Ang Google Workspace (dating G Suite) ay koleksyon ng cloud computing software ng pakikipagtulungan at pagkaproduktibo kasangkapan at software na inalok na batay sa subscription ng Google.

Google Workspace
Product icons ng Google Workspace noong 2020 hanggang kasalukuyan
Product icons ng Google Workspace noong 2020 hanggang kasalukuyan
(Mga) DeveloperGoogle LLC
PlatformGmail,

Calendar, Drive, Docs, Sheets, Slides,

Meet, at atbp.
TipoKoleksyon ng Office at Cloud Computing
LisensiyaTrialware (Retail, maramihang paglilisensya, SaaS)
WebsiteOpisyal na website

Kabilang dito ang mga papular na mga application na pang-web ng Google kabilang na ang Gmail, Google Drive, Google Hangouts, Google Calendarat Google Docs.[1] Habang ang mga pruduktong ito ay makukuha ng mamimili nang walang bayad, nagdadagdag ang Google Apps for Work ng mga katangian na para lamang sa negosyo tulad ng pasadyang mga email address sa iyong domain (@yourcompany.com), may hindi bababa sa 30GB na storage para sa mga dokumento at email, at 24/7 na telepono at email na suporta.[2] Bilang solusyon sa cloud computing, gumagawa ng naiiba at mabisang pamamaraan ang software ng pagkaproduktibo ng office sa pamamagitan ng pagho-hosting ng impormasyon sa network ng ligtas na mga sentro ng data sa Google,[3] sa halip na sa tradisyunal na in-house servers na nasa loob ng mga kompanya.[4]

Ayon sa Google, mahigit 5 milyong organisasyon sa buong mundo ang gumagamit ng Google Apps, kabilang na ang 60 porsyentong mga kompanya ng Fortune 500.[5]

