Gunslinger Girl
Ang Gunslinger Girl (ガンスリンガー·ガール Gansuringa Garu) ay isang nagpapatuloy na manga ni Yu Aida na ini-akma sa isang labintatlong episode na anime teleserye, ginawa mula 2003 hanggang 2004 ng Madhouse Production, na ipinalabas ng anime telebisyong network na Animax, sa mga rehiyon sa buong mundo, pati na rin sa Bansang Hapon, Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asia at iba pang lugar.
Gunslinger Girl Gansuringā Gāru | |
ガンスリンガー·ガール | |
---|---|
Dyanra | Sci-Fi, Action |
Manga | |
Kuwento | Yu Aida |
Naglathala | Media Works |
Magasin | Dengeki Daioh |
Bolyum | 7+ |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Morio Asaka |
Estudyo | Madhouse |
Inere sa | Animax, Fuji Television |
Balangkas
baguhinSa modernong Italya, ang kuwento ng Gunslinger Girl ay umiikot sa isang korporasyon na kung tawagin ay Social Welfare Agency (SWA, o ang Ahensiya na madalas itawag dito), tinatangkilik ng gobyernong Italiano. Sa publiko, ang misyon ng SWA ay iligtas at ibalik sa mabuting kalagayan ang mga buhay ng tao, pero sa katotohanan, ang SWA ay isang harap lamang para sa Section Two ng Political Warfare Section, isang dibisyon ng Italyanong intelihensiya na responsable sa kontra-intelihensiya, kontra-terorismo at mga serye ng eksperimentong dibuho para makagawa ng perpektong komisyong-gobyernong salarin. Habang ang Section One gumagawa ng operasyon na may normal na taong operatiba, ang Section Two ay gumagamit ng mga batang cyborg na palawitan ng teknolohiya.
Isang lalaking ahente ng SWA ay pinili ang isang batang babae mula sa isang malubhang pangyayari o nasa kritikal na kondisyon. Inayos ng Section Two kanyang katawan sa isang operayson para malagyan ng artipisyal na parte ng katawan, tulad ng synthesized masel at carbon fiber na katawan. Ang resulta, nagkaroon ang babae ng kakaibang lakas (pinaka-todong lakas ng tao), mabilis na reflexes, at mataas na pagbanat sa sira at sakit.
Pagkatapos ng operasyon, ang lalaking ahente ay ini-ukol bilang handler ng babae, lumilikha ng pares na kung tawagin ay "fratello" (Italyano na ang ibig sabihin ay 'kapatid'). Ang unang tungkuling ng handler ay ang magbigay ng pangalang sa babae. Habang dina-dalisay ang babae, dumaan siya sa isang brainwashing at naging paksa sa conditioning: Isang matubig na ineksiyon na binibigyan ang babae ng lakas na magamit ang kanyang bagong katawan sa pinakamalakas na kakayahan, pati na rin para malakasan ang kanyang mga perception (tulad ng paningin, pandinig at simbuyo) sa mundo ini-ikutan niya. Ang mga ito ay ginagamit upang maunahan ang mga peligro sa mga handler o sa sarili niya. Nagkakaroon siya ng kaalaman tungkol sa peligro na nasa paligid ng kanyang handler, parang pang-anim na pangdama. Ngunit ang sobrang pag-gamit ng conditioning ay umi-ikli sa pangmatagalang memorya ng babae, pati na rin sa kanyang haba ng buhay, dahil pinapagod ng conditioning ang mental at pisikal na katagalan ng babae.
Ang handler ang responsable sa pagsasanay, conditioning, pagganap sa larangan, development at sa buong labanan. Kapag naatasan na siya sa kanyang babae, malaya siyang gumamit iba't-ibang paraan ng pagtuturo na sa tingin niya ay pinaka-epektibo. Iba-iba ito sa bawat handler, kahit na may kalayaan silang gumamit ng gaano karamin conditioning at brainwashing. Ang iba ay trinato ang mga ito ng tao (tulad ni Giuseppe at Hilshire) habang ang iba'y marahas ang paraan ng pagtuturo, tinatrato sila ng parang makina (tulad ni Jean at Lauro).
Ang resulta ay pareho lamang: isang salarin na may walang hanggang katapatan sa kanyang handler. Kapag sila ay binigyan ng pahintulot ng italyanong gobyerno, ang mga fratellong ito ay pinapadala sa mga kontroberysal na misyong gobyerno, tulad ng pagpaslang at mga pagpasok. Sa mga sumasalungat sa gobyernong italyano, ang isang batang babae ang pinakamababang banta, ganoon na lamang ang pagsisisi ng mga nakalaban sa mga ito.
Nagtatrabaho ang Political Warfare Section ngayon para pabagsakin ang Padania Republic Faction (PRF), isang grupo ng maka-nasyonalistang radikal na nakatalaga sa kalayaan ng hilagan Italya, pati na rin ang pagsalungat sa globalisasyon.
Ang kuwento ay naka-sentro sa relasyon ng mga babae sa kanilang handler, iyon ay kung pagmamahal, abusado o pabaya, at ang kanilang reaksiyon. Ang Gunslinger Girl ipinipinta rin nito ang pagkakaiba ng mga babae - sila'y mga walang awang mamamaslang, ngunit sa puso ay isa pa rin silang mga dalaga.
Sila'y tinuruan upang pumatay ng walang pagsisisi na kung minsa'y tawaging "makinilya" o "manika" ng SWA at ng kanilang handler (mas gamit ni Jean ang katagang "tool"). Ngunit kahit binuo muli ang katawan nila at binura ang alaala ng nakaraang buhay, mayroon pa rin silang kaluluwa, ang pagtingin na tao sa isa't-isa, at masayang namumuhay.
Ang tunay na pangalan ng ahensiya ay "Public Corporation of Social Welfare", na binubuo ng iba't-ibang sektor, isa sa kanila ang SWA, o ang Social Welfare Agency.