Ang galbano (Ingles: galbanum)[1][2][3] ay ang mga mababangong sahing na nanggagaling sa mga punungkahoy na Ferula gummosa. Ginagamit ito sa paggawa ng mga insenso.

Ang Ferula gummosa, pinagmumulan ng galbano.

Pinagmulan

baguhin

Produkto ang galbano ng ilang mga partikular na uri ng mga halaman sa Persiya, katulad ng Ferula gummosa, syn. galbaniflua at Ferula rubricaulis. Laganap na namumuhay ang mga halamang napagkukunan ng galbano sa mga kabundukan ng hilagang bahagi ng Iran. Karaniwang tumutubo ang mga ito sa matigas o malambot, iregular, humigit-kumulang na mga tila nanganganinag at makintab na mga kumpol, o kung minsan sa magkakahiwalay na mga punit, ng mapanglaw na kayumanggi, dilawin o luntiang-madilaw na kulay, at may hindi-kaaya-ayang mapainit na lasa, may kakaiba at mapanghing amoy, at espesipikong grabidad na 1.212. Naglalaman ito ng may 8% ng terpene; mga 65% ng resin o dagta ang naglalaman ng sulpur; mga 20% of gum; at may maliit na kantidad ng walang-kulay at kristalinang sustansiyang umbelliferone.

Mga gamit

baguhin

Pananampalataya

baguhin

Isa sa mga pinakamatandang uri ng gamot ang galbano. Sa Aklat ng Exodus 30:34, nabanggit ito bilang isang yerbang gamit sa paggawa ng mga pabango para sa tabernakulo. Sinabi ni Rabbi Shelomo ben Yitschak mga kapanahunan ng 1100 sa kasulatang ito na mapait ang galbano at isinama sa insenso bilang isang paalala ng mga gawaing sinasadya at hindi-mapagsising mga makakasalanang mga tao.

Panggagamot

baguhin

Paminsan-minsang ginagamit ito sa paglikha ng mga makabagong mga pabango, at isang sangkap na nagbibigay ng natatanging amoy sa pabangong "Must" ng Cartier. Ginamit ito ni Hippocrates sa panggagamot, at binigyan ito ni Pliny (Kasaysayang Likas xxiv. 13) ng katanginang ekstraordinaryong nakahihilom na mga kapangyarihan, kung kaya't madiin niyang nasabi na "Sa paghipo pa lamang na hinaluan ng langis ng spondylium ay sapat na para makapatay ng isang ahas."[4] Minsan ding ibinibigay ang galbano bilang gamot, sa larangan ng modernong medisina, mula lima hanggang labinlimang grano. Mayroon itong bisa na pangkaraniwan sa mga sustansiyang naglalaman ng mga dagta at madaling-sumingaw (bolatil) na langis. Subalit, sa pangkalahatan, lipas na ang paggamit nito sa larangan ng panggagamot.

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Galbano, Exodo 30:34". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Exodus 30:34, Galbano
  3. Spices: Galbanum
  4. Salin mula sa Ingles na: "the very touch of it mixed with oil of spondylium is sufficient to kill a serpent."

Bibliyograpiya

baguhin