Kasaysayan

baguhin
  • Pebrero 10, 2006 - Inilunsad ng Google ang Gmail[6] for Your Domain na pangsubok sa San Jose City College, nagho-hosting ng mga Gmail account gamit ang SJCC na mga domain address at mga admin tool para sa pamamahala ng account.[7]
  • Agosto 28, 2006 - Inilunsad ng Google ang Google Apps for Your Domain, isang set ng apps para sa mga organisasyon. Makukuha ng libre bilang isang beta na produkto, kabilang dito ang Gmail, Google Talk, Google Calendar at ang Google Page Creator na pinalitan ng Google Sites. Si Dave Girouard, na noon ay bise-presidente ng Google at pangkalahatang tagapamahala ng enterprise, ay nagbalangkas ng mga binipisyo nito para sa mga customer na negosyo: "Ang Google ay maaaring gawing eksperto sa paghahatid ng may mataas na kalidad na email, messaging at iba pang serbisyong pang-web ng mga organisasyon habang na itinutuon nila ang kanilang pansin sa mga pangangailangan ng kanilang mga user at sa kanilang pang-araw-araw na negosyo."[8]
  • Oktubre 10, 2006 - Isang edisyon para sa mga paaralan, kilala bilang Google Apps for Education, ang ipinatalastas.[9]
  • Pebrero 22, 2007 - Ipinakilala ng Google ang Google Apps Primier na Edisyon, na naiiba sa libreng bersyon sa pamamagitan ng pag-aalok ng higit na storage (10 GB kada account), Mga API para sa integrasyon sa negosyo at 99.9% uptime antas-ng-serbisyong kasunduan. Nagkakahalaga ito ng $50 kada user account bawat taon. Ayon sa Google, Ang mga baguhan sa Google Apps Primier na Edisyon kabilang na ang Procter & Gamble, San Francisco Bay Pediatrics at Salesforce.com.[10]
  • Hunyo 25, 2007 - Idinagdag ng Google ang ilang mga katangian sa Google Apps, kabilang na ang paglilipat ng mail, na nagpapangyari sa mga customer na mailipat ang mga dating data ng email mula IMAP server.[11] Ang ZDNet na artikulo ay nakapansin na ang Google Apps ay nag-alok na ngayon ng mga magagagamit para sa paglilipat mula sa papular na Exchange Server at Lotus Notes, na naglalagay sa Google bilang pamalit sa Microsoft at IBM.[12]
  • Oktubre 03, 2007 - Isang buwan pagkatapos magkaroon ng Postini, ipinatalastas ng Google na ang seguridad sa email ng pagsisimula at mga opsiyon sa pagsunod ay naidagdag na sa Google Apps Premier na Edisyon. May kakayahan na ngayon ang mga customer na mas mai-configure ang kanilang spam at virus pagsasala, pagpatupad ng mga patakaran sa pagpapanatili, pagpanumbalik sa mga naburang mensahe at pagbigay ng access sa mga administrador sa lahat ng email.[13]
  • Pebrero 26, 2008 - Ipinakilala ng Google ang Google Sites, isang simpleng bagong Google Apps tool para sa paglikha ng intranet at mga website ng pangkat.[14]
  • Hunyo 09, 2010 - Inilunsad ng Google ang Google Apps Sync para sa Microsoft Outlook, isang plugin na nagpapangyari sa mga customer na mapagtugma ang kanilang email, kalendaryo at mga contact data sa pagitan ng Outlook at Google Apps.[15]
  • Hulyo 07, 2010 - Ipinatalastas ng Google na ang mga serbisyong kabilang sa Google Apps—Gmail, Google Calendar, Google Docs at Google Talk—ay hindi na beta.[16]
  • Marso 09, 2010 - Binuksan ng Google ang Google Apps Marketplace, isang online store para sa ikatlong partidong mga application sa negosyo na isama sa Google Apps, na nagpapadali sa mga user at software na gawin ang negosyo sa cloud. Kabilang sa mga kalahok na vendor ang Intuit, Appirio at Atlassian.[17]
  • Hulyo 26, 2010 - Ipinakilala ng Google ang Google Apps for Government, isang edisyon ng Google Apps na dinisenyo para tugunan ang natatanging patakaran ng pampublikong sektor at mga pangangailangan sa siguridad. Ipinatalastas din na ang Google Apps ay naging ang kauna-unahang koleksyon ng mga application na pang-cloud na makatanggap ng Federal Information Security Management Act (FISMA).sertipikasyon at pagkilala.[18]
  • Abril 26, 2011 - Halos limang taon pagkatapos na mailunsad ang Google Apps, ipinatalastas ng Google na ang mga organisasyon na may mahigit sa 10 user ay hindi na kwalipikado para sa libreng edisyon ng Google Apps. Kailangan nilang mag-sign up para sa may bayad na bersyon, na kilala ngayon bilang Google Apps for Business. Ipinakilala din ang naibabagay na plan sa pagsingil, nagbibigay sa mga customer ng opsiyon na magbayad ng $5 kada user bawat buwan.[19]
  • Marso 28, 2012 - Inlunsad ng Google ang Google Apps Vault, isang opsiyunal na Elektronikong tuklas at serbisyo ng pagsisinop para sa customer ng Google Apps for Business.[20]
  • Abril 24, 2012 - Ipinakilala ng Google ang Google Drive, isang platform para sa pagiimbak at pamamahagi ng mga file. Bawat Google Apps para sa user ng Negosyo ay binigyan ng 5 GB na Drive Storage, na may opsiyon na bumili ng higit pa.[21] May nakapansin na pinasok na ngayon ng Google ang merkado ng cloud storage, nakikipagkompetensya sa mga nangunguna sa larangang ito tulad ng Dropbox at Box.[22]
  • Disyembre 06, 2012 - Ipinatalastas ng Google na ang libreng bersyon ng Google Apps ay hindi na makukuha ng mga bagong customer.[23]
  • Mayo 13, 2014 - Itinaas ng Google ang kota ng Drive storage para sa customer ng Google Apps. Pinagsama ng Google ang 15 GB sa Gmail at 5 GB sa Drive, pinatataas ito ng kabuuang 30 GB kada user na magagamit sa lahat ng produkto ng Apps kabilang na ang Gmail at Google Drive.[24]
  • Lunes, Marso 10, 2014 - Inilunsad ng Google ang Referral Program ng Google Apps, na nag-aalok ng $15 referral bonus sa mga nakikilahok na indibiduwal para sa bawat bagong user ng Google Apps na kanilang nire-refer.[25]
  • Hunyo 25, 2014 - Ipinatalastas ng Google ang Drive for Work, isang bagong Google Apps na nag-aalok ng may katangian na walang limitasyong file storage, advanced na pag-uulat ng awdit at mga bagong kontrol sa seguridad para sa $10 kada user bawat buwan.[26]
  • Setyembre 02, 2014 - Google Enterprise, ang sangay ng produktong pangnegosyo ng kompanya, ay opisyal na pinalitan na ng pangalang Google for Work. "Kailanman ay hindi kami nagpasimula ng paglikha ng tradisyunal na 'enterprise' negosyo—gusto naming gumawa ng isang bagong paraan ng paggawa ng trabaho," ipinaliwanag Eric Schmidt, ehikutibong tserman ng Google. "Kaya dumating na ang oras para sa aming pangalan na maiagapay sa aming ambisyon." Upang higit na maipakilala ang mas malaking pagbabagong ito, ang Google Apps for Business ay pinalitan ng pangalang Google Apps for Work.[27]
  • Nobyembre 14, 2014 - Sa libreng edisyon ng Google Apps ang mga pangalawahing domain ay hindi suportado. Ang sinusuportahan lamang ng libreng edisyon ng Google Apps ay ang mga alias ng domain.[28]

Mga Produkto

baguhin

Kabilang sa hanay ng mga produkto at serbisyo ng Google Apps for Work ang Gmail, Google Calendar, Google Drive, Hangouts, Google Docs, Google Sheets, Google Slides, Google Forms, Google Sites, Google+ at Google Apps Vault. Maliban sa Google Apps Vault,[29] ang lahat ay kabilang sa basic plan, na nagkakahalaga ng $5 kada user bawat buwan o $50 kada user bawat taon. Kabilang sa premium package ang, Drive for Work, ang Google Apps Vault plus walang limitasyong storage ay mabibili ng $10 kada user bawat buwan.[30]

