Heopisika
Ang Heopisika (Ingles: Geophysics) ay ang pisika ng Daigdig at ng kapaligiran nito sa loob ng kalawakan. Kabilang sa mga paksa nito ang hugis ng Daigdig, ang kapaligirang grabitasyunal nito, ang kapaligirang magnetiko nito, ang dinamika ng Daigdig bilang kabuuan at ng mga bahagi nito, ang kayariang pangloob nito, komposisyon at tektonikong talukap, ang henerasyon at paglikha ng mga magma, bulkanismo at pagbuo ng mga bato, ang siklong hidrolohikal kabilang ang niyebe at iyelo, lahat ng mga aspeto ng mga karagatan, ang atmospera, ionospera, magnetospera, at mga ugnayang solar-terestriyal, at analogo o pasusuri at paghahambing ng mga suliraning may kaugnayan sa Buwan at iba pang mga planeta.[1]
Ginagamit din ang heopisika sa mga pangangailangang panglipunan, katulad ng mga napagkukunan ng mineral, mitigasyon o pagbabawas ng mga likas na mga panganib at pagpuprutektang pangkapaligiran.[1] Ang mga dato ng pagsusuring pangheopisika ay ginagamit upang suriin ang mga maaaring magamit na imbakan ng petrolyo at mga depositong mineral, upang makahanap ng tubig sa lupa, upang makahanap ng mga tuklas na pang-arkeolohiya, upang malaman ang kakapalan ng mga glasyer at mga lupa, at para sa remedyong pangkapaligiran.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 (Tungkol sa IUGG)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Daigdig ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.