Ang Imperyong Khmer ( /kəˈmɛər/; Khmer: ចក្រភពខ្មែរ: Chakrphup Khmer or អាណាចក្រខ្មែរ Anachak Khmer) o Imperyong Angkor (Khmer: អាណាចក្រអង្គរ: Anachak Angkor) ay ang mga katawagan na ginagamit ng mga dalubhasa sa kasaysayan upang tukuyin ang Cambodia mula ika-9 na dantaon hanggang ika-15 dantaon nang ang bansa ay isang imperyong Hindu/Budista sa Timog-silangang Asya. Tinutukoy ng imperyo ang sarili bilang Kambuja o Kambujadesa na sinaunang katawagan para sa Cambodia. Lumago ang imperyo mula sa dating kabihasnan ng Funan at Chenla, na pinamunuan at/o sinakop ang karamihan ng kalupaang Timog-silangang Asya[3] at bahagi ng Katimugang Tsina, lumalawak mula sa dulo ng Tangway ng Indotsina tungong norte hanggang sa makabagong lalawigan ng Yunnan, China, at mula Vietnam pakanluran hanggang Myanmar.[4][5]

Imperyong Khmer
ចក្រភពខ្មែរ
Cakrabhub Khmer
कम्बुजदेश
Kambujadeśa
802–1431
Watawat ng Imperyong Khmer
Watawat
Mapa ng Timog-silangang Asya noong 900; nakapula ang Imperyong Khmer
Mapa ng Timog-silangang Asya noong 900; nakapula ang Imperyong Khmer
KatayuanImperyo
KabiseraMahendraparvata (maagang ika-9 na dantaon)
Hariharalaya (ika-9 na dantaon)
Koh Ker (928–944 AD)
Yasodharapura (Angkor) (huling ika-9 hanggang maagang ika-15 dantaon)
Karaniwang wikaLumang Khmer
Sanskrit
Relihiyon
Hinduismo
Budismong Mahayana
Budismong Theravada
PamahalaanDibino, ganap na monarkiya
Hari 
• 802–850
Jayavarman II
• 1113–1150
Suryavarman II
• 1181–1218
Jayavarman VII
• 1417–1463
Ponhea Yat
PanahonGitnang Panahon
• Pagluklok sa trono ni Jayavarman II
802
• Naitayo ang Angkor Wat
1113–1150
• Pagsakop ng Ayutthaya
1431
Lawak
1290[1][2]1,000,000 km2 (390,000 mi kuw)
Populasyon
• 1150
2,000,000
Pinalitan
Pumalit
Chenla
Panahon pagkatapos ng Angkor
Bahagi ngayon ngCambodia
Laos
China
Vietnam
Thailand
Myanmar

Ang pinakamalaking pamana nito ay ang Angkor, sa kasalukuyang Cambodia, na ang lugar ng kabiserang lungsod noong tugatog ng imperyo. Nagpapatotoo ang mga marilag na bantayog ng Angkor, tulad ng Angkor Wat at Bayon, sa napakalawak na kapangyarihan at kayamanan ng Imperyong Khmer, kahanga-hangang sining at kalinangan, pamamaraan sa arkitektura, mga nakamit sa estetika, at iba't ibang sistema ng paniniwala na tinangkilik nito sa paglipas ng panahon. Naisiwalat ng paglalarawan ng satelayt na ang Angkor, sa panahon ng rurok nito noong ika-11 hanggang ika-13 dantaon, ay ang pinakamalaking urbanong sentro sa buong mundo bago ang panahong industriyal.[6]

Kombensyonal na pinetsahan ang simula ng panahon ng Imperyong Khmer noong 802 nang inihayag ni Haring Jayavarman II ang sarili bilang chakravartin ("pangkalahatang pinuno") sa Phnom Kulen. Natapos ang imperyo noong pagbagsak ng Angkor noong ika-15 dantaon.

Historiograpiya

baguhin

Ang kasaysayan ng Angkor bilang gitnang lugar ng paninirahan ng makasaysayang kaharian ng Kambujadesa ay kasaysayan din ng kaharian ng Khmer mula ika-9 hanggang ika-13 dantaon.[7]

Mula sa Kambuja mismo—at gayundin mula sa rehiyon ng Angkor—walang nakasulat na talaan na nakaligtas maliban sa mga inskripsiyong bato. Samakatuwid, pangunahing hinango ang kasalukuyang kaalaman ng makasaysayang kabihasnang Khmer mula sa:

  • Pang-arkeolohiyang paghuhukay, muling pagsasagawa at pagsisiyasat
  • Inskripsiyong bato (ang pinakamahalaga sa mga ito ang pundasyong istela ng mga templo) na inulat ang pampolitika at relihiyosong gawain ng mga hari
  • Mga relief sa isang serye ng mga pader ng templo na may paglalarawan ng mga martsa ng militar, buhay sa palasyo, mga eksena sa merkado, at pang-araw-araw na buhay ng populasyon
  • Mga ulat at salaysay ng mga diplomatikong Tsino, mangangalakal at manlalakbay.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Turchin, Peter; Adams, Jonathan M.; Hall, Thomas D (Disyembre 2006). "East-West Orientation of Historical Empires". Journal of World-Systems Research (sa wikang Ingles). 12 (2): 223. ISSN 1076-156X. Nakuha noong 16 Setyembre 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rein Taagepera (Setyembre 1997). "Expansion and Contraction Patterns of Large Polities: Context for Russia". International Studies Quarterly (sa wikang Ingles). 41 (3): 493. doi:10.1111/0020-8833.00053. JSTOR 2600793. Nakuha noong 7 Setyembre 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Infoplease (sa Ingles)
  4. Reynolds, Frank. "Angkor". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Encyclopædia Britannica, Inc. Nakuha noong 17 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Plubins, Rodrigo. "Khmer Empire". Ancient History Encyclopedia (sa wikang Ingles). Ancient History Encyclopedia. Nakuha noong 17 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Damian Evans; atbp. (9 Abril 2009). "A comprehensive archaeological map of the world's largest preindustrial settlement complex at Angkor, Cambodia". Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 104 (36): 14277–82. doi:10.1073/pnas.0702525104. PMC 1964867. PMID 17717084. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Pahina ng thaiwebsites.com (sa Ingles)