Inilunsad ng limitado sa unang paglabas nito noong Abril 01, 2004 ngayon ang Gmail ang pinaka popular na serbisyong email sa web sa daigdig.[31] Naging bukas ito sa lahat noong 2007. Noong Hunyo 2012, 425 milyong katao ang gumagamit na ng Gmail, ayon sa Google.[32]

Ang libreng bersyon ng Gmail na pangmamimili ay sumusuporta sa mga text ad na kaugnay sa mga nilalaman ng mga mensaheng email ng mga tao.[33] Kabilang sa mga popular na katangian ang 15 GB na libreng storage, tuloy-tuloy na mahabang mga pag-uusap, matinding kakayahan sa paghahanap at tulad app na interface.[34]

Bagaman may pagkakatulad sa libreng bersyon, ang Gmail sa Google Apps for Work ay may karagdagang mga katangian na dinisenyo para sa mga user ng negosyo..[35]

Kabilang sa mga ito ang:

  • Pasadyang email kabilang na ang pangalan ng domain ng customer (@yourcompany.com)
  • 99.9% garantisadong magagamit agad na may walang nakaeskedyul na paghinto para sa pagmamantini[36]
  • Alinman sa 30 GB o walang limitasyong storage sa Google Drive, depende sa plan
  • Walang pag-aanunsiyo
  • 24/7 na suporta sa customer
  • Mga Google Apps Sync para sa Microsoft Outlook[35]

Google Drive

baguhin

Ang file storage ng Google at Serbisyo ng pagtutugma ay inilabas noong Abril 24, 2012,[37] hindi baba sa anim na taon pagkatapos magsimula ang mga usap-usapan tungkol sa pagpapakalat ng unang produkto.[38] Ang opisyal na patalastas ng Google ay naglarawan sa Google Drive bilang "isang lugar kung saan maaari kang gumawa, mamahagi, makipagtulungan at panatilihin ang lahat ng iyong mga bagay-bagay."[37]

Sa Google Drive, maaring mag-upload sa cloud ang mga user ng anumang uri ng mga file, ibahagi ito sa iba at ma-access ang mga ito sa alinmang computer, tablet o smartphone. Madaling makakapag-sync ng file ang mga user sa pagitan kanilang computer at cloud gamit ang desktop application para sa Mac at PC. Naglalagay ang app na ito ng isang espesyal na folder sa kanilang computer at ang lahat ng pagbabagong ginawa sa mga file ay magse-sync sa lahat ng Drive, sa web at sa lahat ng device. Kabilang sa bersyon na pangmamimili ng Google Drive ang 15 GB na storage na ibinahagi sa lahat ng Gmail, Drive at Google+ Photos.[39]

Kapag inialok bilang bahagi ng Google Apps for Work, ang Google Drive ay mayroong karagdagang mga katangian na dinisenyo para magamit sa negosyo. Kabilang sa mga ito ang:

  • Alinman sa 30 GB o walang limitasyong storage na ibinahagi sa Gmail, depende sa plan
  • 24/7 na suporta sa customer
  • Ang kontrol sa pagbabahagi ay nagpapanatiling pribado sa mga file hanggang sa makapagdisisyon ang mga customer na ibahagi ang mga ito
  • Advanced na pag-awdit at pag-uulat[40]

Google Docs, Sheets, Slides at Forms

baguhin

Kabilang sa Google Apps ang mga online editor para sa paglikha ng mga dokumentong text o file format na dokumento, mga spreadsheet, presentasyon at survey.[41]Ang set ng mga tool ay unang inilabas noong Oktubre 11, 2006 bilang Google Docs & Spreadsheets.[42]

Ang Google Docs, Sheets, Slides at Forms ay gumagana sa kahit anong web browser o sa alinmang mobile device na may kakayahang pang-web. Ang mga dokumento, spreadsheet, presentasyon at survey ay maaaring ibahagi, kumentuhan at sabay-sabay na i-edit. Kabilang sa karagdagang mga katangian ang walang limitasyong kasaysayan ng pagrebisa na pinanatili nang ligtas ang lahat ng pagbabago sa iiisang lugar at offline na access na magpapangyari sa mga tao na gumawa sa kanilang dokumento nang walang koneksyon sa internet.[43]

Noong Hunyo 25, 2014 ipinakilala ng Google ang likas na pag-e-edit para sa mga file ng Microsoft Office sa Google Docs, Sheets at Slides.[44] Inuulit ang katulad na mga puna sa ibang mga artikulo, isang Mashable na journalist ang nagsulat, "Maliwanag na inilalagay ng Google ang mga app nito sa posisyong mas murang solusyon para sa mga kompanya na kailangang paminsan-minsan na mag-edit ng mga file ng Opisina." [45]

