Olongapo

lungsod ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Olongapo)
Tungkol ito sa lungsod sa Pilipinas. Para sa nobela, pumunta sa ‘GAPÔ.

Ang Lungsod ng Olongapo ay isang lungsod sa lalawigan ng Zambales, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 260,317 sa may 66,450 na kabahayan.

Olongapo

Lungsod ng Olongapo
City of Olongapo
Map
Olongapo is located in Pilipinas
Olongapo
Olongapo
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°50′N 120°17′E / 14.83°N 120.28°E / 14.83; 120.28
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganZambales (Heograpiya lamang)
DistritoUnang Distrito ng Zambales
Mga barangay17 (alamin)
Pagkatatag4 Nobyembre 1750
Ganap na Lungsod1 Hunyo 1966[1]
Pamahalaan
 • Punong LungsodRolen C. Paulino
 • Manghalalal123,707 botante (2022)
Lawak
[2]
 • Kabuuan185.00 km2 (71.43 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan260,317
 • Kapal1,400/km2 (3,600/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
66,450
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan7.60% (2021)[3]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
2200
PSGC
037107000
Kodigong pantawag47
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Wikang Iloko
wikang Sambal
wikang Kapampangan
Wikang Ambala
Websaytolongapocity.gov.ph

Etimolohiya

Sabi sa isang alamat, may isang dating tribu ng mga katutubo na naninirahan sa ngayon ay modernong siyudad. Mayroon isang matanda na tinatawag na "Apo". Siya ay kinalulugdan ng lahat ng tao sa baryo na pinanggalingan niya, nais niyang pag-isahin ang naturang tribu. Ngunit, ang mga karatig-bayan nila ay naiinggit sa Apo kaya noong isang araw, ay biglang nawala ang matanda.

Matapos ang mahabang paghahanap, ay natagpuan ang katawan ng Apo, subalit ang ulo ng naturang matanda (Apo) ay nawawala. Ayon sa Sambal ang pagpugot ng ulo nito ay isinagawa upang matigil ang balakin ng "Apo".

Natagpuan ang ulo ng matanda na nakatusok sa ituktok ng isang kawayan. Ipinagsigawan ng nakakita ang "Olo nin apo!" (Ang ulo ng Apo). Simula noon ay tinawag nilang "Ulo ng Apo" ang lugar na ito na sa katagalan ay naging Olongapo.

Mga Barangay

Ang Lungsod ng Olongapo ay nahahati sa 17 mga barangay.

  • Asinan
  • Banicain
  • Barreto
  • East Bajac-bajac
  • East Tapinac
  • Gordon Heights
  • Kalaklan
  • Mabayuan
  • New Cabalan
  • New Ilalim
  • New Kababae
  • New Kalalake
  • Old Cabalan
  • Pag-asa
  • Santa Rita
  • West Bajac-bajac
  • West Tapinac

Mga Alkalde ng Olongapo

  • Ruben Dela Cruz Geronimo (Nob. 1959 - Mayo 1964 bilang Alkaldeng Munisipal)
  • James Leonard T. Gordon (Nob. 1964 - Hun. 1, 1966 bilang Alkaldeng Munisipal)
  • James Leonard T. Gordon (Hun. 1, 1966 - Peb. 20, 1967 bilang Alkaldeng Panglungsod)
  • Amelia Juico Gordon (Hun. 1967 - Hun. 30, 1972)
  • Geronimo "Momoy" Lipumano (Hul. 1972 - Mayo 1980)
  • Richard "Dick" Gordon - (Hun. 30, 1980 - Abr. 23, 1986) (unang termino)
  • Katherine "Kate" Gordon (Abr. 26, 1986 - Hun. 30, 1998)
  • Richard "Dick" Gordon - (Hun. 30, 1998 - Hun. 22, 2001) (pangalawang termino)
  • James Gordon, Jr. (Hun. 30, 2001 - Hun. 20, 2013)
  • Rolen Calixto Paulino, Sr. (Hun. 20, 2013 - Kasalukuyan)
 
Kabayanan ng Olongapo

Demograpiko

Senso ng populasyon ng
Olongapo
TaonPop.±% p.a.
1960 45,330—    
1970 107,785+9.04%
1975 147,109+6.44%
1980 156,430+1.24%
1990 193,327+2.14%
1995 179,754−1.35%
2000 194,260+1.68%
2007 227,270+2.19%
2010 221,178−0.98%
2015 233,040+1.00%
2020 260,317+2.20%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Mga sanggunian

  1. Olongapo City - Brief History
  2. "Province: Zambales". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of Zambales". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas