Golda Me’ir
Si Golda Me’ir (Ebreo: גולדה מאיר) (ipinanganak Golda Mabovitz 3 Mayo 1898–8 Disyembre 1978) ay isang tagapagtatag ng Estado ng Israel. Siya ang “Iron Lady” ng politikang Israeli bago pa man maibansag kay Margaret Thatcher ang katawagang ito. Inilarawan siya isang beses ni David ben Gurion bilang “ang kaisa-isang lalaki sa Gabinete.” Si Me’ir ang kauna-una—at ang kaisa-isa hanggang ngayon—na babaeng punong ministro ng Israel, at ang ikatlong babaeng punong ministro sa daigdig (pagkatapos nina Sirimavo Bandaranaike ng Sri Lanka at Indira Gandhi ng Indiya) pati na rin ang kaisa-isang mamamayang Amerikanong nakapaghawak ng posisyon. (Lumaki at nag-aral si Benjamin Netanyahu sa Philadelphia ngunit hindi magpakailanman naging mamamayan ng Estados Unidos.)
Golda Me’ir | |
---|---|
Kapanganakan | 3 Mayo 1898
|
Kamatayan | 8 Disyembre 1978
|
Libingan | Bundok Herzl |
Mamamayan | Mandatory Palestine Israel |
Trabaho | guro, politiko |
Pirma | |
Lingks palabas
baguhin- Si Punong Ministrong Golda Me’ir, mula sa Opisina ng Punong Ministrong Israeli
- Golda Me’ir, profayl mula sa Knesset
- Israel elects first female leader, mula sa On This Day ng BBC
Ang lathalaing ito na tungkol sa Israel ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.