Google Sites

baguhin

Ipinakilala noong Pebrero 28, 2008, dahil sa Google Sites ang mga tao ay nakakagawa at nakakapag-edit ng mga pahina sa web kahit hindi sila pamilyar sa HTML o pagdisenyo ng web.[46]Ang mga tao ay maaaring bumuo ng mga site mula sa simula o gamit ang mga template, mag-upload ng nilalaman tulad ng mga larawan at video,[46] at makontrol ang mga pahintulot sa pag-access sa pamamagitan ng pagpili kung sino ang makakatingin at makakapag-edit sa bawat pahina.[47]

Inilunsad ang Google Sites bilang bahagi ng may bayad na mga koleksiyon ng Google Apps ngunit di nagtagal ay naging available na rin sa mga mamimili. Ang mga negosyong customer ay gumagamit ng Google Sites para bumuo ng mga proyektong site, intranet ng kompanya at mga site na pangpubliko.[48]

Google Calendar

baguhin

Dinisenyo para isama sa Gmail, serbisyong online ng Google Calendar na inilunsad sa mga mamimili noong Abril 13, 2006. Gumagamit ito ng iCal standard para gumana sa ibang mga kalendaryong application.[49]

Ang online na kalendaryong Google ay makukuha ng kahit sino sa online, naibabahaging kalendaryo na dinisenyo para sa mga pangkat.[50]Ang negosyo ay makakagawa ng espesipikong mga kalendaryo ng pangkat at maibahagi ito sa mga kompanya.[51] Ang mga kalendaryo ay maaaring iatas isa pang tao para pamahalaan ang espesipikong kalendaryo at mga kaganapan.[52] Maaari ding gamitin ng mga tao ang Google Calendar para makita kung ang silid pulungan o ibinahaging mapagkukunan ay libre at idadagdag ang mga ito sa mga kaganapan.

Kabilang sa nakakatulong na mga katangian ng Google Calendar ang mga:

  • Magbahagi ng mga kalendaryo sa mga kagrupo at iba pa para masuri ang kung available
  • Magpatong ng mga kalendaryo ng kagrupo tungo sa nag-iisang view para makahanap ng pagkakataon kapag lahat ay available
  • Gamitin ang mobile app o mag-synchronize gamit ang built-in na kalendaryo sa mga mobile device
  • Paglalathala ng mga kalendaryo sa web at pinagsasama sa Google Sites
  • Simpleng paglipat mula sa Exchange, Outlook o iCal o kaya mula sa .ics at .csv na mga file
  • Pagpareserba ng nakabahaging mga silid at mapagkukunan[51]

Google Hangouts

baguhin

Noong Mayo 15, 2013, ipinatalastas ng Google na ang isang bagong text, boses at video chat tool ay mapapalitan ng Google Talk, Google Voice at mga serbisyong Hangout ng Google+.[53] Kilala bilang Google Hangouts, pinapayagan ang hanggang 10 tao para sa bersyon na pangmamimili at hanggang 15 tao para sa bersyon ng pangtrabaho na sumali sa mga pag-uusap mula sa kanilang computer o mobile device.[54] Ang mga kalahok ay maaaring magbahagi ng kanilang mga screen, tumingin at gumawa ng mga bagay nang magkasama.[55] Ang Hangouts On Air na serbisyo ay nagpapangyari sa mga tao na manood ng mga live broadcast sa Google+, YouTube at sa kanilang mga website.[56]

Ang bersyon ng Hangouts ay kabilang sa Google Apps for Work[57] sinusuportahan ang hanggang 15 kalahok at mapipili ng mga administrador na limitahan ang Hangouts para sa mga taong nasa kaparehong domain lamang, nililimitahan ang access ng panlabas na mga kalahok.[58]

Pinanatili ng Hangouts ang mga mensahe na nakaimbak sa cloud ng Google at nag-aalok ng opsiyon na i-toggle off ang kasaysayan kapag gusto ng mga tao na lumabas mula sa record.[59] At ang Google+ integration ay nagse-save sa bawat isa ng larawan ng mga tao sa pribado, nakabahaging album sa Google+.[59]

Noong Hulyo 30, 2014, ipinatalastas ng Google na lahat ng customer ng Google Apps ay magkakaroon ng access sa Hangouts, kabilang na ang mga walang Google+ profile.[60] Ipinareha din ang Google na isama sa ibang tagapaglaan ng video chat - tulad ng Blue Jeans Network at intercall.[61] Ipinatalastas din ng Google na ang Hangouts ay sakop sa ilalim ng kaparehong Mga Kasunduan sa Serbisyo bilang ibang mga produkto ng Google Apps for Work tulad ng Gmail at Drive. Ang mga customer ng Apps for Work ay magkakaroon din ng 24/7 na teleponong suporta para sa Hangouts, 99.9% garantisadong magagamit agad at ISO27001 at SOC 2 na sertipikasyon.[62]

Noong Disyembre 19, 2014, ipinatalastas ng Google sa pamamagitan ng Google+ post na ibinalik nila ang isa pinakahinihiling na mga katangian ng Hangouts sa Gmail. Ang mga admin ng Apps ay may kontrol para panatilihin ang estatus ng mga mensahe na maging nakikita lamang sa loob.[63]

