Si General Zod ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa komiks na nilalathala ng DC Comics, na karaniwang nakaugnay kay Superman. Nilikha ang karakter, na unang lumabas sa Adventure Comics #283 (Abril 1961), ni Robert Bernstein at inisyal na dinisenyo ni George Papp.[1] Bilang isang Kryptoniyano, mayroon siyang kaparehong kapangyarihan at kakayahan tulad ng kay Superman at dahil dito nakikita siya bilang isa sa mga kalubus-lubusang kaaway niya kasama sina Lex Luthor at Brainiac.

General Zod
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasAdventure Comics #283 (Abril 1961)
TagapaglikhaRobert Bernstein
George Papp
Impormasyon sa loob ng kwento
Buong pangalanDru-Zod
EspesyeKryptoniyano
Lugar ng pinagmulanKrypton
Kasaping pangkatKryptonian Military Guild
Suicide Squad
Superman Revenge Squad
KakampiNon
Ursa
Faora
Jax-Ur
Quex-Ul
Nam-Ek
Aethyr-Ka
Kakayahan
  • Taktikong may henyong-antas
  • Sanay na mamaril at mano-manong pakikipaglaban
  • Higit-sa-taong lakas, bilis, tibay, at tagal
  • Paglipad
  • Heat vision o init na lumalabas sa bisyon
  • Freezing breath o nagyeyelong hininga
  • Mga kapangyarihang extrasensory, kabilang ang bisyong X-ray
  • Hindi sumusukong kalooban

Orihinal na isinasalarawan bilang kalbo at ahit, nagbigay ng kahulugan ang itsura ni Zod sa pagganap ni Terence Stamp sa mga pelikulang Superman at Superman II na pinagbidahan ni Christopher Reeve. Sa kalaunan, muling ipinakilala ang karakter sa DC Multiverse na may itim na buhok at isang balbas na goatee.

Niranggo ng Total Film si Zod bilang #32 sa kanilang tala na "Top 50 Greatest Villains of All Time" (Pinakamataas na 50 Kontrabida sa Lahat ng Oras) noong 2007.[2] Niranggo naman ng IGN.com si General Zod bilang #30 sa kanilang talaan na "Top 100 Comic Book Villains" (Pinakamataas na 100 Kontrabida sa Komiks).[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wallace, Dan (2008). "General Zod". Sa Dougall, Alastair (pat.). The DC Comics Encyclopedia (sa wikang Ingles). New York: Dorling Kindersley. p. 136. ISBN 0-7566-4119-5. OCLC 213309017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Top 50 Greatest Heroes & Villains Of All Time - 'Total Film' Compiled List" (sa wikang Ingles). Snarkerati.com. 2007-11-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-17. Nakuha noong 2010-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "General Zod is number 30 - IGN" (sa wikang Ingles). Comics.ign.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-24. Nakuha noong 2010-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)