Ang Srivijaya (nakasulat bilang Sri Vijaya o Sriwijaya sa Malay o Indones; bigkas sa Indones: [sriːwidʒaja]; bigkas sa Malay: [ˈSriːvidʒäjä] )[3]:131 ay isang Budistang tasalokratikong imperyo na ang sentro ay sa isla ng Sumatra, Indonesia, na nakaimpluwensiya sa kalakhan ng Timog-silangang Asya.[4] Ang Srivijaya ay isang mahalagang sentro para sa pagpapalawak ng Budismo mula ika-8 hanggang ika-12 siglo AD. Ang Srivijaya ay ang kauna-unahang pinag-isang kaharian na nangingibabaw sa kalakhan ng Kapuluang Malay.[5] Ang pag-angat ng Imperyo ng Srivijaya ay kahanay sa pagtatapos ng panahon ng paglalakbay sa dagat ng Malay. Dahil sa lokasyon nito, ang dating malakas na estado na ito ay bumuo ng kumplikadong teknolohiya na gumagamit mula sa mga rekurso sa dagat. Karagdagan, ang ekonomiya nito ay naging unti-unting nakasalalay sa mabilis na kalakalan sa rehiyon, sa gayon ay naging isang ekonomiya ito na batay sa prestihiyosong kalakal.[6]

Kadatuan ng Sri Wijaya
Kadatuan Sriwijaya
Kemaharajaan Sriwijaya
Mapa ng pag-unlad ng Imperyo ng Srivijaya, simula sa Palembang noong ika-7 siglo, pagkatapos ay kumalat sa karamihan ng Sumatra, pagkatapos ay lumalawak sa mga lugar ng Java, Mga isla ng Riau, Bangka Belitung, Singapore, Tangway ng Malaka (pinangalanan ding Tangway ng Kra), Thailand, Cambodia, Timog Vietnam, Kalimantan , hanggang sa natapos ito bilang Kaharian ng Malay ng Dharmasraya sa Jambi noong ika-14 na siglo.
Mapa ng pag-unlad ng Imperyo ng Srivijaya, simula sa Palembang noong ika-7 siglo, pagkatapos ay kumalat sa karamihan ng Sumatra, pagkatapos ay lumalawak sa mga lugar ng Java, Mga isla ng Riau, Bangka Belitung, Singapore, Tangway ng Malaka (pinangalanan ding Tangway ng Kra), Thailand, Cambodia, Timog Vietnam, Kalimantan , hanggang sa natapos ito bilang Kaharian ng Malay ng Dharmasraya sa Jambi noong ika-14 na siglo.
Kabisera
PamahalaanMonarkiya
SalapiMga katutubong ginto at pilak na barya

Ang pinakamaagang sumangguni rito ay mula pa noong ika-7 siglo. Isang Tsinong Tang na monghe, na si Yijing, ay sumulat na siya ay bumisita sa Srivijaya sa 671 sa loob ng anim na buwan. Ang pinakamaagang kilalang inskripsiyon kung saan lumilitaw ang pangalang Srivijaya ay nagmula rin noong ika-7 siglo sa inskripsiyon ng Kedukan Bukit na natatagpuan malapit sa Palembang, Sumatra, na may petsang 16 Hunyo 682. Sa pagitan ng huling bahagi ng ika-7 at unang bahagi ng ika-11 siglo, ang Srivijaya ay lumago upang maging isang hegemon sa Timog-silangang Asya. Ito ay kasangkot sa malapit na pakikipag-ugnayan, madalas na tunggalian, sa karatig na Java, Kambuja, at Champa. Ang pangunahing panlabas na interes ng Srivijaya ay ang pag-aalaga ng mga kapaki-pakinabang na kasunduan sa kalakalan sa Tsina na tumagal mula sa Tang hanggang sa dinastiyang Song. Ang Srivijaya ay may mga ugnayan sa relihiyon, kultura, at kalakalan sa Budistang Pala ng Bengal, pati na rin sa Islamikong Califato sa Gitnang Silangan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Indonesia - The Malay kingdom of Srivijaya-Palembang". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-05-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Partogi, Sebastian (Nobyembre 25, 2017). "Historical fragments of Sriwijaya in Palembang". The Jakarta Post. Nakuha noong 23 Mayo 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Coedes3); $2
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang end2); $2
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Awani-Malay2); $2
  6. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang :32); $2