Google+

baguhin

Ang serbisyong social networking ng Google ,Google+, ay inilunsad noong Hunyo 28, 2011, sa isang larangan ng imbitasyon lamang na trial.[64] Ipinahayag ng mga nag-oobserba ang pinakabagong pagtatangka ng Google nahamunin ang higante sa larangan ng social na Facebook.[65] Habang ang Google+ ay naunahan na ng Twitter na maging pangalawa sa pinakamalaking social network sa mundo pangalawa sa Facebook,[66] pinintasan ito dahil sa pagbigo sa mga user at nabigong makagawa ng referral trafic.[67]

Noong Oktubre 27, 2011, ipinatalastas ng Google na ang Google+ ay available na sa mga taong gumagamit ng Google Apps sa kolehiyo, sa trabaho at sa tahanan.[68]

Noong Agosto 29, 2012, ipinatalastas ng Google na pagkatapos makatanggap ng feedback mula sa mga negosyong customer na nakilahok sa isang pilot program, iniakma nila ang mga katangian ng Google+ sa mga organisasyon. Kabilang sa mga katangiang ito ang pribadong pamamahagi sa loob ng mga organisasyon at administratibong kontrol na naglilimita sa kung ano lamang ang makikita sa mga profile at mga post.[69]

Noong Nobyembre 05, 2013, idinagdag ng Google ang isang ekstrang layer ng siguridad para sa hinigpitang komunidad na maaari lamang isali ng mga taong nasa isang organisasyon. Ang mga administrador ay may opsiyon na i-set sa default ang hinigpitang mga komunidad at pilliin kung maaaring isali ang mga tao sa labas ng organisasyon.[70]

Ang Google+ bilang isang network ng negosyo ay nakatanggap ng haluang mga pagsusuri mula sa pagkakaroon ng mga katangiang tutulong sa maliliit na negosyo para mapansin sa online[71] ng mga nalilitong mga tao sa pagtatatak nito[72] hanggang sa pagiging isang mahalagang kalahok sa estratehiya ng social marketing para sa mga negosyo.[73] Maraming artikulo sa online ang nagdiriin na ang pagkakaroon ng Google+ ay nakakatulong sa mga negosyo sa kanilang ranggo ng resulta sa kanilang paghahanap sa Google yamang ang mga post at pamamahagi ng Google+ ay kaagad na inindise ng Google.[74]

Google Apps Vault

baguhin

Ang Google Apps Vault, isang pagsisinop at serbisyong eDiscovery na ekslusibong available sa mga customer ng Google Apps, ay ipinatalastas noong Marso 28, 2012.[75] Ang Vault ay nagpapangyari sa mga customer na makita at mapanatili ang mga mensaheng email na malamang na may kinalaman sa litigasyon. Ito ay tumutulong din sa kanila na pamahalaan ang data ng negosyo para sa pagiging tuloy-tuloy, pagsunod at mga layuning pang-regulatory.[76] Noong Hunyo 25, 2014, ang mga customer ng Vault ay makakapaghanap din, magkakapag-preview at makakapagg-export ng mga file ng Google Drive.[77]

Ang Google Apps Vault ay kabilang bilang bahagi ng Drive for Work na may walang limitasyong storage, available sa $10 kada user bawat buwan.[78]

Pagpepresyo

baguhin

Kapag ang malamang na maging customer ay nag-sign up para sa Google Apps for Work, magkakaroon sila ng libreng 30 araw na trial para sa hanggang 10 user.[79] Pagkatapos ng trial, maaari silang pumili ng alinman sa taunang plan sa $50 kada user bawat taon o isang naibabagay na plan sa $5 kada user bawat buwan o $60/taon. Ang parehong plan ay sinisingil ng buwanan.[30]

Sa naibabagay na plan, ang mga customer ay may opsiyon na magdagdag ng walang limitasyong storage at Google Apps Vault para sa kabuuang buwanang halaga na $10 kada user. Para sa mga organisasyong may user na mas mababa ng lima, ang storage ay limitado lamang sa 1 TB kada user sa opsiyong ito.[30]

Seguridad

baguhin

Ipinahayag ng Google na hindi nila pag-aari ang data ng customer. Ang data ay nakaimbak sa mga sentro ng data ng Google at ang access ay limitado sa piling empleyado at tauhan.[80] Hindi nila ibinabahagi sa iba ang data, pinanatili lamang ang data hangga't kailangan ng customer at maaaring kunin ng customer ang data kung lilipat sila paalis ng Google Apps.[81]

Ang Google Apps ay nag-aalok ng enterprise na antas ng seguridad at pagsunod, lakip na ang SSAE16 / ISAE.3402 Type II, SOC 2-awdit, ISO 27001 sertipikasyon, pagsuporta sa Simulain sa Ligtas na Pag-iingat ng Pagiging Pribado, at kayang suportahan ang mga kinakailangan na para lamang sa industriya tulad ng Kasiguruhan sa Kalusugan na Madaling Ibagay at Batas sa Pananagutan (Health Insurance Portability ang Accountability Act o HIPAA).[82] Sinasabi ng Google na ang pangharang ng spam ay kabilang sa Google Apps na may built-in pagsusuri ng virus at pagsusuri ng mga dokumento bago payagan ang mga user na ma-download ang anumang mensahe.[80]

