Mobile Suit Gundam SEED Destiny
Hindi sapat ang kontekstong binibigay ng artikulong ito para sa mga hindi pamilyar sa paksa. Tumulong pagbutihin ang artikulo sa pamamagitan ng mabuting istilo ng panimula. |
Ang Mobile Suit Gundam SEED Destiny ay ikalawang anime na sa Kosmikong Panahon ng Gundam ang tagpuan na naganap dalawang taon pagkatapos ng orihinal na Mobile Suit Gundam SEED. Ipinapakita ng Gundam SEED Destiny ang mga bagong tauhan at ilang mga tauhan na bumalik, ang mga namamayaning tauhan ay sina Cagalli Yula Athha, Athrun Zala, Kira Yamato at Lacus Clyne.
Mobile Suit Gundam SEED Destiny Kidō Senshi Gandamu Shīdo Desutinī | |
機動戦士ガンダムSEED DESTINY | |
---|---|
Dyanra | Drama, mecha, military, romance |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Mitsuo Fukuda |
Estudyo | Sunrise |
Inere sa | Mainichi Broadcasting System, Tokyo Broadcasting System, Hero TV (1 Disyembre 2006), ABS-CBN(17 Pebrero 2007), Studio 23(21 Enero 2008) |
Manga | |
Mobile Suit Gundam SEED Destiny: The Edge | |
Kuwento | Chimaki Kuori |
Naglathala | Kadokawa Shoten |
Demograpiko | Shōnen |
Takbo | 25 Pebrero 2005 – 29 Oktubre 2006 |
Bolyum | 5 |
Buod ng kuwento
baguhinNoong Kosmikong Pahahon 73 (Cosmic Era 73), nagkaraoong na ng kapayapaan sa pagitan ng Naturals at Coordinators, ngunit pagkatapos ng isa at kalahating taon, nagkagulo muli sila. Si Athrun Zala ay nagpanggap bilang si Alex Dino at kasama niya pa rin si Cagalli Yula Athha para muling magroon ng katahimikan sa mundo. Sa panahon ding ito unang lumabas ang Minerva, ang bagong assault ship ng ZAFT. Ang barkong ito ang naging katapat ng Archangel. Sa seryeng ito ipinakita ang maraming mga kasawian ng mga karakter dahil sa nagdaang digmaan. Si Shin Azuka, halimbawa, ay nawalan ng pamilya dahil raw sa kapabayaan ng mga pinuno ng Orb.
Pagsasaere sa Pilipinas
baguhinUnang nasilayan ito ng mga manonood ng Pilipinas ang serye sa pamamagitan ng Cartoon Network Philippines noong 1 Hunyo 2006. Makalipas ang ilang buwan ng spekulasyon kung kailan nga ba eere ang isina-Pilipinong bersyon ng serye. Sinimulan na ng Hero TV at ng ABS-CBN ang paglalapat ng tinig sa Gundam SEED Destiny.
Kumpara sa nauna. maraming boses ang nagbalik para gumanap ulit ng kani-kanilang mga role. Tulad nina Michael Punzalan bilang si Kira Yamato, Louie Paraboles bilang si Athrun Zala, Wendy Villacorta bilang si Lacus Clyne, Alexx Agcaoili bilang Mwu La Flaga at Daisy May Carino bilang Murrue Ramius
Marami rin mula sa naunang cast ang nagbalik, tulad ni Katherine Masilungan na gumanap na Capt. Talia Gladys at Lunamaria Hawke.
Ngunit tulad ng inaasahan, nagkaroon ng malaking pagbabago kaysa sa naunang serye nang ipalabas ito. Una ay ang pagbabago ng Direktor ng Dubbing nito na si Gari Ryan Ang, Pangalawa ay ang pagpili sa mga bagong cast na tulad nina Robert Brillantes bilang Gilbert Durandal at Benjie Dorango bilang Shinn Asuka. Gayundin naman ang pagpalit sa boses nina Cagalli Yula Attha at Yzak Joule, na parehong binosesan sa naunang serye nina Maripette Narvasa at Jefferson Utanes. Ngayon ay ginampanan na sila nina Ria Paz Bautista at Pocholo Gonzales
Unang ipinalabas ang serye sa Satellite Channel ng ABS-CBN, ang Hero TV noong 1 Disyembre 2006 sa ganap na ika-8:30 ng umaga oras ng Pilipinas. Kasalukuyan pa rin itong umeere sa Hero TV.
Samantala, sa 17 Pebrero 2007, matapos ang matagal na paghihintay, Maipapalabas na ang Gundam SEED Destiny sa ABS-CBN tuwing Sabado at Linggo kapalit ng D.I.C.E (ika-9:00 ng umaga sa Weekend Hero Zone).
21 Enero 2008, naipalabas na ang serye sa pamamagitan ng Studio 23 tuwing 7:30 ng gabi pagkatapos ng Rush TV. Dati ang Samurai X ang ipinapalabas sa oras na ito mula 7:30 hanggang 8:30 pero nang ipalabas ang Gundam Seed Destiny, 8:00 ng gabi na ipinapalabas ang Samurai X at tig-iisang kabanta na lang ipinapalabas imbes na dalawa sa isang gabi.
