Gusaling Don Roman Santos

makasaysayang gusali sa Santa Cruz, Maynila, Pilipinas

Ang Gusaling Don Roman Santos (Ingles: Don Roman Santos Building) ay isang neoklasikong gusali na matatagpuan sa kahabaan ng makasaysayang Kalye Escolta sa Santa Cruz, Maynila, Pilipinas . Nakaharap ito sa Plaza Lacson (dating Plaza Goiti) na direktang humahantong sa Kalye Carriedo o sa Abenida Rizal . Ito ay itinayo noong 1894 at pinalawak pa noong 1957.

Gusaling Don Roman Santos
Ang harapan ng gusali sa kahabaan ng Kalye Escolta
Map
Iba pang pangalanDon Roman Santos Building
Pangkalahatang impormasyon
KatayuanKompleto
Estilong arkitekturalArkitekturang Neoklasiko
PahatiranKalye Escolta
Bayan o lungsodSanta Cruz, Maynila
BansaPilipinas
Mga koordinado14°35′55″N 120°58′49″E / 14.59869141612844°N 120.98015863292157°E / 14.59869141612844; 120.98015863292157
Natapos1894
Inayos1957

Ang pook ay naging orihinal na tanggapan para sa Monte de Piedad Savings Bank mula 1894 hanggang 1937. Ito ay naging ospital na pinatakbo ng American Red Cross mula 1945 hanggang 1947 at pagkatapos nito ay naging Prudential Bank at South Supermart. Sa kasalukuyan, ang unang palapag nito ay nagsisilbing sangay para sa Bangko ng Kapuluang Pilipinas matapos makuha ang Prudential Bank noong 2005. [1][2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://theurbanhistorian.tumblr.com/post/3103752756/one-of-the-last-buildings-in-the-neoclassical
  2. Torres, Ted (Hulyo 28, 2005). "BPI acquires Prudential Bank". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Nakuha noong Enero 8, 2014.
  3. Layug, Benjamin (Hunyo 19, 2013). "A walking tour of Escolta". BusinessMirror. Philippine Business Daily Mirror Publishing Inc. Isinipi mula sa orihinal noong Oktubre 5, 2013. Nakuha noong Enero 7, 2014

Mga kawingang panlabas

baguhin

  May kaugnay na midya ang Don Roman Santos Building sa Wikimedia Commons