Tinitiyak ng Google na lahat ng file na nai-upload sa Google Drive ay naka-encrypt at na ang bawat email na ipinapadala o natatanggap ng mga tao ay naka-encrypt habang inililipat sa loob at sa pagitan ng mga sentro ng data. [83] Sa isang post sa blog, ipinahayag ng Google para sa Trabaho na nag-aalok sila ng matibay na nakakontratang kasunduan para protektahan ang impormasyon ng customer at hindi magpapakita ng mga anunsyo o i-scan ang impormasyon ng customer para gamitin sa pag-aanunsyo.[83]

Paggamit

baguhin

Sinasabi ng Google Apps na mahigit 5 MM na negosyo ang gumagamit na ng kanilang mga tool, alinman sa ang libre o ang may bayad na bersyon.[84] Ayon sa Presidente ng Google for Work na si Amit Singh, 60% ng Fortune 500 na mga kompanya ang gumagamit ng mga serbisyo ng Google for Work.[85] Ang mga customer na sumasaklaw sa lahat ng industriya sa palibot ng globo kabilang na ang Uber,[86] Lahat ng Santo[nangangailangan ng paglilinaw],[87] Buzzfeed,[88] Design Within Reach,[89] Virgin, PwC[90] at iba pa. Marami sa mga customer na gumagamit ng Apps ay itinampok sa pahina ng customer ng Apps.[91]

Mga Reseller at Referrer ng Google

baguhin

Ang Google ay may ecosystem ng mga reseller na tumutulong sa mga prospect na masimulang gamitin ang Apps. Ang direktoryo ng Ka-partner ay tumutulong sa mga tao na makita ang mga ka-partner. Noong Marso 10, 2014, inilunsad ng Google ang isang programa ng referral, na nagbibigay sa mga referrer ng $15 para sa bawat taong nagsa-sign up.[92] Ang programang ito ay unang sinimulan para sa sinumang naka-base sa US at Canada. Ang pinong imprinta ng programa ng referral ay nagpapakitang ang mga tao ay kayang mag-refer ng walang limitasyong bilang ng mga customer, ngunit sila ay ginagantimpalaan para sa bawat referral ng customer ng unang 100 user.[93]

Noong Disyembre 4, 2014, ipinakilala ng Google ang Google for Work at Programa sa Ka-partner ng Edukasyon na tumutulong sa mga ka-partner na makabenta, magserbisyo at magpabago sa lahat ng Google for Work at koleksiyon ng mga produkto at platform na Pang-edukasyon.[94]

Pamilihan ng Google Apps

baguhin

Ang Pamilihan Google Apps na inilunsad noong 2010 ay isang online stoe na may mga pangnegosyong cloud application na nagpapatingkad sa pagiging madaling gamitin ng Google Apps.[17] Ang Pamilihan ay nagpapangyari sa mga administrador na ma-browse ang, pagbili at magamit ang naka-integrate na pangnegosyong mga cloud application. Available ito para sa Google Apps, Google Apps for Work at Google Apps for Education.[95]

Ang mga developer ay maaari ding bumuo ng mga app sa Pamilihan at magbenta ng mga app at serbisyo sa Pamilihan.[95] Noong Marso 6, 2014, ibinahagi ng Google na ang mga customer ng Google Apps ay nagdagdag ng mahigit 200M na pag-install mula sa pamilihan simula nang ilunsad ang Pamilihan noong 2010.

Noong Setyembre 17, 2014, inilabas ng Google ang isang post sa blog na ang mga empleyado ay maaaring mag-install ng mga app ng ikatlong partido mula sa Pamilihan na walang sangkot na mga administrador.[96]

Online na Pagsusuri

baguhin

Nakatanggap ang Google Apps ng maraming positibong pagsusuri sa online na may average na 4-5 star sa isang 5 star na antas.[97] Pinupuri ng mga pagsusuri ang Google Apps para sa nakikipagsabayan nitong pagpepresyo, kabilang lahat ng iniaalok na koleksyon, madaling pag-setup at gumagana ng mahusay sa lahat ng device.[98] Ilang negatibong mga pagsusuri ang nagsasabing ang Google Apps, Google Presentations at Google Documents ay kulang ng katulad na antas ng mga katangian na nagbibigay sa mga dokumento ng hitsurang propesyunal ginawa sa PowerPoint at Microsoft Word.[98]

Seksiyon ng Pakikipagsabayan

baguhin

Ang nangungunang nakikipagkompetensya sa koleksiyon ng Google Apps ay ang Microsoft Office 365—Pag-aari ng Microsoft na nakabase sa cloud na inaalok sa mga negosyo na naglalakip ng katulad na mga produkto. Iba-iba ang pag-sususri sa online sa kung alin ang may mas magandang iniaalok. Napansin sa mga pagsusuri na ang Google Apps at Microsoft 365 ay magkapareho ang mga rating ngunit magkaibang-magkaiba ang mga katangian nito.

