Gusaling Sekretarya ng Mga Nagkakaisang Bansa

Ang Gusaling Sekretarya ng Mga Nagkakaisang Bansa ay isang gusaling tukudlangit na may tangkad na 154 metro (505 talampakan) at ang sentro ng punong-tanggapan ng Mga Nagkakaisang Bansa, na matatagpuan sa Turtle Bay sa lugar ng Midtown Manhattan ng Manhattan, sa Lungsod ng New York. Itinuturing na teritoryo ng Mga Nagkakaisang Bansa ang lugar kung saan ang mga nakatayo sa gusali, bagama't ito ay nananatiling bahagi ng Estados Unidos.[3] Ito ang pinakaunang gusaling tukudlangit sa New York City na gumamit ng pader-kurtina.[4]

Gusaling Sekretarya ng Mga Nagkakaisang Bansa
Map
Pangkalahatang impormasyon
Katayuannakumpleto
UriOpisina
KinaroroonanInternasyonal na teritoryo sa
Manhattan, Lungsod ng New York
Mga koordinado40°44′56″N 73°58′05″W / 40.749°N 73.968°W / 40.749; -73.968
Sinimulan1947
Natapos1952
Taas
Bubungan154 m (505 tal)
Teknikal na mga detalye
Bilang ng palapag39
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoOscar Niemeyer, Le Corbusier, Wallace Harrison, at iba pa
Mga sanggunian
[1][2]

Kasaysayan

baguhin
 
Ang ika-2 Kalihim-Panlahat ng Mga Nagkakaisang Bansa, Dag Hammarskjöld sa harap ng gusali ng Kapulungang Pangkalahatan (dekada 1950)

Naganap ang seremonyang groundbreaking para sa Gusaling Sekretarya noong Setyembre 14, 1948.[5] Pinili ang isang kasunduan ng apat na kumpanyang kumokontrata mula sa Manhattan at Queens upang bumuo ng Gusaling Sekretarya bilang bahagi ng isang kontrata na may halagang $30 milyon.[6]

Ang Gusaling Sekretarya ay may 39 na kwarto at natapos noong 1952.[7] Dinisenyo ang gusali ng Brazilyanong arkitekto na si Oscar Niemeyer at ng Suwisang-Pranses na arkitekto na si Le Corbusier. Konektado ang gusaling ito sa Gusaling Pagpupulong sa hilaga na naglalaman ng Kapulungang Pangkalahatan, ang Kapulungang Pangkatiwasayan, bukod sa iba pa, at isang gusali ng aklatan sa timog. Naglalaman ang gusali ng mga pampangasiwaan ng UN, kabilang ang mga tungkulin pang-araw-araw tulad ng pananalapi at pagsasalin. Bilang bahagi ng hugnayan ng UN, sumasailalim ang gusali sa kasunduan ng Mga Nagkakaisang Bansa at ng punong-abala na bansa nito, ang Estados Unidos.[8]

Ginawang bago na ang Gusaling Sekretarya ng UN, simula Mayo 2010, at muling binuksan sa pamamagitan ng bahaging pagsuklaw kung saan lumipat ang mga unang nakatira noong Hulyo 2012.[9]

Noong Oktubre 29, 2012, nabahaan ang silong ng hugnayang UN dahil sa Bagyong Sandy, na humantong sa tatlong araw na pagsasara at ang paglipat ng ilang mga opisina.[10]

Impluwensya

baguhin

Nagbigay inspirasyon ang estilo ng gusali sa ilang kapansin-pansing mga kopya, kabilang ang Punong-Tanggapan ng Konseho ng South Lanarkshire sa Hamilton, Eskosya, na kilala sa lokal na "Mga Gusali ng Kondehan".

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
Mga pagsipi
  1. Emporis - United Nations Secretariat Building
  2. SkyscraperPage - United Nations Secretariat Building
  3. Google Books
  4. Morrone, Francis (8 Agosto 2008). "In Midtown, Modernist Perfection in a Glass Box". Ny Sun. New York. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2016. Nakuha noong 1 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "U.N. Breaks Ground for Its Capital; O'Dwyer Welcomes 'Plan for Peace'; BREAKING GROUND FOR UNITED NATIONS HEADQUARTERS HERE U.N.BREAKS GROUND FOR WORLD CAPITAL" (PDF). The New York Times. 1948-09-15. Nakuha noong 2017-12-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "4 Companies Join Forces To Construct U.N.'s Home; Group of New York's Biggest Contractors Forms New Corporation to Build the World Body's East River Skyscraper" (PDF). The New York Times. 1948-12-19. Nakuha noong 2017-12-20.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Hamilton, Thomas J. (Oktubre 10, 1953). "Work Completed on U.N. Buildings". The New York Times. p. 1. Nakuha noong 2011-08-07.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Agreement between the United Nations and the United States regarding the headquarters of the UN Naka-arkibo 2010-06-03 sa Wayback Machine., hinago noong 2014-11-01.
  9. "Capital Master Plan". Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 4, 2012. Nakuha noong Agosto 2, 2012. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Storm Sandy: New York inquiry into overpricing". BBC News. Nobyembre 5, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

baguhin
baguhin