Si Mahmud Ghazan (5 Nobyembre 1271 – 11 Mayo 1304) (Mongol: Газан хаан, Persa: غازان خان‎, Ghazan Khan, tinutukoy minsan bilang Casanus ng mga taga-Kanluran[2]) ay ang ikapitong pinuno ng Ilkanatong dibisyon ng Imperyong Mongol (na Iran na sa ngayon) noong 1295 hanggang 1304. Anak siya ni Arghun, apo ni Abaqa Khan at apo sa tuhod ni Hulagu Khan na pinagpatuloy ang isang mahabang linya ng mga pinuno na direktang inapo ni Genghis Khan. Tinuturing bilang ang pinakaprominenteng Ilkan, kilala siya sa pakikipag-usap sa Islam at pakikipagpulong kay Imam Ibn Taymiyya noong 1295 nang umupo siya sa trono, na minarkahan ang isang punto ng pagpasya para sa dominanteng relihiyon ng mga Mongol sa Kanlurang Asya (Iran, Iraq, Anatolia ay Transcaucasia). Isa si Kököchin, isang prinsesang Mongol (orihinal na itakdang ikasal sa ama ni Ghazan na si Arghun bago ang kanyang kamtayan), sa mga prinispal na aaawa ni Ghazan, na ipinadala ng kanyang abuwelo na si Kublai Khan.

Ghazan
Kan
Pādeshāh ng Iran at Islam[1]

Ipinanganak si Ghazan (nasa gitna) bilang isang Budista, at nag-Islam bilang bahagi ng isang kasunduang militar sa pagpasok sa trono.
Ilkan
Panahon 4 Oktubre 1295 – 11 Mayo 1304
Koronasyon 19 Oktubre 1295
Sinundan Baydu
Sumunod Öljeitü
Naib Nawruz
Birrey ng Khorasan
Panahon 1284 - 1295
Sinundan Arghun
Sumunod Nirun Aqa
Buong pangalan
Mahmud Ghazan
Ama Arghun
Ina Kultak Egechi
Kapanganakan 5 Nobyembre 1271
Abaskun, Ilkanato
Kamatayan 17 Mayo 1304(1304-05-17) (edad 32)
Qazvin, Ilkanato
Pananampalataya Budismo

pagkatapos ng 1295 Sunni Islam pagkatapos ng 1298 Kristiyanismong Nestoriyano

Kabilang sa mga hidwaang militar noong paghahari ni Ghazan ang digmaan sa mga Mamluk ng Ehipto para sa pagkontrol ng Siria, at ang mga labanan sa Kanato ng Chagatai ng Turko-Mongol. Itinuloy ni Ghazan ang mga diplomatikong ugnayan sa Europa, na pinagpatuloy ang di-tagumpay na pagsubok ng mga nakaraang namuno sa pagbuo ng alyansang Pranko-Mongol. Isang tao na may mataas na kultura, nagsalita si Ghazan ng maraming wika, nagkaroon ng maraming kinagigiliwang libangan, at binago ang maraming elemento ng Ilkanato, lalo na ang mga tungkol sa paglalagay ng pamantayan sa pananalapi at polisiyang piskal.

Pagkabata

baguhin
 
Si Ghazan bilang isang bata, kalong ng kanyang amang si Arghun, nakatayo katabi ng ama ay si Abaga, na nakasakay sa isang kabayo

Ang magulang ni Ghazan ay si Arghun at kanyang kongkubina na si Kultak Egechi ng tribong Dörben. Noong kinasal sila, labindalawang taon lamang si Arghun. Ang nakakatandang kapatid na babae ni Kultak na si Ashlun ay asawa ni Tübshin, anak ni Hulagu at nakaraang birrey ng Khorasan.[3] Ipinanganak si Ghazan noong 5 Nobyembre 1271 sa Abaskun (malapit sa makabagong Bandar Turkman) bagaman lumaki siya sa Ordo (palasyong-tolda ng mga lagalag) ng paboritong asawa ng kanyang lolo Abaqa na si Buluqhan Khatun, na wala ring anak.[4] Hindi nagkita sina Ghazan at Arghun hangga't noong atake sa Qaraunas noong 1279 nang saglit silang nagkita.