Mga nagboses sa wikang Hapon
baguhin- Akira Ishida bilang Athrun Zala / Alex Dino
- Kenichi Suzumura bilang Shinn Asuka
- Souichiro Hoshi bilang Kira Yamato
- Fumiko Orikasa bilang Meyrin Hawke
- Hideyuki Hori bilang Lord Djibril
- Hiroki Takahashi bilang Arthur Trine
- Houko Kuwashima bilang Stella Loussier /Flay Allster/Natarle Badgiruel
- Junichi Suwabe bilang Sting Oakley
- Kenji Nojima bilang Yuuna Roma Seiran
- Kotono Mitsuishi bilang Murrue Ramius /Haro
- Maaya Sakamoto bilang Lunamaria Hawke /Mayu Asuka
- Mami Koyama bilang Talia Gladys
- Masakazu Morita bilang Auel Neider
- Naomi Shindoh bilang Cagalli Yula Athha /Birdy
- Rie Tanaka bilang Lacus Clyne /Meer Campbell
- Ryotaro Okiayu bilang Andrew Waltfeld
- Shuuichi Ikeda bilang Gilbert Durandal
- Takehito Koyasu bilang Neo Lorrnoke / Mu La Flaga
- Toshihiko Seki bilang Rey Za Burrel
- Hiro Yuuki bilang Clotho Buer
- Hiroshi Matsumoto bilang Unato Ema Seiran
- Katsumi Toriumi bilang Dalida Lolaha Chandra II
- Kazuhiko Nishimatsu bilang Tatsuki Mashima
- Kazunari Tanaka bilang Olson White
- Kazuya Ichijou bilang Kapitan Todaka
- Kikuko Inoue bilang Caridad Yamato
- Kinryuu Arimoto bilang Patrick Zala
- Kiyomitsu Mizuuchi bilang Representative Homura
- Mami Matsui bilang Nicol Amalfi
- Megumi Toyoguchi bilang Miriallia Haw
- Michiyo Yanagisawa bilang Erica Simmons
- Naoki Imamura bilang Takao Schreiber
- Naoki Tatsuta bilang Lewis Halberton
- Nobuyuki Hiyama bilang Muruta Azrael
- Susumu Chiba bilang Amagi
- Tetsu Shiratori bilang Narrator
- Tomohisa Asou bilang Logos
- Tomokazu Seki bilang Yzak Joule
- Toru Ohkawa bilang Uzumi Nara Athha
- Toshihiko Nakajima bilang Kojiro Murdoch
- Toshihiko Seki bilang Rau Le Creuset
- Yasuhiro Takato bilang Kuzzey Buskirk
- Yoshio Kawai bilang Logos
- Yousuke Akimoto bilang Siegel Clyne
- Yugo Takahashi bilang Nishizawa
- Yuko Sasamoto bilang Conille Almeta
- Yuuki Tai bilang Chen Jian Yi
Mga nagboses sa wikang Filipino
baguhin- Louie Paraboles bilang Athrun Zala / Alex Dino
- Michael Punzalan bilang Kira Yamato/Heine Westenfluss
- Benjie Dorango bilang Shinn Asuka/Yuuna Roma Seiran/Kapitan Todaka
- Alexx Agcaoili bilang Neo Roanoke / Mu La Flaga / Rey Za Burrel
- Robert Brillantes bilang Gilbert Durandal / Auel Neider
- Ria Paz Bautista bilang Cagalli Yula Athha
- Wendy De Leon bilang Lacus Clyne /Meer Campbell/Murrue Ramius
- Carlo Landrito bilang Andrew Waltfeld
- Katherine Masilungan bilang Talia Gladys / Lunamaria Hawke/Caridad Yamato
- Pocholo Gonzales bilang Sting Oakley / Yzak Joule
- Pinkee Rebucas bilang Stellar Loussier/Meyrin Hawke
- Rafael Miranda bilang Rau Le Crueset
Awiting tema ng Gundam Seed Destiny (主題歌)
baguhinPambungad na awit: (オープニングテーマ)
- 『ignited-イグナイテッド-』 (PHASE-01 - PHASE-13:T.M.Revolution
- 『PRIDE』 (PHASE-14 - PHASE-24 :HIGH and MIGHTY COLOR
- 『Bokutachi no Yukue - 僕たちの行方』 (PHASE-25 - PHASE-37):Hitomi Takahashi (高橋瞳)
- 『Wings of Words』 (PHASE-38 - PHASE-50:CHEMISTRY
- 『vestige-ヴェスティージ-』 (FINAL PLUS):T.M.Revolution
Pangwakas na awit (エンディングテーマ)
- 『Reason』 (PHASE-01 - PHASE-13):Nami Tamaki(玉置成実)
- 『Life Goes On』 (PHASE-14 - PHASE-25):Mika Arisaka (有坂美香)
- 『I Wanna Go To Place...』 (PHASE-26 - PHASE-37):Rie fu
- 『Kimi wa Boku ni Niteiru - 君は僕に似ている』 (PHASE-38~FINAL PLUS):See-Saw