Good Morning Kuya
Ang Good Morning Kuya (Filipino: Magandang Umaga Kuya) ay isang programang pang-agahan sa Channel 37 ng UNTV-37. Ito ay programang-balita; nagbibigay ng serbisyo ang mga tauhan sa pangunguna ni Daniel Razon sa mga kasamahan sa balitaan. Ang studyo nito ay matatagpuan sa gusali ng UNTV sa EDSA, Philam, Quezon City, Philippines.[1]
Good Morning Kuya | |
---|---|
Uri | Balita Pondahan |
Gumawa | Progressive Broadcasting Corporation |
Pinangungunahan ni/nina | Daniel Razon Jun Soriao Allan Encarnacion Rene Jose Iba pang Kasangbahay |
Paggawa | |
Lokasyon | EDSA, Quezon City, Pilipinas |
Ayos ng kamera | Multicamera Setup |
Kompanya | Progressive Broadcasting Corporation |
Pagsasahimpapawid | |
Picture format | 480i SDTV |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 23 Hulyo 2007 kasalukuyan | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Pilipinas, Gising Ka Na Ba? (2005-2007) |
Kawanggawa
baguhinMaraming kawanggawa ang inihahatid ng programang ito tulad ng Libreng Pagamutan, Libreng Abogado at marami pang iba. Sa kasalukuyan, may libreng sakay sa bus na pinapamahagi ang Good Morning Kuya sa Baclaran, Edsa at sa Monumento tuwing Lunes - Biyernes sa umaga.[2] Ito lahat ay pinasimulan ni Daniel Razon, ang pamangkin ng lider ng pananampalataya na si Eliseo Soriano.