Lumaki si Ghazan bilang isang Kristiyano,[5] tulad ng kanyang kapatid na si Oljeitu. Tradisyonal na mapagparaya ang mga Mongol sa maraming relihiyon, at noong kabataan niya, natuto siya sa isang mongheng Tsino, na tinuruan siya ng wikang Tsino at Budismo, gayon din ng mga panulat na Mongol at Uighur.[6]

Sa ilalim ni Tekuder

baguhin

Tumira siya kasama ang mga Gaykhatu sa kampo ni Buluqhan Khatun sa Baghdad pagkatapos ng kamatayan ni Abaqa. Muli silang nagkasama ng kanyang ama nang ikinasal si Arghun kay Buluqhan Khatun at naging madrasta ni Ghazan.

Pamumuno sa Khorasan

baguhin

Sa ilalim ni Arghun

baguhin

Pagkatapos ng pagpapatalsik kay Tekuder noong 1284, naluklok sa trono ang ama ni Ghazan na si Arghun bilang Ilkhan, naging birrey ang labing-isang gulang na Ghazan, at lumipat sa kabisera ng Khorasan, na hindi na makikita si Arghun muli. Nahirang si Emir Tegene bilang kanyang diputado, na hindi niya gaanoong gusto. Noong 1289, naganap ang hidwaan sa ibang mga Mongol nang pinamunuan ang isang pag-aalsa laban kay Arghun ni Nawruz, isang batang emir ng angkan ng Oirat, na kung saan ang ama niya ang naging gobernador sibil ng Persya bago dumating si Hulagu. Isa sa naging biktima ng pasalakay ni Nawruz ang diputado ni Ghazan na si Tegene noong 20 Abril 1289 kung saan nabihag siya at nakulong, naaresto si Prinsipe Hulachu ng kumander ni Ghazan na si Mulay pagkalipas ng sampung araw.[7] Nang natalo si Nawruz ng dagdag na hukbo ni Arghun noong 1290,[8] tumakas siya mula sa Ilkanato at umanib sa alyansa ni Kaidu, isa pang ianpo ni Genghis Khan na pinuno ng parehong Bahay ni Ögedei at katabing Kanato ng Chagatai. Ginugol ni Ghazan ang susunod na sampung taon sa pagdepensa ng duluhan ng Ilkanato laban sa pagsalakay ng Kanatong Chagatai sa Gitnang Asya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Fragner, Bert G. (2013). "Ilkhanid rule and its contributions to Iranian political culture". Sa Komaroff, Linda (pat.). Beyond the legacy of Genghis Khan (sa wikang Ingles). Leiden: Martinus Nijhoff Brill. p. 73. ISBN 978-90-474-1857-3. Nakuha noong 6 Abril 2017. When Ghazan Khan embraced Islam and proclaimed himself "pādishāh-i Īrān wa Islām" at the end of the thirteenth century (...){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Schein, p. 806. (sa Ingles)
  3. Hamadani, p. 590) (sa Ingles)
  4. Rashid al-Din – Universal history (sa Ingles)
  5. "Ghazan had been baptized and raised a Christian" Richard Foltz, Religions of the Silk Road, Palgrave Macmillan, ika-2 edisyon, 2010, p. 120 ISBN 978-0-230-62125-1 (sa Ingles)
  6. Charles Melville, "Padshah-i Islam: the conversion of Sultan Mahmud Ghazan Khan, pp. 159–177" (sa Ingles)
  7. Hamadani, p. 596 (sa Ingles)
  8. Hope, Michael (Oktubre 2015). "The "Nawrūz King": the rebellion of Amir Nawrūz in Khurasan (688–694/1289–94) and its implications for the Ilkhan polity at the end of the thirteenth century". Bulletin of the School of Oriental and African Studies (sa wikang Ingles). 78 (3): 451–473. doi:10.1017/S0041977X15000464. ISSN 0041-977X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)