad ng nagsasalita ng Malay sa mga bansa kagaya ng Malasya, Singapura at Brunei, at sumikat din sa Sri Lanka dahil sa mga migrasyon mula sa kapuluang Malay,[3] sa mga bansa kagaya ng Suriname dahil sa mga komunidad ng imigranteng Indones,[4] at sa Olanda dahil sa ugnayang kolonyal nito sa Indonesya.[5] Naiiba ang nasi goreng sa mga ibang sinangag sa Asya dahil sa kakaibang mausok na aroma nito, at lasang karamelisado at maalinamnam din. Walang iisang resipi para sa nasi goreng, at naiiba ang komposisyon at paghahanda nito sa bawat sambahayan.
Kurso | Pangunahing pagkain |
---|---|
Lugar | Indonesya |
Kaugnay na lutuin | Indonesya,[1] Malasya, Brunay, Singapura, at Olanda |
Pangunahing Sangkap | Sinangag na may pira-piraso ng karne at/o gulay, at samu't saring mga pampalasa kagaya ng matamis na toyo |
|
Matagal nang nakonsiderang mahalagang bahagi ng lutuing Indones ang nasi goreng.[6] Noong 2018, kinilala ito ng pamahalaang Indones bilang isa sa limang pambansang pagkain ng bayan.[1] Kinakain kung saan-saan sa Indonesya, lalo na sa almusal, matatamasan ito sa iba't ibang paraan: mga simpleng bersiyon nito na nasa plato sa karinderya, mga kinakain sa porselana sa mga restawran, o mga kinukuha mula sa mga handaan sa mga parti sa gabi sa mga urbanisadong lungsod kagaya ng Jakarta.[7] Mabibili ang panimpla para sa nasi goreng kahit saan, at masusumpungan sa mga konbi sa buong Indonesya ang nasi goreng na elado at pinapainit sa mikrolon.
Etimolohiya
baguhin"Sinangag" ang kahulugan ng nasi goreng sa wikang Indones at wikang Malay.[8][9] Inilalarawan ng Cambridge English Dictionary ang nasi goreng bilang "Indones na kanin na dinagdagan ng mga pira-piraso ng kanin at gulay",[10] ngunit halos kasingkaraniwan lang ang pagkaing ito sa Malasya at Singapura, mga karatig na bansa, bilang isteypol sa kultura.[11][12]
Kasaysayan
baguhinKagaya ng mga ibang resipi ng sinangag sa Asya, iminugkahi ng ilang komentarista na matutunton ang pinagmulan ng nasi goreng ng mga Indones sa sinangag ng Timugang Tsina, at ipinapalagay na binuo ito para hindi masayang ang kanin.[13][14][15] Makikita ang impluwensiya ng Tsina sa lutuing Indones sa mie goreng na lumitaw kasabay ng pagpapakilala ng pagsangag na nangailangan ng paggamit ng Tsinong wok.[16] Sa Tsina, sumikat nang sumikat ang pagsangag sa dinastiyang Ming (1368–1644 PK).[17] Nagmula ang karaniwang toyo sa Tsina noong ika-2 siglo PK, ngunit, nilinang ang kecap manis (toyong matamis) sa Indonesya na nilagyan ng maraming lokal na asukal sa palma.[18]
Gayunpaman, hindi malinaw kung kailan nagsimula ang mga tao ng kasalukuyang-panahong Indonesya na magsangag ng kanin. Yumabong ang kalakalan ng Tsina at kapuluang Indones mula panahon ng Srivijaya noong mga ika-10 siglo at tumindi ito sa panahong Majapahit noong ika-15 siglo. Noong panahong iyon, nagsimulang manirahan ang mga imigranteng Tsino sa kapuluan, at dinala nila ang kanilang kultura at lutuin. Karaniwang gusto ng mga Tsino ang mga mainit at bagong-luto, at sa kanilang kultura, bawal itapon ang mga tira-tirang pagkain.[13] Dahil dito, kadalasang niluto muli ang mga bahaw sa umaga. Iminungkahi ni Gregory Rodgers na ang pagsangag sa kanin ay makahahadlang sa pagkalat ng mga delikadong mikrobyo, lalo na noong wala pang repriherador sa Indonesya, at upang maiwasan din ang pagtapon ng pagkain.[19]
