Si Godiva (fl. 1040–1067) ( /ɡəˈdvə/; Lumang Ingles: Godgifu[1]), na nakikilala rin sa Ingles bilang Lady Godiva ("Ginang Godiva" o "Dama Godiva") ay isang babaeng maharlika na Angglo-Sahon noong ika-11 daantaon na, ayon sa isang alamat na lumitaw noong ika-13 daantaon, ay sumakay nang hubo't hubad sa ibabaw ng isang kabayo at nagprusisyon sa mga lansangan ng Coventry upang magkamit ng isang kapatawaran sa mapaniil na pagbubuwis na ipinataw ng kaniyang asawa sa mga nangungupahan sa kaniya. Ang pangalang "Peeping Tom" (Naninilip na Tom) sa Ingles na para sa isang maninilip ay nagmula sa mas nahuling mga bersiyon ng alamat na ito, na kung saan ang isang lalaking may pangalang Tom ay nanood sa pagsakay at pagpaparada ni Godiva at pagdaka ay naging isang lalaking bulag o kaya ay namatay pagkaraang manood ng prusisyon.

Ang Lady Godiva (1877) na ipininta ni William Holmes Sullivan (1836-1908).

Mga sanggunian

baguhin
  1. pagbigkas Padron:IPA-ang, na ang kahulugan ay "handog ng Diyos", kung kaya't naging katumbas ito ng pangalang Dorothy.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.