Ang kapansin-pansing pagkakaiba ay ang mga plan sa pagtatakda ng halaga, laki ng storage at dami ng mga katangian. Ang Microsoft 365 ay may tendensya na magkaroon ng mas maraming katangian kaysa sa Google Apps, ngunit marami sa mga ito ang hindi naman gaanong nagagamit.[99] Hindi naglalabas ng kinita o bilang ng user ang Google, kaya nahihirapan ang mga tagasuri na ikumpara ang tagumpay ng Google Apps at ng Microsoft Office.[100] Noong Oktubre 2014, ang Microsoft ay mayroong 7 M customer ng produktong Office 365 at lumago ng 25% sa nakaraang huling tatlong buwan.[101] Ipinatalastas din ng Microsoft na nagbibigay ito ng walang limitasyong storage sa mga customer na bibili ng cloud na bersyon ng Microsoft Office 365.[101]

Sa kasalukuyan wala nang nagsisimulang makipagkompetensya sa koleksiyon ng Google Apps dahil ang halaga para ipakipagkompetensya ang isang produkto, tulad ng email, ay napakataas at ang posibleng pagkita ay mahirap.[101]

Sa Google Apps na bagong SKU, na Apps na may Walang limitasyong Storage at Vault, ang Google Apps ay nakatawag-pansin ng bagong mga kakompetensya - Box, Dropbox at OneDrive.[102]

Mga Kaugnay na Produkto.

baguhin

Ang Google Apps for Work ay bahagi ng maraming iba pang produkto na kabilang sa mga produkto ng Google sa trabaho.[27] Kabilang dito ang Google Cloud Platform, Google Search for Work, Google Maps for Work, Google Chrome for Work.[103]

