Ang Samurai X, o mas kilala sa bansang Hapon bilang Rurouni Kenshin, ay seryeng anime at manga na ginawa ni Nobuhiro Watsuki.

Samurai X
Rurōni Kenshin
Rurouni Kenshin manga, volume 1 (English version)
るろうに剣心
DyanraChanbara
Manga
KuwentoNobuhiro Watsuki
NaglathalaShueisha
MagasinWeekly Shōnen Jump
DemograpikoShōnen
Takbo2 Setyembre 199411 Nobyembre 1999
Bolyum28
Teleseryeng anime
DirektorKazuhiro Furuhashi
EstudyoStudio Gallop
Inere saFuji Television
 Portada ng Anime at Manga

Ang kuwento nito ay tungkol kay Kenshin Himura, na kilala sampung taong nakalipas bilang si Battousai, isang Hitokiri (mamamatay-tao) na tumulong sa paglaho ng Tokugawa shogunate at sa pagbangon ng panahong Meiji. Dahil dito, maraming tao ang gustong magamit ang kanyang galing sa pagpatay o di kaya'y patayin siya dahil sa pagbagsak niya sa dating pamumuno. Si Kenshin naman ay nagsisisi sa pagpatay niya ng mga tao, at pinangako sa kanyang sarili na hindi siya papatay muli.

Ang manga ay unang lumabas sa Japanese Shonen Jump Weekly Anthology, at nagkaroon ng 28 na bolyum.

Ginamit ng Sony ang pangalang Samurai X dahil mayroon nang nagmamay-ari ng karapatan para sa paggamit ng pangalang Rurouni Kenshin sa Ingles. Ang bersiyon ng Sony ang ipinalabas sa Pilipinas at sa ilang bansa sa Europa.

Ang serye

baguhin

Unang lumabas ang seryeng ito bilang dalawang magkahiwalay na maikling kuwento na kapwa pinamagatang Rurouni: Meiji Swordsman Romantic Story. Inilathala ito noong taong 1992 at 1993 sa magasin na Weekly Shonen Jump Special. Noong 1994, ginawa ni Watsuki ang huling bersiyon ng serye na inilathala sa Shonen Jump hanggang sa pagtapos nito noong 1999. Noong 2000, sumunod nito ang Yahiko no Sakabato (Yahiko's Reversed-Edge Sword). Sa kabuuan, ang manga ay nagkaroon ng 28 bolyum (Hindi kasali ang Yahiko no Sakabato).

Ang kuwento ng Samurai X ay inihati sa tatlong arcs: Tokyo, Kyoto at Jinchu (isang salita na kinatha ni Watsuki na maaaring nangangahulugan na "revenge of the man"). Ang Jinchu arc ay hindi sinali sa anime na bersiyon, maliban lang sa bahagi ng kuwento na nagsasaad sa nakaraan ni Kenshin na ginamit sa isa sa mga OVAs o Original Video Animation.

May apat na bersiyong animated ang Samurai X:

