Hadji Kamlon
Si Datu Hadji Kamlon, kilala rin bilang Maas Kamlon, ay isang Tausug na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pagkatapos ay nagsimula siya ng pag-aalsa laban sa Pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Elpidio Quirino at Pangulong Ramon Magsaysay. Siya ay kilala bilang isang bayani sa mga Tausug.[1]
Hadji Kamlon | |
---|---|
Kapanganakan | |
Ibang pangalan | Maas Kamlon |
Organisasyon | Sultanato ng Sulu at Hilagang Borneo |
Asawa | Adjuria |
Magulang |
|
Personal na buhay
baguhinAng pangala ng ama ni Kamlon ay Hadji Angsa at ang pangalan naman ng kanyang asawa ay si Mora Hadjuria. Hindi na nagkaroon pa ng maraming mga asawa si Kamlon sapagkat sinabi niya na kontento na daw siya sa isa. Matapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay nagsimulang mamirata sa Karagatang Sulu. Sinasabi na binibigay niya sa mga mahihirap ang kanilang mga nanakaw galing sa mga mayayaman.
Pag-aalsa
baguhinBago maganap ang pag-aalsa, kilala siya sa mga awtoridad ng gobyerno bilang isang "basag-ulero", kaya'y siya ay sumuko sa mg awtoridad noong 1947 bago siya magsimula ng pag-aalsa sa Sulu noong 1948.
Noong kalagitnaan ng 1948, magsisimula kasama ang 25 niyang mga kamiyembro, sinimulan na ni Kamlon ang kanyang paghihimagsik upang klaruhin ang mga suliranin sa reporma ng lupa, pagpapatalsik sa Pamahalaang Pilipino, at ang paggiit ng kasarinlan ng Sultanato ng Sulu at Hilagang Borneo sa mga Tausug.[2] Kalaunan, dahil parami ng parami ang mga sumusuporta sa kanyang anti-Pilipinong pangangampanya, ang grupo ni Kamlon at lumago sa 100 na miyembro. Kadalasang armado ng M1918 Browning Automatic Rifles at mga ibat-ibang uri ng ripleng Hapon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging kilalado ang grupo dahil sa kanilang pagwasak ng ika-7 Batalyong Impanterya, ang beteranong yunit ng Digmaang Koreano na tinatawag na Nenita. Ang grabidad ng peligro ni Kamlon ay gumulat sa bago-bagong republika ng Pilipinas sapagkat abala rin sila sa pagsugpo ng iba pang mga panloob na mga peligro tulad ng Hukbalahap.[3][4] Samantala, sinubukan ng Philippine government na sirain ang pangalan ni Kamlon sa pamamagitan ng pagtatak sa kanya bilang isang tulisan, kriminal, at rebelde, sa iba, upang sirain ang kanyang imahe at reputasyon sa mga tao.[1]
Sa panahon ng pag-aalsa ni Kamlon, sapilitang kinuha ni Kamlon ang 4000 hektarya sa mga legal na mga asindero, kung saan na-kontrol nila ang mga kontrabandong operasyon sa Jolo at Borneo at ang mga hinihiling na kabayaran para sa mga negosyanteng Tsino.