Inaangkin ni Fadly Rahman, isang manunulat mula sa Unibersidad ng Padjajaran na walang makasaysayang ebidensya na nagpapatunay na katutubo sa Indonesya ang nasi goreng, at iminungkahi ng isa pang teorya bukod sa impluwensiyang Tsino: ang nasi goreng ay hango sa Gitnang Silanganing putahe na tinatawag na pilaf, kanin na niluto sa tinimplahang sabaw.[20] Gumagamit ang isang baryante, ang nasi goreng kambing (sinangag ng kambing) ng mga karne ng tupa o kambing (pinapaboran ng mga Arabeng Indones), espesyang malasa at minyak samin (ghee), na pawang mga tipikal na sangkap na ginagamit sa paghahanda ng pilaf sa Gitnang Silangan.[21]
Itinuturing ang nasi goreng bilang bahagi ng kulturang Indiyo noong panahong kolonyal. Lumilitaw ang pagbanggit ng nasi goreng sa panitikang kolonyal ng Silangang Indiyas ng Olanda, katulad sa Student Hidjo ni Marco Kartodikoromo, isang kuwentong de-serye na inilathala sa diyaryong Sinar Hindia noong 1918.[13] Binaggit ito sa isang 1925 aklat-panlutong Olandes, Groot Nieuw Volledig Oost Indisch Kookboek .[22] Sumikat ang nasi goreng sa buong mundo dahil sa kalakalan ng Olanda at Silangang Indiyas ng Olanda noong panahong iyon.[23]
Noong naging malaya ang Indonesya, sikat na kinonsidera ang nasi goreng bilang pambansang putahe, ngunit hindi ito opisyal.[13][24] Nakatulong ang kasimplihan at bersatilidad nito sa pagsikat nito at naging isteypol ito sa mga sambahayang Indones—kolokyal na itinuring bilang "pinakademokratikong" pagkain dahil wala itong eksakto at mahigpit na resipi, at magagawa ng mga tao ang anumang gusto nilang gawin dito.[25] Kinonsidera ang nasi goreng na karaniwang kinakain sa mga sambahayang Indones bilang pagkaing huwaran na kumakatawan sa pamilyang Indones. Ito ay naging bahagi ng menu, ipinakilala, inalok at inihain sa loob ng Indonesian Theater Restaurant sa pabilyong Indones noong New York World's Fair (Tanghalan ng Mundo sa New York) ng 1964. Sinabi ni Howard Palfrey Jones, ang Amerikanong embahador sa Indonesya noong mga huling taon ng pamamahala ni Sukarno sa gitna ng 1960s, sa kanyang talambuhay "Indonesia: The Possible Dream" (Indonesya: Ang Posibleng Pangarap), na gusto niya ang nasi goreng. Inilarawan niya ang kanyang kagustuhan sa nasi goreng na iniluto ni Hartini, isa sa mga asawa ni Sukarno, at pinuri ito bilang isa sa mga pinakamasarap na nasi goreng na natikman niya.[13]
Noong 2018, opisyal na kinilala ang nasi goreng ng pamahlaang Indones bilang isa sa mga pambansang putahe kasama ang apat pa: soto, sate, rendang, at gado-gado.[1]
Galerya
baguhin-
Nasi goreng, hipon at itlog. Kinaugaliang almusal na Indones
-
Nasi goreng, manok at itlog sa Bali
-
Nasi goreng, inasnang isda at itlog
-
Pulang nasi goreng sa Rantepao, Timog Sulawesi
-
Combo ng nasi goreng at inihaw na manok, pangunahing putaheng Indones sa mga dayuhan
-
"Istilong-Tsino" na Nasi goreng sa Jakarta
-
"Istilong-Hong Kong" na Nasi goreng sa Mataram, Lombok
-
Kabuteng nasi goreng sa Yogyakarta
-
Pagkaing-dagat na nasi goreng sa Sandakan, Sabah, Silangang Malasya
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Media, Kompas Cyber. "Kemenpar Tetapkan 5 Makanan Nasional Indonesia, Ini Daftarnya". KOMPAS.com (sa wikang Indones). Nakuha noong 18 Abril 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nasi Goreng: Indonesia's mouthwatering national dish" [Nasi Goreng: ang nakatatakam na pambansang pagkain ng Indonesia] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2010. Nakuha noong 5 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cassim, Aysha Maryam (17 Agosto 2016). "ශ්රී ලාංකික ආහාර සංස්කෘතිය වර්ණවත් කළ පෙර අපර දෙදිග රජබොජුන්". roar.media (sa wikang Sinhala). Roar. Nakuha noong 16 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Indonesian rice dishes from the Surinam cuisine" [Mga kaning Indones mula sa lutuin ng Suriname]. tropilab.com (sa wikang Ingles).