Mga reperensya

baguhin
  1. Google (2014-12-02). "What's included in Google Apps for Work?". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-03. Nakuha noong 2014-12-02. {{cite web}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Article in Wired". Wired. 2011-10-07. Nakuha noong 2011-10-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Metz, Cade (2010-03-03). "Article in Mashable". Mashable. Nakuha noong 2010-03-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Metz, Cade (2014-02-21). "Article in Business Bee". Business Bee. Nakuha noong 2014-02-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Article in CNet". Cnet. 2014-09-02. Nakuha noong 2014-09-02.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Gmail sign up". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-22. Nakuha noong 2022-11-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Big mail on campus". Google.
  8. "Google Launches Hosted Communications Services". Google.
  9. "Google Announces Education News at Educause". Google.
  10. "Google Introduces New Business Version of Popular Hosted Applications". Google.
  11. "Update on Google Wave". The Google Wave Blog. Google. 2010-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Google improves Apps, offers organization clear path off Echange, Notes, etc. to Gmail". ZDNet. Nakuha noong 2007-06-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Google Adds Postini's Security and Compliance Capabilities to Google Apps". Google.
  14. "Google Sets Its Sites on Google Apps". Google.
  15. "Use Microsoft Outlook with Google Apps for email, contacts, and calendar". Google.
  16. "Google Apps is out of beta (yes, really)". Google.
  17. 17.0 17.1 "Open for business: the Google Apps Marketplace". Google.
  18. "Introducing Google Apps for Government". Google.
  19. "Helping small businesses start and manage Google Apps for Business". Google.
  20. "Google Apps Vault Brings Information Governance to Google Apps". Google.
  21. "Introducing Google Drive, the newest member of Google Apps". Google.
  22. "Google Drive joins the battle of the cloud". USA Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-23. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Ibel, Max (2012-04-24). "USA Today: Google Drive joins the battle of the cloud". Googleblog.blogspot.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-23. Nakuha noong 2012-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Bringing it all together for Google Apps customers: 30GB shared between Drive and Gmail". Google.
  25. "Introducing the Google Apps Referral Program: Share a better way of working with customers, friends and networks". Google.
  26. "Google Drive for Work". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-17. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 "Introducing Google for Work (the artist formerly known as Enterprise)". Google.
  28. "Google Product Forums". Google.
  29. "Google Apps for Work Products". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-24. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.0 30.1 30.2 "Google Apps for Work Pricing". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-23. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Metz, Cade (2014-04-01). "Article in BGR". Wired. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-16. Nakuha noong 2014-04-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Metz, Cade (2012-06-28). "Gmail finally blows past Hotmail to become the world's largest email service". Venture Beat. Nakuha noong 2012-06-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Metz, Cade (2014-04-01). "How Gmail Happened: The Inside Story of Its Launch 10 Years Ago". Time. Nakuha noong 2014-04-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Metz, Cade (2014-04-01). "Gmail turns 10: Six reasons why it is the world's most popular webmail service". BGR. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-16. Nakuha noong 2014-04-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. 35.0 35.1 "Gmail for Work". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-23. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Official Google for Work Blog". Google.
  37. 37.0 37.1 "Introducing Google Drive... yes, really". Google.
  38. Metz, Cade (Marso 6, 2006). "Google Drive: What we know so far". Tech Crunch. Nakuha noong 6 Marso 2006.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Metz, Cade (2014-12-11). "OneDrive, Dropbox, Google Drive, and Box: Which cloud storage service is right for you?". CNet. Nakuha noong 2014-12-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Google Drive for Work". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-23. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Google for Work products". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-24. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Google Announces Google Docs & Spreadsheets". Google.
  43. "Official Google Apps for Work products". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-24. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Work with any file, on any device, any time with new Docs, Sheets, and Slides". Google.
  45. Metz, Cade (2014-08-25). "Google Brings Native MS Office Editing Features To Its iOS Productivity Apps, Launches Slides For iOS". Tech Crunch. Nakuha noong 2014-08-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. 46.0 46.1 "Google Sets Its Sites on Google Apps". Google.
  47. "Google Sites now open to everyone". Google.
  48. "Learn Google Apps for Work". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-10. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "It's about time". Google.
  50. "Google Calendar for Work". Google.[patay na link]
  51. 51.0 51.1 "Google Calendar for Work". Google.[patay na link]
  52. "Google Calendar vs. Google Calendar for Business". Chron.
  53. "Google launches Hangouts, a new unified, cross-platform messaging service for iOS, Android and Chrome". Chron.
  54. "Google Hangouts". Google.
  55. "Google+ Hangouts get bigger video player, screen sharing available to all". Chron.
  56. "Google Hangouts for Work". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-23. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Making it easier to bring Hangouts to work". Google.
  58. "Google Plus". Google.
  59. 59.0 59.1 "Exclusive: Inside Hangouts, Google's big fix for its messaging mess". The Verge.
  60. "Google Sends Hangouts to Work, Enhances Chromebox for Meetings". Re/code.
  61. "Hangouts Now Works Without Google+ Account, Becomes Part Of Google Apps For Business And Gets SLA". Tech Crunch.
  62. "Even more reasons to meet face-to-face". Google.
  63. "Custom status messages for Google Hangouts". Google.
  64. "Introducing the Google+ project: Real-life sharing, rethought for the web". Google.
  65. "Facebook's Newest Challenger: Google Plus". NPR.
  66. "Here Is The Little-Known Way Google Juices User Traffic On Google+". Business Insider.
  67. "Google Plus: three years old and still failing as a social network". ZDNet.
  68. "Google+ is now available with Google Apps". Google.
  69. "Private conversations with restricted Google+ communities". Google.
  70. "Seven Ways to Use Google+ at Work". PC World.
  71. "Seven Ways to Use Google+ at Work". PC World.
  72. "Google+ Is Now An Enterprise Social Network? Who Knew?". Forbes.
  73. "5 Reasons Why Your Business Still Needs Google+". Business 2 Community.
  74. "3 Ways Google+ Helps Your Business". Business 2 Community.
  75. "Google Apps Vault Brings Information Governance to Google Apps". Google.
  76. "Google Apps Vault gets targeted legal holds to let organizations keep specific information in emails". The Next Web.
  77. "Official Google for Work Blog". Google.
  78. "Google Apps for Work Pricing". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-23. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. "Evaluate Google Apps for Work". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-13. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. 80.0 80.1 "Google Apps for Work Security". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-13. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Security and privacy from Google Apps for Work". Google.
  82. "Google Launches Drive For Work With Unlimited Storage For $10/Month". Tech Crunch.
  83. 83.0 83.1 "Data security in 2014: Make it more difficult for others to attack and easier for you to protect". Google.
  84. "When Google Apps Fails at being a User Directory". Google.
  85. "Google Reboots Its Business Software Operation as 'Google for Work'". Wired.
  86. "Working on the go gets easier with Google and Uber". Google.
  87. "Official Google for Work Blog". Google.
  88. "Google Apps and Drive feed the buzz at BuzzFeed". Google.
  89. "Google Apps is the Perfect Fit for Design Within Reach". Google.
  90. "PwC and Google: bringing transformation to work". Google.
  91. "Google Apps for Work Customers". Google. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-21. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  92. "Google Apps for Work Partern Referral". Google.[patay na link]
  93. "Google launches referral program for Google Apps, offers $15 for each new user you convince to sign up". The Next Web.
  94. "Introducing the Google for Work & Education Partner Program". Google.
  95. 95.0 95.1 "Google Apps Marketplace overview". Google.
  96. "Google Apps Marketplace: to administrators and beyond". Google.
  97. "Spcieworks Google Apps". Spiceworks. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-23. Nakuha noong 2015-03-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  98. 98.0 98.1 "Can Google's online offering deliver the tools you need to get things done?". Tech Radar.
  99. "10 comparisons between Google Apps and Office 365". Tech Republic.
  100. "Google to offer schools, students unlimited storage for free". CNet.
  101. 101.0 101.1 101.2 "Microsoft Just Made Its Google Apps Killer Much More Attractive". Business Insider.
  102. "OneDrive, Dropbox, Google Drive, and Box: Which cloud storage service is right for you?". CNet.
  103. "Google for Work solutions". Google.

Higit pang pagbabasa

baguhin
baguhin