Si Gustav Adolf Fischer (3 Marso 1848 – 11 Nobyembre 1886) ay isang Aleman na manggagalugad sa Africa. Isinunod sa kaniyang pangalan ang ilang pangalan ng hayop na kaniyang natuklasan, kasama rito ang Fischer's lovebird.

Si Dr. Gustav A. Fischer

Talambuhay

baguhin

Si Gustav Fischer ay ipinanganak sa Barmen, Germany. Noong 1876, sumáma siya sa ekspedisyon ni Clemens Denhardt sa Zanzibar, kung saan siya nanirahan bílang manggagámot. Nang sumunod na taon, kaniyang ginalugad ang Wituland at ang kinatitirhan ng mga Oromo. Noong 1878, pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakbay patungong Wapokomoland at sinundan ang Ilog Tana patungong Massa.

Sa pagtataguyod ng Geographical Society ng Hamburg dinalaw niya ang mga Maasai noong 1882 at napások ang wawa ng Ilog Pangani patungong Lawa ng Naivasha. Pinigilan siya ng mga Maasai na magpatuloy pa. Gámit ang pondo ng kapatid ni Wilhelm Junker, isang manggagalugad na kasama nina Emin Pasha at Gaetano Casati na nawalâ sa Equatoria, pinamunuan niya ang isang ekspedisyong sasaklolo sa mga ito, ngunit napilitan siyang bumalik makaraang umabot sa Lawa ng Victoria. Sandaling panahong lang matápos makabalik ng Germany noong 1886, namatay si Fischer dulot ng lagnat na may pagsusuká na nakuha niya sa kaniyang paglalakbay.

Mga sanggunian

baguhin
  •   Ang artikulong ito ay may tekstong mula sa isang lathalaing nasa dominyo publiko na: Gilman, D. C.; Thurston, H. T.; Moore, F., mga pat. (1905). "Fischer, Gustav Adolf" . New International Encyclopedia (ika-1st (na) edisyon). New York: Dodd, Mead. {{cite ensiklopedya}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)