- ↑ Ena Scheerstra (30 Oktubre 2012). "Dutch East Indian Nasi Goreng" [Nasi Goreng ng Olandes ng Silangang Indiya]. Honest Cooking (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2023. Nakuha noong 26 Marso 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Andrea Chesman (1998). 366 Delicious Ways to Cook Rice, Beans, and Grains [366 Masarap na Paraan na Lutuin Ang Bigas, Priholes, at Grano] (sa wikang Ingles). Penguin. ISBN 9781101075746.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Crossette, Barbara (6 Hulyo 1986). "Fare of The Country; Spicy Staple of Indonesia" [Pagkain ng Bansa; Maanghang na Isteypol ng Indonesya]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Hulyo 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "nasi goreng | Indonesian to English Translation – Oxford Dictionaries" [nasi goreng | Pagsasalin ng Indones sa Ingles – Oxford Dictionaries]. Oxford Indonesian Living Dictionary (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2018. Nakuha noong 23 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malay Dictionary Online Translation LEXILOGOS >>".
- ↑ "nasi goreng Meaning in the Cambridge English Dictionary" [nasi goreng Kahulugan sa Cambridge English Dictionary]. dictionary.cambridge.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hariharan, Annie (17 Hulyo 2021). "Nasi goreng: a one-pot pantry clean-up dish at its best" (sa wikang Ingles). TheGuardian.com. Nakuha noong 15 Oktubre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Low, Harry (19 Setyembre 2016). "How this dish became a bone of contention" [Kung paano naging tutulan ang pagkaing ito]. BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Oktubre 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 13.2 13.3 13.4 Sitompul, Martin (28 Hulyo 2017). "Pesona Nasi Goreng". Historia – Obrolan Perempuan Urban (sa wikang Indones). Nakuha noong 19 Setyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bruce Kraig; Colleen Taylor Sen (2013). Street Food Around the World: An Encyclopedia of Food and Culture [Pagkaing Kalye sa Buong Mundo: Isang Ensiklopedya ng Pagkain at Kultura] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 183. ISBN 9781598849554.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mutia Silviani Aflakhah (9 Pebrero 2017). "Akulturasi Budaya di Balik Makanan Nusantara". Good News from Indonesia (sa wikang Indones).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Heinz Von Holzen (2014). A New Approach to Indonesian Cooking [Isang Bagong Diskarte sa Lutong Indones] (sa wikang Ingles). Marshall Cavendish International Asia Pte Ltd. p. 15. ISBN 9789814634953.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Grace Young (2010). Stir-Frying to the Sky's Edge: The Ultimate Guide to Mastery, with Authentic Recipes and Stories [Pagsangag hanggang Dulo ng Langit: Ang Sukdulang Gabay sa Kadalubhasaan, na May Mga Awtentikong Resipi at Kwento] (sa wikang Ingles). Simon and Schuster. p. 49. ISBN 9781416580577.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ William Shurtleff; Akiko Aoyagi (2011). History of Tempeh and Tempeh Products (1815–2011): Extensively Annotated Bibliography and Sourcebook [Kasayasayan ng Tempeh at Mga Produktong Tempeh (1815–2011): Anotadong Anotadong Bibliograpiya at Sanggunian] (sa wikang Ingles). Soyinfo Center. p. 618. ISBN 9781928914396.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gregory Rodgers. "Nasi Goreng: Indonesia's Rice-Based Breakfast of Champions" [Nasi Goreng: Almusal ng mga Kampeon sa Indonesya na Gawa sa Kanin] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Abril 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A. Kurniawan Ulung (20 Pebrero 2017). "Tracing history of Indonesian culinary fare" [Pagtalunton sa kasaysayan ng lutuing Indones]. The Jakarta Post (sa wikang Ingles). Jakarta.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sebastian Mondak. "A Love Letter to Nasi Goreng, Jakarta's Street Food Staple" [Isang Liham ng Pag-ibig sa Nasi Goreng, Isteypol sa Pagkaing Kalye ng Jakarta] (sa wikang Ingles). CNTraveler. Nakuha noong 21 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ van der Meijden, J.M.J. Catenius (1925). Groot Nieuw Volledig Oost Indisch Kookboek (PDF) (sa wikang Olandes). Den Haag: Goor Zonen Den Haag. p. 1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Standardisasi Perencah Nasi Goreng Masih Perlu Lokakarya Lanjutan". Selera. 3 (4): 39–42. Abril 1984.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nasi Goreng: Indonesia's mouthwatering national dish". Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hulyo 2010. Nakuha noong 5 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Indonesian Nasi Goreng: Stir-Fried Rice in Soy Sauce" [Indones na Nasi Goreng: Sinangag na Pagkain sa Toyo]. asianfoodnetwork.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2020. Nakuha noong 21 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)