  1. Ang serye sa telebisyon, kung saan ang tagpuan ay ang panahon ng Meiji at sinasalaysay ang pag-iibigan nina Kenshin Himura at Kaoru Kamiya. Ang serye sa telebisyon ay hinati sa tatlong season: ang unang 27 episodes kung saan ang kuwento nito ay sumusunod sa Tokyo Arc, ang mga episode na 28–62 na sumusunod naman sa Kyoto Arc, at ang mga episode na 63–95 na mga "filler" episodes na hindi binatay sa manga para makahabol ang manga sa daloy ng istoya sa serye sa telebiston. Sa kasamaang palad, kinansela ang serye bago pa man nai-animate ang Jinchu Arc.
  2. Isang pelikula (Rurouni Kenshin: Ishin Shishi no Requiem/Rurouni Kenshin: Requiem for the Ishin Patriots, o Samurai X: The Motion Picture/Samurai X The Movie sa Ingles na bersiyon), kung saan si Kenshin ay may nakilalang samurai na nagbabalak na pabagsakin ang pamahalaang Meiji.
  3. Ang unang seryeng OVA o Original Video Animation (Rurouni Kenshin: Tsuiokuhen/Rurouni Kenshin: Recollection, hinati bilang Samurai X: Trust at Samurai X: Betrayal sa Ingles na bersiyon), kung saan ang tagpuan nito ay ang panahon ng pagbagsak ng Tokugawa shogunate. Isinasalaysay dito ang buhay ni Kenshin mula pagkabata hanggang tinedyer. Iilan lamang sa mga tauhan ng seryes sa telebisyon ang lumabas sa OVA, at sila ay sina Kenshin, Seijuro Hiko (ang guro ni Kenshin), at Hajime Saito.
  4. Ang pangalawang OVA (Rurouni Kenshin: Seisohen/Rurouni Kenshin: Time, tinawag na Samurai X: Reflection sa Ingles na bersiyon), na nangyari pagkatapos ng serye sa telebisyon at isinasalaysay ang mga huling taon nina Kenshin at Kaoru. Naiiba ito sa manga sa maraming mahahalagang punto ng plot.

Ang mga OVA - na nagpapakita rin ng mga karakter sa kasaysayan - ay mas makatotohanan kaysa sa seryeng pantelebisyon, na nagsisimula bilang isang romantic comedy pero sa huli ay naging isang period drama. Gumamit ang OVA ng mga live footage na nai-splice sa mga animation cells at nagbibigay ng kakaibang pakiramdam kaysa sa tipikal na animation.

May nangyayaring debate ukol sa authencity ng pangalawang OVA. Maraming fans ang gustong balewalain ang pangalawang OVA at hindi sumang-ayon sa katapusan nito. Sang-ayon naman si Nobuhiro Watsuki, ang naglikha ng Rurouni Kenshin, sa hinaing ng mga fans at sinabi na ayaw niya sa katapusan ng OVA dahil mas gusto niya ang masayang katapusan.

Naging napakasikat ang anime na ito sa buong mundo. Kahit ginawa talaga ito para sa mga lalaking manonood, ang detailed exploration ng mga emosyon at relasyon (lalo na sa romansa na nagde-develop nina Kenshin at Kaoru) ay umaakit rin ng mga babaeng manonood. Dahil tumagal ang serye ng 95 episodes, ang ugali at nakaraan ng bawat isa sa mga pangunahing tauhan ay naipakita nang maayos. Kasama sa OVAs na nagpapaliwang sa nakaraan at kinabukasan ni Kenshin, ang series na ito ay isa sa mga kumpletong serye tungkol sa panahon ng Meiji at sa samurai genre.

Ang kontrobersiya ng Jinchu Arc

baguhin

Ang TV series at manga series ng Samurai X ay halos magkapareho ng istorya sa Tokyo at Kyoto Arc. Nang makahabol ang TV series sa manga sa istorya, nagdesisyon ang mga producer ng anime na maghiwalay sa manga ni Nobuhiro Watsuki at gumawa ng sarili nilang istorya at karakter. Dahil dito, hindi na-animate ang Jinchu arc sa TV series. Ang Jinchu arc ay naglalaman ng maraming detalye tungkol sa nakaraan ni Kenshin, kabilang doon ang pagkilala ng unang mahal niya at paano niya nakuha ang ekis na pilat sa mukha niya. Ang istorya dito ay nakapokus sa mga karakter mula sa nakaraan ni Kenshin na gustong maghiganti sa kanya. Maraming fans ang nagsasabi na ang mga "filler" episodes sa anime series ay hindi gaanong maganda kung ikukumpara sa istorya ng Jinchu arc.