Noong 1949, sumuko siya kay Col. Diosdado Rodriguez.[5] Matapos ay sinimulan niya muli ang pagaalsa sa taong iyon. Noong 27 Disyembre 1949, binombahan ng mga sasakyang pandagat ang isang kota ng mga Moro sa Jolo upang mapaalis nila ang grupo ni Kamlon ayon sa isang diyaryo ng Manila Times noong 28 Disyembre 1949. 30 na mga Moro ang nasawi at linagyan ang kanilang mga katawan ng petrolyo at sinunog. Si Kamlon at ang kanyang mga kasama ay tumakas papunta sa pinaka-dulo ng silangang bahagi ng isla ng Jolo, ngunit nawasak na ang kanilang mga kuta sa hilaga.[6]
Pansalamantalang Kapayapaan at muling pagpapatuloy ng sagupaan
baguhinSa taong 1951 dumating sa taluktukan ng lakas ng puwersa ni Kamlon.[7]
Noong 26 Pebrero 1951, nagkaroon ng barilan sa pagitan ng Konstabularyong Pilipino at ang puwersa ni Kamlon. 8 ang nasawi sa panig ni Kamlon at 2 naman sa panig ng gobyerno.[8]
Noong Hulyo 1952, ang gobyerno ay nagpakilos ng higit pa sa 5,000 na sundalo suportado ng mga tanke, salipawpaw, at yunit ng mga hukbong-pandagat upang mapatalsik si Kamlon, ngunit ngayon ay pinangungunahan na ni Kalihim ng Tanggulang Pambansa Ramon Magsaysay.[9][10] Noong Hulyo 31 ng taong iyon, sumuko si Kamlon sa dalampasigang Lahing-Lahing, hindi dahill sa nagpapatuloy napananalakay, ngunit bilang pagresponde sa linihim na pagpupulong nila ni Magsaysay sa Sulu. Sa panahong ito, si Kamlon ay may kinakasamang 300 namandirigma, at binansagan bilang pangalawang pinakamapanganib nasa buong Pilipinas sunod sa Hukbalahap.[11]
Gayunman, mabilis na hinuhusgahan ng mga nagmamasid ang mga kilos ni Kamlon bilang mapagsamantala, na malamang na magsisilbing kaluwagan para sa kanyang laban. Mismong si Pangulong Elpidio Quirino ang nagtanggal ng anumang paghahabol na nakipagkamay siya kay Kamlon bilang resulta ng pagsuko na ito.[12] Ang pag-aalinlangan na ito ay mabibigyang katwiran kapag noong 3 Agosto 1952 ay napatunayang hindi binalak ni Kamlon at ng kanyang mga tagapagsunod na magtigil sa kanilang pag-aalsa. Nagkaroon ng labanan sa pagitan ng puwersa ni Kamlon at ng 9th BCT ng isang oras sa Gubat Suwa-Suwa. Nagsi-atras ang puwersa ni Kamlon sa labanang ito. Noong ika-7 ng martes, Agosto 1952, 8 ng umaga, isang linggo pagkatapos ng kanyang pagsuko, bumalik si Kamlon upang ipagpatuloy ang kanyang paghihimagsik sa mga kagubatan ng Luuk, at ang mga sundalong Pilipino kagaya ng 9th BCT ay bumalik sa Sulu upang labanan ang kanyang mga puwersa. Ang nagresultang labanan ay nagdulot ng 20 nasawi sa panig ni Kamlon. 3 naman ang napatay, 6 ang sugatan at 8 ang nawawala sa panig ng gobyerno.[13] Bago pa man nagsimula ang labanan ay binobombahan na ang lugar ng dalawang araw.[14]
Pagkatapos,13 ng Agosto 1952, inatake at nakuha ng mga sundalo ang isang burol sa isang kagubatan sa Jolo kung saan nakahimpil si Kamlon.[15]
Nabitag ng mga sundalong Pilipino ang marami sa mga tauhan ni Kamlon noong 3 Septyembre 1952.
Noong 7 Nobyembre 1952, ini-ulat ng ASIS na 90 na mga Moro na ang namatay sa kabuuan simula 3 Agosto at 11 na sundalo ng pamahalaan naman ang nasawi.
Makalipas ang ilang buwan, noong Nobyembre 9, muling sumuko si Kamlon.[16] Gayunpaman noong Nobyembre 13 lamang siya pormal na susuko kay Tagapaglihim ng Hukom Oscar Castelo na itinalaga ng Pangulo bilang kanyang personal na kinatawan upang tanggapin ang pagsuko sa tanggapan ng Direktor ng mga Bilangguan sa Muntinlupa, Rizal. Tiniyak ni Castelo kay Kamlon na titiyakin ng gobyerno na siya ay madala sa harap ng mga korte sa lalong madaling panahon, marahil sa loob ng dalawang linggo, upang ang mga paratang na nakabinbin laban sa kanya ay malulutas sa isang patas na paglilitis gaya ng ipinangako sa kanya ng Pangulo. Si Kamlon ay dumating sa Maynila noong nakaraang araw, na sinamahan ni Kol. Agustin Marking na nagsagawa ng kanyang pagsuko. Siya ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Direktor ng mga Bilangguan habang naghihintay ng paglilitis. Kahit sumuko si Kamlon, nanatili ang kanyang pamilya at mga tagapagsunod sa mga kabundukan ng Sulu nang hindi sumusuko.[17]
Pagkatapos ay dinala siya sa Muntinlupa Prison pagkatapos ng isang paglilitis noong Nobyembre 29[18] ngunit binigyan muli ng ehekutibong pagkaawa ni Pangulong Quirino at pinarehas sa 23 niyang mga tauhan, at 5000 hectares ng pampublikong lupain sa Tawi-Tawi ang itinabi para sa kanya at sa kanyang mga tagasunod. Gayunpaman, si Kamlon at ang kanyang mga tauhan ay hindi tumira sa Tawi-Tawi dahil sa iba't ibang mga kadahilanan.[19]
Sa 23 niyang tauhan, nahatulan sila at nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.[20] Hindi magtatagal bago lumabas muli si Kamlon upang ipagpatuloy ang kanyang paghihimagsik. Ang siklo na ito ay magpapatuloy hanggang 1955.
