Papa Gregorio IX
Si Papa Gregorio IX (c. 1145/70 – 22 Agosto 1241) na ipinanganak na Ugolino di Conti ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Marso 19, 1227 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang kahalili ni Papa Honorio III at kanyang buong namana ang mga tradisyon ni Papa Gregorio VIII at ng kanyang pinsang si Papa Inocencio III]. Masigasig niyang ipinagpatuloy ang kanilang patakaran ng supremasiyang pang-papa. Noong 1233, itinatag ni Papa Gregorio IX ang inkisisyon at nagpadala ng mga decretal kung saan inituos na sunugin ang mga erehe. Sa pamamagitan ng pagpapahirap at inkisisyon ni Konrad von Marburg, natuklasan ang isang kultong Luciferiano na sumasamba kay Satanas sa anyo ng isang itim na pusa. Inilarawan sa vox in Rama ni Papa Gregorio IX ang inisiasyon ng mga kasapi sa kultong ito. Dahil dito, nagkaroon ng pamahiin sa Europa kung saan ang itim na pusa ay inuugnay kay Satanas at pagsusunog ng mga pusa sa Europa at Pransiya ay naging libangan ng mga mamamayan na pinaniniwalaang ng ilang historyan na nag-ambag sa pagkalat ng salot na Itim na Kamatayan na pumatay ng hanggang 200 milyong tao noong ika-14 siglo.
Gregory IX | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 19 March 1227 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 22 August 1241 |
Hinalinhan | Honorius III |
Kahalili | Celestine IV |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Ugolino di Conti |
Kapanganakan | between 1145 and 1170 Anagni, Papal States, Holy Roman Empire |
Yumao | Rome, Papal States, Holy Roman Empire | 22 Agosto 1241
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Gregory |
Pampapang styles ni Papa Gregorio IX | |
---|---|
Sangguniang estilo | His Holiness |
Estilo ng pananalita | Your Holiness |
Estilo ng relihiyoso | Holy Father |
Estilo ng pumanaw | None |
Sa koronasyon ni Frederick II sa Roma noong 22 Nobyembre 1220, nangako siyang tutungo sa Banal na Lupain noong 1221. Sinimulan ni Grgorio IX ang kanyang pagkapapa sa pagsuspinde kay Frederick II dahil sa kabagalan nito sa ipinangakong Ikaanim na Krusada. Nagmakaawa si Frederick sa mga soberanya ng Europa dahil sa pagmamaltrato ni Gregorio IX. Ang suspensiyon ni Gregorio IX ay sinundan ng pagtitiwalag ni Gregorio IX kay Fredrucj II at pagbabanta ng pagtanggal sa posisyon nito. Nagawa ni Frederick II na makarating sa Israel at nabawi ang Herusalem. Nawalan ng tiwala si Gregorio IX kay Frederick II dahil sinakop ng Gobernador ni Frederick II ang mga estado ng Papa nang nasa Herusalem ang Emperador. Idineklara ni Eberhard II von Truchsees, Principe-Arsobispo ng Salzburg noong 1241 sa Konseho ng Regensburg na si Gregorio IX ang "anak ng kapahamakan" sa 2 Tesalonica 2:3-10 at ang "munting sungay" ng Aklat ni Daniel 7:8.
Noong 1239, sa ilalim ng impluwensiya ng Hudyong akay sa Kristiyanismo na si Nicholas Donin, inutos ni Gregorio IX na kunin ang lahat ng kopya ng Hudtong Talmud. Kasunod ng publikong debate sa pagitan ng mga teologong Hudyo at Kristiyano, ito at humantong sa pagsusunog ng masa ng 12,000 manuskrito ng Talmud noong 12 Hunyo 1242 sa Paris.