Mga theme songs

baguhin

TV Series

baguhin

Opening:

  1. "Sobakasu" (Freckles) -- Judy & Mary (Eps. 1–38)
  2. "1/2"—Makoto Kawamoto (Eps. 39–82)
  3. "Kimi ni Fureru Dake de" (Just Touched By You) -- Curio (Eps. 83–95)

Ending:

  1. "Tactics"—The Yellow Monkey (Eps. 1–12)
  2. "Namida wa Shitte iru" (I Know Tears) -- Mayo Suzukaze (Eps. 13–27)
  3. "Heart of Sword ~ Yoake Mae"—T.M. Revolution (Eps. 28–38, 43–49)
  4. "Fourth Avenue Cafe"—L'Arc-en-Ciel (Eps. 39–42)
  5. "It's Gonna Rain"—Bonnie Pink (Eps. 50–66)
  6. "1/3 no Junjo na Kanjo" (1/3 True Feelings) -- Siam Shade (Eps. 67–82)
  7. "Dame!" (No!) -- You Izumi (Eps. 83–95)
  • Dahil sa mga paratang ukol sa ilegal na droga laban sa L'Arc-en-Ciel, tinanggal ng Sony ang "Fourth Avenue Cafe" at ginamit muli ang "Heart of Sword". Gayunman, ang animation ng 4th ending song pa rin ang ginamit ng Sony.

Samurai X: The Movie

baguhin

Opening

  1. "Niji"—L'arc-en-Ciel

Ending

  1. "Towa no Mirai"—Animetal

Ang Pag-ere sa Pilipinas

baguhin

TV Series

baguhin

Unang lumabas ang bersiyong Ingles ng Samurai X sa estasyong Studio 23 noong 18 Oktubre 1998. Pagkaraan ng ilang taon, muli nila itong ibinalik noong 20 Mayo 2002.

Ang bersiyong Tagalog ay unang lumabas noong Setyembere 20, 1999 sa estasyong ABS-CBN. Pagkaraan ng ilang taon, muli nila itong ibinalik noong 12 Agosto 2002. Noong taong 2005, nagkaroon rin ng isang marathon sa bersiyong Tagalog ng Samurai X sa Studio 23.

Ngayong taong 2006, muli itong mapapanood sa QTV 11, ang sister station ng GMA Network, Incorporated. Ayon sa impormasyon, ang Alta Productions ang hahawak ng redub version nito. Si Louie Paraboles ang gaganap na Kenshin Himura. Matatandaang ginampanan niya ang papel na Yahiko sa ABS-CBN dubbed version ng naturang anime.

Ngayong 2008 ay muling ipinapalabas ang Samurai X sa estasyong Studio 23.

Samurai X: The Movie

baguhin

Unang lumabas ang Tagalog na bersiyon ng pelikulang ito noong 11 Abril 2005 sa ABS-CBN. Lumabas naman ang Ingles na bersiyon sa lokal na telebisyon noong 23 Disyembre 2005 sa Studio 23.

Dubbers sa Tagalog na bersiyon

baguhin
  1. Kenshin Himura - Richie Cortez Padilla
  2. Kenshin Himura - Louie ParabolesRedubbed
  3. Kaoru Kamiya - Candice Arellano
  4. Kaoru Kamiya - Charvie AbeletesRedubbed
  5. Sanosuke Sagara - Alexx Agcaoili
  6. Sanosuke Sagara - Don Sanmaniego Redubbed
  7. Yoshi Myojin (Yahiko Myojin) - Louie Paraboles
  8. Yoshi Myojin (Yahiko Myojin) - Julius FigeroaRedubbed
  9. Hajime Saito - Richie Cortez Padilla
  10. Yutaro Tsukayama - Steven Bontogon Redubbed
  11. Makoto Shishio - Ely Martin
  12. Misao Makamichi - Justeen Niebres
  13. Misao Makamichi - Jenny Bituin Redubbed
  14. Yutaro Tsukayama - Christian Alvear
  15. Kamatari - Yvette Tagura
  16. Seijiro Hiko - Arnold Abad
  17. Misanagi - Charvie Abeletes
  18. Soujiro Seta - Raymond Dean Romano
  19. Shura - Vilma Borromeo
  20. Tae - Filipina Pamintuan
  21. Shougo Amakusa - Louie Paraboles
  22. Tomoe Yakishiro - Daphne Cezar