Noong 8 Disyembre 1952, si Kinatawan Ombra Amilbangsa ng Sulu ay nag-ulat kay Kalihim Roque na ang kapayapaan at utos ay naibalik sa Jolo at si Kamlon ay matagumpay sa paghimok sa kanyang mga kapwa Moro na isuko ang kanilang mga armas.[21]
Noong ika-11 ng Agosto 1953, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng puwersa ni Kamlon at puwersa ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa silangang bahagi ng Sulu. Naging matagumpay ang puwersa ng pamahalaan. Si Kamlon ay napilitang sumuko. Nagkaroon ng amnestiya subalit ito'y hindi nagtagal bago siya'y nagsimulang mag-aklas muli matapos ang isang linggo kung saan siya ay nagtago sa kagubatan ng Suwa-Suwa.
Sa galit ni Magsaysay, ipinagutos niya ang pinaigting na pagsalakay laban kay Kamlon, muli na namang na-bomba, kuwitis at ang mga bala ng masinggan ay umulan sa Sulu.[22]
Noong 1953, si Kamlon ay bumalik papuntang Luuk. Nagkaroon ng isang labanan sa Luuk Airfield sa taong iyon kung saan nasawi si Tinyente Silverio Cendaña matapos niyang subukang iligtas si Sarhento Pedro Dumapias.
Nang dumating ang batalyon ni Delfin Castro noong 10 Abril 1955, nagsimula na ang AFP na magganting-salakay sa puwersa ni Kamlon.[23]
Sa isa pang ulat noong Agosto 1955, si Kamlon at 40 ng kanyang mga tagasunod ay inakay ang isang buong platun ng mga tropa ng gobyerno sa Sulu, pinatay ang 18 at sugatan ang 19 pa. Ito ang "pinakamalaking bilang ng nasawi sa isang pakikipag-ugnayan na dinanas ng mga tropa ng gobyerno" sa pagtugis kay Kamlon. Ang kanyang pangkat ay natamo lamang ng 1 kamatayan at 5 ang sugatan, ayon sa ulat ng balita.[24]
Noong 24 Setyembre 1955, ibinigay ni Kamlon ang kanyang walang pasubaling pagsuko matapos ang isang laban na naganap sa Tandu Panuan, Sulu sa ika-4 na oras laban sa Ika-2 Dibisyong Impanterya, Sulu Air Task Group (SATAG, na binubuo ng ika-6 at ika-7 na mandirigmang iskwadron), at isang gunboat ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na nagkakahalaga sa kanya ng 190 sa kanyang mga tauhan na napatay, 48 ang sugatan at 82 ang nahuli.[25] Ang buong pitong-taong kampanya ay nagkahalaga ng ₱185 milyon sa gobyerno (US $985 milyon noong 2019).[1]
Ang mabisang operasyong panghimpapawid ng SATAG ay sumalanta sa mga rebelde, pinagkanulo at iniwan ang kanilang mga pinuno at sumuko sa mga sundalo ng gobyerno kung kaya nama'y napilitang sumuko si Kamlon kay Magsaysay noong 1955 at ang SATAG ay binuwag noong Oktubre 1955.[22]
Pagkabilanggo
baguhinAng unang paghatol kay Kamlon ay natigil at siya ay nahatulan ng panhabambuhay na pagkabilanggo, isang kundisyon na ipinaglaban mismo ni Kamlon, na sinasabing ang kanyang pagsuko ay hindi ganap na walang kondisyon dahil mayroong "isang pangako ng isang parol". Gayunman, sumalungat ang gobyerno ng Pilipinas sa pagbibigay katwiran na si Kamlon ay hindi pinangakuan ng anuman na lampas sa kanyang bahagyang pagpapatawad. Dahil lumabag siya sa mga kundisyon ng kanyang kapatawaran, siya ay na-disqualify. Kasama sa mga kundisyon ang isang buwanang ulat mula sa Kamlon sa Konstabularyong Pilipino, ang kanyang tulong sa pagsuko ng mga rebelde at baril sa lugar ng Sulu, at ang kanyang pahintulot na regular na bisitahin ng isang awtoridad mula sa gobyerno ng Pilipinas.[26]
Kabilang sa mga nagtatrabaho para mapalaya siya ay si Nur Misuari, na kalaunan ay chairman ng Moro National Liberation Front. Para sa mga nakaligtas sa pag-aalsa, at sa mga susunod sa landas ng paghihimagsik ng Moro, ang tumatanda na Kamlon ay tinitingnan bilang isang tagapanguna sa pakikibaka para sa kalayaan at kalayaan. Ang kanyang pagkabilanggo ay nawakasan nang siya'y nabigyan siya ng indulto ni Pangulong Ferdinand Marcos.[27]
Kalinangang Tanyag
baguhinSi Kamlon ay ginanap ni Ramon Revilla sa 1981 na pelikulang Kamlon. Ang pelikula ay isang pakikilahok sa 1981 Metro Manila Film Festival.[28]
Sa Omar, Sulu, pinangalangang Bundok Kamlon ang isang bundok bilang pagbibigay dangal kay Hadji Kamlon.
