Lutuing Malasyo

tradisyon ng Malasya sa pagluluto

Ang lutuing Malasyo (Malay: Masakan Malaysia; Jawi :ماسقن مليسيا‎) ay binubuo ng mga tradisyon at kaugalian sa pagluluto na makikita sa Malasya, at sumasalamin sa multi-etnikong populasyon nito.[1] Maaaring hatiin ang karamihan ng populasyon ng Malasya sa tatlong pangunahing pangkat-etniko: Mga Malay, Mga Tsino at Mga Indiyano. Ang natitira ay binubuo ng mga katutubong mamamayan ng Sabah at Sarawak sa Silangang Malasya, ang Orang Asli ng Malasya Peninsular, ang kriyolong komunidad ng mga Peranakan at Eurasyano, pati na rin ang malaki-laking bilang ng mga dayuhang manggagawa at expatriado.

Nasi lemak, ang pambansang putahe ng Malasya

Dahil sa mga migrasyon sa kasaysayan, kolonisasyon ng mga dayuhan, at puwestong heograpikal nito sa rehiyon, ang istilong Malasyo sa kulinarya sa ngayon ay paghahalo ng mga tradisyon mula sa mga Malay, Tsino, Indiyano, Indones, Pilipino at katutubong taga-Borneo at Orang Asli, na may maliit at malaking impluwensiya mula sa mga lutuing Arabe, Taylandes, Portuges, Olandes at Briton, upang banggitin lamang ang ilan. Nagresulta ito sa simponiya ng mga lasa, kaya napakakumplikado at napakasari. Samu't sari ang mga ginagamit na kondimento, yerba at espesya sa pagluluto.

Dahil halos pareho ang karamihan ng kasaysayan ng Malasya Peninsular at Singapura, karaniwang makakahanap ng mga bersiyon ng parehong putahe sa dalawang bansa saan man ang pinagmulan, tulad ng laksa at chicken rice. Ganito rin ang Malasyong Borneo at Brunay, gaya ng ambuyat. Dahil din sa kalapitan, migrasyon sa kasaysayan at malapit na kaugnayang etniko at kultural, may kaugnayan ang mga lutuin ng Malasya sa Indonesya, Taylandiya at Pilipinas,[2] dahil magkapareho ang ilan sa mga pagkain nila, tulad ng sate at rendang.

Dahil karamihan ng mga Tsinong Malasyano ay mga inapo ng mga imigrante mula sa timog Tsina, pangunahing nakabatay ang lutuing Malasyong Tsino sa eklektikong repertoryo ng mga putahe mula sa mga lutuing Fujian, Teochew, Kantones, Hakka at Hainanes.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Joe Bindloss (2008). Kuala Lumpur, Melaka & Penang. Ediz. Inglese. Lonely Planet. ISBN 978-1-74104-485-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kosaku Yoshino. "Malaysian Cuisine: A Case of Neglected Culinary Globalization" [Lutuing Malasyo: Isang Kaso ng Napabayaang Globalisasyon sa Kulinarya] (PDF) (sa wikang Ingles). Sophia University Institute of Comparative Culture, Tokyo. p. 3. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2 Mayo 2014. Nakuha noong 2 Mayo 2014. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A Brief history of Chinese food in Malaysia" [Isang maikling kasaysayan ng pagkaing Tsino sa Malasya] (sa wikang Ingles). SmartBite. Nakuha noong 29 Abril 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)