Goodbye America
Ang Goodbye America (Paalam Amerika) ay isang pelikulang pang-drama ng taong 1997 na tumatalakay kung paano naapektuhan ang lokal na pamayanang Pilipino at mga Amerikano na nanilbihan sa pagsasara ng base ng hukbong pandagat ng Estados Unidos sa Baybayin ng Subic (Subic Bay). Isang pinagtulungang produksiyon ng Estados Unidos at Pilipinas ang Goodbye America na ang direktor ay si Thierry Notz.[1]
Goodbye America | |
---|---|
Direktor | Thierry Notz |
Sumulat | Frederick Bailey at Bob Couttie |
Inilabas noong | 20 Agosto 1997 |
Haba | 116 minuto |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Ingles |
Kuwento
baguhinHabang mabagal na itinitigil ang mga operasyon sa himpilang-militar ng Subic at unti-unti ring nababawasan ang bilang ng mga tauhan dito, sumalalay si Komander Hamilton (Wolfgang Bodison) sa tatlong Navy Seal ng E.U. na tumulong sa pagsasanggalang ng base. Si William Hawk (John Haymes Newton), isang beteranong sundalong Amerikano na nalalapit na ang pagtatapos ng kaniyang obligatoryong biyahe, ay may ugnayan sa isang Pilipinang si (Nannette Medved), na isang kinatawan ng opisina ng alkalde ng kalapit na Lungsod ng Olongapo. Kailangan ni Lisa na pamahalaan ang krisis pang-ekonimiya na magiging dulot sa kaniyang pamayanan, maging ang kaniyang mga pansariling suliranin na dala ng paglisan ni William, at maging ang problemadong relasyon ng kaniyang inang si Anna (Daria Ramirez) at ng kaniyang pangalawang-ama, si Ed (James Brolin).[1]
Si Paul Bladon (Alexis Arquette), isa pang sundalong Navy Seal sa base ng Subic Bay, ay anak na lalaki ng isang senador ng Estados Unidos (Michael York), na bibisita sa Subic Bay para sa mga seremonyas ng pagsasara nito. Isasama ni Senador Bladon ang Amerikanang kasintahan ni Paul, na si Angela (Maureen Flannigan), bagaman umiibig si Paul sa isang Pilipina na si Emma (Alma Concepcion), isang dating mang-aaliw na nagpaplanong pakasal kay Paul. Ang pangatlong Navy Seal, si John Stryzack (Corin Nemec), isang taong galit sa nakikita niyang pagkakanulo ng Amerika sa mga obligasyon nito sa Pilipinas; nakulong si John matapos ang isang magulong insidente, subalit balak niyang tumakas upang kitlin ang buhay ni Senador Bladon na pinaniniwalaan ni John na ugat ng pagsasara ng base militar.[1]
Mga tauhan at mga katauhan
baguhin- Alexis Arquette (Paul Bladen)
- Alma Concepcion (Emma Salazar)
- Angel Aquino (Maria)
- Corin Nemec (John Stryzack)
- James Brolin (Ed Johnson)
- John Haymes Newton (William Hawk)
- Maureen Flannigan (Angela)
- Michael J. Sarna (Large Sailor)
- Michael York (Senator Bladon)
- Nanette Medved (Lisa)
- Daria Ramirez (Anna)
- Rae Dawn Chong (Danzig)
- Wolfgang Bodison (Jack Hamilton)
Mga kreditong pamproduksiyon
baguhin- Malou N. Santos - executive producer
- Charo Santos-Concio - executive producer
- Thierry Notz – direktor
- Michael D. Sellers – producer at screenwriter
- Pamela Vlastas - co-producer
- Trina Dayrit - co-producer
- Roy Hay - kompositor (music score)
- William Pleras - production designer
- Dan Reardon - line producer
- Robin Ray – casting
- Lorna Gordon - casting
- Ed Mitchell - casting
- Brent Shoenfield - editor
- Sharon Meir - cinematographer
- Ed Rue – tunog at sound designer
- Robert Couttie - screenwriter
- Ricardo Lee - screenwriter
- Fred Bailey – screenwriter
- Kenneth De Leon - line producer
- Michael J. Sarna - pangalawang unit director
Mga sanggunian
baguhinAng artikulo na ito ay isinalin mula sa " Goodbye America " ng en.wikipedia. |
- ↑ 1.0 1.1 1.2 Goodbye America, The New York Times at NYTimes.com, isinangguni noong 14 Hunyo 2007