Bangko ng Kapuluang Pilipinas
Ang Bangko ng Kapuluang Pilipinas (Ingles: Bank of the Philippine Islands, Kastila: Banco de las Islas Filipinas; dinadaglat bilang BPI)[1] ay ang pinakamatandang bangko sa Pilipinas na bukas pa para sa operasyon at isa sa pinakamalaking bangko sa Pilipinas, kasunod ng Metrobank at Banco de Oro. Ang nagmamay-ari ng bangkong ay ang Korporasyong Ayala at nakabase ito sa Sentrong Distrito ng Pangangalakal ng Makati, sa panulukan ng Abenida Ayala at Paseo de Roxas.
Uri | Publiko (PSE: BPI) |
---|---|
Industriya | Pananalapi at Seguro |
Itinatag | Maynila, Pilipinas (1851) |
Punong-tanggapan | Lungsod ng Makati, Pilipinas |
Pangunahing tauhan | Jaime Augusto Zobel de Ayala II, Tagapangulo Aurelio R. Montinola III, Pangulo |
Produkto | Serbisyong pananalapi |
Kita | PHP 6.668 bilyon (17%) (2004) [1] |
Dami ng empleyado | 10,425 |
Website | www.bpi.com.ph |
Pinakamatandang bangko rin sa buong Timog-silangang Asya ang BPI at mayroong mahaba at natatanging kasaysayang sumasakop sa halos dalawang daantaon. Ito ay naimpluwensiyahan o malaki ang naging impluwensiya ng ibang mga bansa, kasama na ang ilang dating nasasakop ng Imperyong Español, lalo na ng Mehiko at ng Estados Unidos.
Nauna rin ang BPI sa konsepto ng pagbabangko para sa mga lokal, panlalawigan at pagsasaka (rural banking) sa Pilipinas, dahil ang mga operasyon ng BPI sa ganung operasyon ay nauna sa buong Pilipinas, bago nagkaroon ng mga bangko para sa ganung uri ng kliyente, tulad ng Land Bank of the Philippines. Sa kasalukuyan, nasa tinatayang higit sa libo na ang sangay ang BPI, at marami sa mga sangay na ito ay galing sa panahon ng mga Kastila o ng mga Amerikano. Ito ay isa sa mga pinamalaking kabalagan (network) ng mga sangay ng buong industriya.
Nakakuha na ang bangko ng maraming gawad galing sa mga magasing pang-pananalapi, tulad ng Euromoney at ng Far Eastern Economic Review. Ang pinakabagong gawad na nakuha ng BPI ay para sa pinakamagaling na bangko noong 2005.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "LIST OF INSTITUTIONS/ASSOCIATIONS/ORGANIZATIONS INSTALLED WITH HISTORICAL MARKERS" (PDF). Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. 16 Enero 2012. Nakuha noong 11 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
Mga kawing panlabas
baguhin- Websayt ng BPI Naka-arkibo 2015-03-14 sa Wayback Machine.