See also
baguhinReferences
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Mawallil, Amir. "What makes a hero?". ABS-CBN News. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Omar, Ibrahim (2018). Diary of a Colonized Native. Singapore: Partridge Publishing. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Taylor, Victor. "The Beginnings Of The Abu Sayyaf Group". Mackenzie Institute. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mercene, Floro. "Maute's all the way back to Kamlon". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Septiyembre 2019. Nakuha noong 23 September 2019.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ https://books.google.com.ph/books?id=wragGAOkugYC&pg=PA139&lpg=PA139&dq=hadji+kamlon&source=bl&ots=7EZbhu61Jk&sig=ACfU3U2G7O85vIOsI5-kKVwmYDTI7IZKNA&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwi1-ofX7K3vAhWQGqYKHakiCxY4HhDoATAJegQIBhAC#v=onepage&q=hadji%20kamlon&f=false
- ↑ https://eresources.nlb.gov.sg/newspapers/Digitised/Article/freepress19491227-1.2.21
- ↑ https://openresearch-repository.anu.edu.au/bitstream/1885/10146/6/Kadir%20bin%20Che%20Man%20W%20Thesis%201987.pdf
- ↑ https://eresources.nlb.gov.sg/newspapers/Digitised/Article/straitstimes19510226-1.2.20
- ↑ "TANKS HUNT FOR FILIPINO; Kamlon, Notorious Bandit, Is Target of All-out Campaign". The New York Times. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How do you solve a problem like the Moro?". Philippine Star. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "THE PHILIPPINES: Peace under the Palms". Time. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "MORO SURRENDER VIEWED AS FARCE; Observers Believe Bandit Chief Outwitted Philippine Officials and That Drive Will Fail". The New York Times. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "FILIPINOS TRAP OUTLAWS; Troops Catch Up With Unit of Datu Kamlon Bandits". The New York Times. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://archive.org/stream/PhilippineFreePressAugust151953/Philippine%20Free%20Press%20August%2015%2C%201953_djvu.txt
- ↑ http://www.manchesterhistory.org/News/Manchester%20Evening%20Hearld_1952-08-13.pdf
- ↑ "26 SEPTEMBER 1955 - FILIPINO OUTLAW SURRENDERS". 1952.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ https://lawphil.net/judjuris/juri1953/feb1953/gr_l-6266_1953.html
- ↑ https://www.officialgazette.gov.ph/1952/11/01/official-month-in-review-november-1952/[patay na link]
- ↑ "American Chamber of Commerce".
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Official Month in Review: November 1952". Official Gazette. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ https://quod.lib.umich.edu/p/philamer/AAJ0523.1953.001?rgn=main;view=fulltext
- ↑ 22.0 22.1 https://www.facebook.com/piopaf/posts/d41d8cd9/900278646768017/
- ↑ http://www.booscea.com/other_stories.htm
- ↑ "Why Study Bangsamoro and Lumad History".
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Historical Atlas of the Republic of the Philippines" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 27 Hulyo 2021. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "G.R. No. L-12686". Chan Robles Virtual Law Library. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stern, Tom (2017). Nur Misuari: An Authorized Biography. Anvil. Nakuha noong 23 Setyembre 2019.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kamlon (1981)". IMBb. Nakuha noong 24 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)