Gitnang Signal Village, Taguig
Maaaring hindi nakakatugon ang artikulong ito sa pangkalahatang gabay sa katanyagan.
Pakitulungang magbigay ng katunayan ng katanyagan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mapagtitiwalaan, pangalawang mga sanggunian tungkol sa paksa. Kung hindi makapagbigay ng patunay ng katanyagan, malamang na isanib o burahin ang artikulo. |
Ang Barangay Central Signal Village (PSGC: 137607013) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Barangay Central Signal Village, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Region | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Junjun Dueñas | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1633 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Kasaysayan
baguhinAng Signal Village ay itinatag noong ika-8 ng Hunyo, 1964. Ito ay muling pinagtibay ni Hen. Alfredo Santos noong ika-25 ng Enero, 1965, sa loob ng Fort Bonifacio, ang mga naninirahan rito ay pamilya ng mga sundalo ng Signal Corps. Sila ay inihanap at inilikas sa isang lugar na hind sinasaka at hindi binabaha. Sinimulan ang paglilipat ng labing walong pamilya sa tulong ng Signal Service Batallion ng Phil. Army. Mayroong ilang sibilyan na nakasama sa paglipat na ito. Sila ay dinala sa isang pook na kung tawagin ngayon ay Signal Village (EM’s Signal Barrio)/
Ang mga kababaihan karamihan ay asawa ng mga sundalo ay nagbuo ng isang samahan. Ito ay pinamumunuan ni Gng. Clarita B. Manalili. Naghain sila ng kahilingan kay dating Pangulong [[Diosdado Macapagal] na ihiwalay sa “Military Reservation” ang pook na kanilang pinaninirahan, at ipamamahagi ito sa kanila. Ito ay nasasaad sa RA No. 274 at 730. Naglabas ng isang proklamasyon ang dating Presidente Macapaagal (Proklamasyon Blg. 462) na kung saan nagsasaad ito na ang pook ng Signal Village at karting nito ay tatawagin na AFP EM’s Village. Nilagdaan niya ito noon ika – 28 ng Setyembre 1965.
Sa maraming kadahilanan, ang Proklamayon Blg. 462 ay isinantabi ngunit hindi kailanman pinawalang saysay. Ang pangyayari sa proklamasyon ay nalaman namin nabawasan ang dating sukat at pinagbahabahagi para sa FTI, Maharlika Village, Veterans area at naiwan lamang ang pook tirahan ng Signal Village.
Batay sa pinagkaisahan ng Sangguniang Pambarangay sa pamumuno ng dating Kapitan ng Barangay na si Ceferino L. Manalili etal nagsumite muli ng isang panghuling kahilingan sa dati at yumaong Pangulo Ferdinand Marcos. Bilang tugon at kasagutan sa mga pahayag ng naninirahan sa Signal Village, lumagda ng isang proklamasyon bilang 2476. Ang pangulo Ferdinand Marcos noong ika – 7 ng Enero 1986, inihiwalay sa kuta Bonifacio ang pook na sinasakupan ng Signal Village at ipamahagi batay sa RA 274 at 730. Ang pagsagawa ay inumpisahan kaagad ng Bureau of Land ngunit nagkaroon ng EDSA Revolution at nabalam ang pagsagawa. Ang Pangulong Corazon C. Aquino, sa pakikipag-ugnayan ng Mggl. Dante O. Tiñga, ngayong Kongresista, ay lumagda ng Proklamasyon bilang 172, E O 119, noong ika 17 ng Oktobre 1987. Walang malaking pagkakaiba sa isinasaad ng dating Proklamasyon.
Ang Signal Village ay ipinagdiwang ng ika 25 taong pagkatatag noong ika 25 ng Enero 1990. Sa kasalukuyan ang barangay Signal Village ay tinatawag na sa kanyang bagong pangalan, Barangay Central Signal Village na pinamumunuan ng Punong Barangay Sonny Mercado De Viller at ng kanyang mga natirang dalawang Barangay Legislator na sina Kagawad Lauro V. German at Kagawad Clifford Villaverde; na kung saan ang Pamahalaang Siudad ng Taguig sa pamumuno ni Kgg. Mayor Sigfrido Rodriguez Tinga at 2nd District Congressman Jun Duenas ay kumunsulta sa taong bayan at pumili at nag halal ng mga bagong Kagawad na pinagtibay ng Sangguniang Panglunsod ng Taguig. Ang mga napiling mga kagawad ay nanggaling pa sa mga piling personalidad, mapagkakatiwalaan at iginagalang ng taong bayan na kung saan sila ay pinasumpa sa tungkulin noong Abril 4, 2009 upang punan ang kakulangan ng Barangay Legislators at sila ay sina Kgg. Kagawad Andre Rodriguez Polo, dating Training Administrator ng Taguig-TESDA, Kgg. Kagawad Frederick Dela Cruz, Businessman, Kgg. Kagawad Raymundo Crisanto Fabra, Businessman, Kgg. Kagawad Roy Soliva, Taguig City Employee at Kgg. Kagawad Romeo D. Yumul, kilalang Pangulo ng malaking samahang ng mga drivers-operators association ng Taguig-Pasay.
Edukasyon
baguhinMataas na Paaralan
baguhin- Sto. Niño Catholic School
- Anne-Claire Montessori
- Army's Angel Integrated School
- Athens Academy
- Bicutan Parochial School
- Diosdado Macapagal High School
- Gabby's Christian Academy
- Gracel Christian College Foundation
- Signal Village National High School
- St. Anne Parochial School
- St. Francis of Assisi College System
Paaralaang Elementarya
baguhin- EM's Signal Village Elementary School
- Battlefield Baptist Academy
- Corinthian Learning Academy
- JILCS
- Providence Advent Academy
- Ric Kindergarten School
- Royal Era Academy
- St. Andrew Academy
Pamahalaan
baguhinSangguniang Kabataan
baguhinTingnan rin
baguhin
Mga Sanggunian
baguhin- Barangay Signal Village, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2009-08-13 sa Wayback Machine.