Grand Chase
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Hulyo 2009) |
Ang Grand Chase (Korean: 그랜드체이스, lit. Grand Chase) ay isang free-to-play, two-dimensional side-scrolling MMORPG na binuo ng isang Koreanong kompanyang KOG Studios. Nakabase sa isang manhwa,ang kuwento ay naka-tuon sa mga pakikipagsapalaran ng Grand Chase Team.
Grand Chase | |
---|---|
Naglathala | KOG Studios |
Nag-imprenta | Gamania, Ntreev Soft, Level Up! Games |
Plataporma | Microsoft Windows |
Release | Agosto 1, 2003 Gamania |
Dyanra | Fantasy MMO Fighting Platform Side-scroller |
Mode | Multiplayer |
Ang Grand Chase ay may maraming server sa Korea, Taiwan, Hong Kong, Brazil, Pilipinas at ang Estados Unidos. Ang iba pang mga pangalan para sa Grand Chase ay 3小俠 (Chinese: lit. Tatlong Batang Bayani) sa mga Taiwan at Hong Kong servers.
Kuwento
baguhinSamantalang ang Grand Chase ay isang sandbox game, ito ay may maikling kuwento sa bawat tauhan, kasama na rin ang kontinente ng Bermesiah, na kung saan, ang simula ng lahat ng mga manlalaro. Isang pantuloy na kuwento ng Grand Chase ay maipapakita ng laro habang nabibisita nila ang lahat ng mga dungeon sa laro.
Ang backstory ng bawat tauhan ay iisa sa lahat ng mga server, ang back story ng Bermesiah, kasama na rin ang iba pang mga lugar, ay puwedeng naiiba sa ibang mga server, ngunit ang mga pangyayari na naganap ay kamukha o hindi kamukha.[1][2][3]
Ang Kuwento
baguhinAng mga kaharian ng Serdin at Kanavan ay nakatira sa magkabilaang dulo ng Bermesiah ng napakahabang panahon, hanggang ang reyna ng kadiliman, Kaze'aze, ay pinasok ang Kanavan, at pinatay ang katulong ng namumunong reyna, nagpanggap na siya, at kinontrol ang Reyna ng Kanavan na nagdulot ng limang taong malaking giyera sa Serdin at sa Elven Forest. Marami ang namatay at ang kontinente ay nawasak hanggang nadiskubre ng reyna kung sino ang maysala. Noong nadiskubre na kung sino ang may sala, huli na ang lahat, at umalis na si Kaze'aze. Ang reyna ng Kanavan ay nagpadala ng mga sundalo na tinatawag na mga Trackers, para mahanap si Kaze'aze, ngunit lahat sila ay nawala nang walang nakakaalam kung paano.
Ang reyna ng Serdin ay determinado na umiwas sa isa pang napakalakas na giyera na mangyari uli sa Bermesiah. Para mangyari ito, ang reyna ay gumawa ng mga sundalo na hindi panig ninuman, sa tulong ni Rayko, Ang pinakamalakas na Druid sa kontinente ng Bermesiah, at lalaban sila para sa kapayapaan ng kontinente. Pinangalanganan nila ang mga sundalo bilang "Grand Chase". Ange Grand Chase ay ang pinakamalakas na sundalo sa Bermesiah at ang misyon nila ay hanapin ang sumira sa Bermesiah na si Reyna Kaze'aze Sa tulong ng kanailang magaling na Master na si Rayko, Isang daang persiyento ang kanilang pag-asa manalo sa kasamaan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Ntreev's Official Grand Chase Site — Background Story". Ntreev Soft. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-08. Nakuha noong 2008-06-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Beginning — GrandChaseSEA". AsiaSoft. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-11. Nakuha noong 2008-06-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Grand Chase for Windows — MobyGames". MobyGames. Nakuha noong 2008-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)