Himnastika

isport na nangangailangan ng lakas at pleksibilidad
(Idinirekta mula sa Gymnastics)

Ang himnastika, himnasya o palakatawanan ay isang uri ng isport na nagsasaklaw ng mga pisikal na pagsasanay na nangangailangan ng balanse, lakas, pleksibilidad, liksi, koordinasyon, kasiningan at pagtitiis.[1] Nakakatulong ng mga galaw sa himnastika sa pagpapalakas ng mga kalamnan sa braso, binti, balikat, likod, dibdib, at puson. Nag-ebolb ang himnastika mula sa mga pagsasanay ng mga sinaunang Griyego na may kasamang mga kasanayan sa pagsakay at pagbaba sa kabayo, at mula sa mga kasanayan sa tanghalang sirko.[2]

Himnastika
Daniele Hypólito na nagtatanghal
sa balance beam
Pinakamtaas na lupong tagapamahalaFédération Internationale de Gymnastique (FIG)
Unang nilaroNagmula sa sinaunang Gresya (Isparta at Atenas)
Mga katangian
PakikipagsalamuhaWalang kontak
Magkakahalong kasarianHindi, magkahiwalay
Kategorya
  • - isport sa tag-init
  • - 1 palakasang himnastiko, pinamamahalaan ng FIG
  • - hindi pinamamahalaan ng FIG ang mga ibang disiplina
OlimpikoOo, Olimpiko sa Tag-init

Ang pinakakaraniwang anyo ng pagalingang himnastika ay ang himnastikang masining. Para sa mga kababaihan, kabilang dito ang mga kaganapan sa floor, vault, uneven bars, at balance beam; para sa mga kalalakihan, kabilang dito ang floor, vault, rings, pommel horse, parallel bars, at horizontal bar.

Ang lupong tagapamahala para sa mga paligsahan sa himnastiko sa buong mundo ang Fédération Internationale de Gymnastique (FIG). Walong isport ang pinamamahalaan ng FIG, kabilang ang himnastikang panlahatan, himnastikang masining ng mga kalalakihan at kababaihan, himnastikong maindayog, pagtatrampolin (kabilang ang dobleng mini-trampolin), pagsirko, akrobatika, aerobiko, at parkour.[3] Kabilang sa mga disiplina na hindi kinikilala ng FIG ang himnastikang sa gulong, estetikong himnastikang pampangkatan, TeamGym, at mallakhamba.

Kasaysayan

baguhin

Matutunton ang himnastika sa pag-eehersisyo sa sinaunang Gresya lalo na sa Isparta at Atenas. Nadokumenta ang pag-eehersisyo sa panahong iyon sa gawa ni Philostratus[4] Himnastika: Ang Etika ng Estetikang Atletiko. Ang orihinal na termino para sa kasanayang himnastika ay mula sa kaugnay na Griyeong pandiwa γυμνάζω (gumnázō), na isinasalin bilang "magsanay nang nakahubad" kasi nagsasanay nang walang damit ang mga lalaking nag-eehersisyo. Sa sinaunang Gresya, isang lubos na pinahahalagahang katangian ang mabuting pangangatawan sa mga lalaki at babae. Noong lamang 146 BK matapos sakupin ng mga Romano ang Gresya nang naging mas pormal ang himnastika at ginamit sa pagsasanay ng kalalakihan sa pagdirigmaan.[5] Batay sa pag-aangkin ni Pilostratus na isang anyo ng karunungan ang himnastika na maikukumpara sa pilosopiya, panulaan, musika, heometriya, at astronomiya,[4] Pinagsama ng Atenas itong pagsasanay na mas pisikal sa edukasyon ng isipan. Sa Palestra, isang sentrong pampalakasan, pinagsama ang disiplina ng pagtuturo sa katawan at isipan na nagbigay-daan para sa anyo ng himnastika na mas estetiko at indibidwal at isinantabi ang pagtuon sa kahigpitan, disiplina, paglalampas ng mga rekord, at lakas.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Gymnastics | Events, Equipment, Types, History, & Facts | Britannica" [Himnastika | Mga Kaganapan, Kagamitan, Uri, Kasaysayan, & Katotohanan | Britannica]. www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2023-12-22. Nakuha noong 2024-02-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Magazine, Smithsonian; Solly, Meilan. "A History of Gymnastics, From Ancient Greece to Tokyo 2020" [Isang Kasaysayan ng Himnastika, Mula Sinaunang Griyego hanggang Tokyo ng 2020]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "About the FIG" [Tungkol sa FIG] (sa wikang Ingles). FIG. Nakuha noong Mayo 31, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Reid, Heather L. (2016). "Philostratus's "gymnastics": The Ethics of an Athletic Aesthetic" ["Himnastika" ni Philostratus: Ang Etika ng Estetikang Atletiko]. Memoirs of the American Academy in Rome (sa wikang Ingles). 61: 77–90. ISSN 0065-6801. JSTOR 44988074.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "A History of Gymnastics: From Ancient Greece to Modern Times | Scholastic" [Kasaysayan ng Himnastika: Mula Sinaunang Gresyo hanggang Modernong Panahon | Scholastic]. www.scholastic.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 8, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Judd, Leslie; De Carlo, Thomas; Kern, René (1969). Exhibition Gymnastics [Himnastikang Pangtanghalan] (sa wikang Ingles). New York: Association Press. p. 17. ISBN 9780809617043.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)