Heomorpolohiya

(Idinirekta mula sa Geomorphology)

Ang heomorpolohiya (Ingles: geomorphology, mula sa Griyego: γῆ, ge, "mundo"; μορφή, morfé, "porma"; at λόγος, logos, "pag-aaral") ay makaagham na pag-aaral ng mga anyo ng lupa at mga prosesong humuhubog sa mga ito.[1] Nilalayong maunawaan ng mga heomorpologo o heomorpolohista ang kung bakit nagkakaganoon o nagkakaganito ang anyo ng kapaligiran: upang maunawaan ang kasaysayan at mga lakas o puwersa na nagdudulot ng pagbabago o paggalaw ng porma o hubog ng lupain, at makapanghula ng hinaharap na mga pagbabago sa pamamagitan ng kumbinasyon ng obserbasyon ng pook, pisikal na eksperimento, at numeriko o may bilang na pagmomodelo. Isinasagawa ang heomorpolohiya sa loob ng heograpiya, heolohiya, heodesya, heolohiyang pang-inhinyeriya, arkeolohiya, at inhinyeriyang heoteknikal. Ang maaagang mga pag-aaral sa heomorpolohiya ang pundasyon ng pedolohiya, isa sa dalawang pangunahing mga sangay ng agham ng lupa. Ang mas kamakailang mga pag-aaral sa heomorpolohiya, na pinasimulan at pinatanyag ni Henry Posamentier, ang nagsasanib ng heomorpolohiyang seismiko at estratigrapiyang seismiko, na tumataban kapwa sa mga datong seismiko na 2D at 3D upang mas maunawaan ang distribusyon o pamamahaging paleograpiko ng mga litolohiya.

Anyong lupa "Cono de Arita", Salta (Arhentina).

Nagaganap o umuunlad ang mga anyo ng lupain bilang tugon sa isang pagsasama ng likas at antropohenikong mga proseso. Ang anyo ng kapaligiran ay nabubuo o nahuhubog sa pamamagitan ng pataas na pag-angat na tektoniko at bulkanismo. Nagaganap and denudasyon sa pamamagitan ng erosyon at pagpapalalang bultuhan, na gumagawa ng mga sedimentong nadadala at nasasadlak o nalalagay sa loob ng anyo ng paligid o sa labas ng dalampasigan. Napapababa rin ang mga anyo ng kapaligiran sa pamamagitan ng paglubog o paghupa (subsidensya), maaaring dahil sa pagbabagong tektoniko o pisikal sa loob ng nakapailalim na mga depostiong sedimentaryo. Ang bawat isang ganitong mga proseso ay naiimpluwensiyahang paiba-iba ng klima, ekolohiya, at gawain ng tao.

Kabilang sa mga praktikal na mga napaggagamitan o aplikasyon ng heomorpolohiya ang panunubok o pagtantya ng peligro o panganib kabilang na ang panghuhula ng lindol at mitigasyon (pagbabawas o pagpapatighaw ng lakas o katindihan), pagtaban o pagkontrol sa ilog at restorasyon, at proteksiyon ng mga dalampasigan.

Kaugnay ng heomorpolohiya ang paleoheomorholohiya, ang pag-aaral ng heomorpolohiya ng lahat o bahagi ng kalatagan ng mundo sa isa o ilang panahon sa nakalipas ng mundo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Woodroffe, C (2001). "Geomorphology". Encyclopedia of Ocean Sciences. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heolohiya at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.