Galleria Vittorio Emanuele II

Ang Galleria Vittorio Emanuele II (Italyano: [ɡalleˈriːa vitˈtɔːrjo emanuˈɛːle seˈkondo]) ay ang pinakalumang aktibong pamilihang mall ng Italya at isang pangunahing palatandaan ng Milano, Italya. Nasa loob ng isang apat na palapag na dobleng arkada sa gitna ng bayan,[kailangan ng sanggunian] ang Galleria ay pinangalanan kay Victor Emmanuel II, ang unang hari ng Kaharian ng Italya. Ito ay dinisenyo noong 1861 at itinayo ng arkitektong si Giuseppe Mengoni sa pagitan ng 1865 at 1877.

Galleria Vittorio Emanuele II
{{{image_alt}}}
KinaroroonanMilano, Italya
Mga koordinado45°27′56″N 9°11′24″E / 45.46556°N 9.19000°E / 45.46556; 9.19000
Petsa ng pagbubukas1877
Magmamay-ariKomuna ng Milano
ArkitektoGiuseppe Mengoni

Arkitektura

baguhin

Ang estruktura ay binubuo ng dalawang arkadang boveda na natatagpo sa isang oktagong sumasakop sa kalye na kumokonekta sa Piazza del Duomo sa Piazza della Scala. Ang kalye ay natatakpan ng isang arkong salamin at glass at cast iron na bubong, isang tanyag na disenyo para sa mga arkada ng ika-19 na siglo, tulad ng Arkada Burlington sa Londres, na prototype para sa mas malalaking sinalaminang pamilihang arkada, na nagsisimula sa Galeriya Saint-Hubert sa Bruselas (binuksan noong 1847), ang Passazh sa San Petersburgo (binuksan noong 1848), at ang Galleria Umberto I sa Napoles (binuksan noong 1890), at ang Budapest Galleria.

Mga sanggunian

baguhin

Karagdagang pagbabasa

baguhin
baguhin