Para sa ibang gamit, tingnan ang Tawad (paglilinaw).

Ang kapatawaran o pagpapatawad, katumbas ng pagpapaumanhin ay ang hindi pagbibigay ng kaparusahan sa kamalian o kasalanang nagawa ng isang tao sa kapwa tao, partikular na kung humingi o himiling ito ng paumanhin. Sa pananampalataya, katulad ng Kristiyanismo, sinasabing ang "pagpapatawad ang Diyos" ang pinakamaringal at pinakamarangal na mensahe ng Bibliya, na kaugnay ng pagaako ni Hesus sa lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan.[1] Ginagawa rin ang pagpapatawad, sa pamamagitan ng isang pari, sa pagkukumpisal o pagsasabi ng kasalanan.

SanggunianBaguhin

  1. The Committee on Bible Translation (1984). "Forgive, Dictionary/Concordance, pahina B1". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.,


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.