Hadji Rieta
Si Al Hadji Samontina Rieta o mas kilala sa pangalang Hadji Rieta ay ipinanganak noong Enero 16, 1988 sa San Nicolas, Ilocos Norte. Dati siyang taga-ulat sa telebisyon (ABS-CBN, GMA-7), modelo at pintor sa Pilipinas.
Hadji Rieta | |
---|---|
Kapanganakan | Hadji Rieta 16 Enero 1988 |
Trabaho | Brodkaster, Modelo, Pintor, Human Resources |
Aktibong taon | 2010–present |
Umalis siya sa industriya ng pamamahayag noong 2015 at naging isang HR/Recruitment professional sa Makati hanggang 2016.
Bumalik siya sa Ilocos at naging empleyado ng Accenture at Alorica, mga business outsourcing company.
Sa ngayon, namamasukan si Rieta bilang isang HR professional sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Edukasyon
baguhinNagtapos si Rieta sa kursong Bachelor of Arts in Mass Communications sa Northwestern University sa Laoag City, Ilocos Norte noong 2010. Siya ay naging ulong patnugot ng kanilang student publication na The Review kung saan naging daan sa kanya para mahubog sa journalism.
ABS-CBN
baguhinSi Hadji Rieta ay naging news presenter/anchor at field reporter ng TV Patrol Ilocos sa ABS-CBN noong 2010. Tumagal lamang siya ng isang taon sa Kapamilya network bago ito lumipat sa kabilang istasyon para maging Kapuso reporter.
GMA-7
baguhinNaging Kapuso reporter sa GMA GMA News TV noong 2011 si Hadji Rieta. Siya ay lubusang nakilala rito sa pagiging field reporter niya kung saan madalas siyang napapanood noon sa Unang Hirit, Balitanghali, 24 Oras, SONA (State of The Nation with Jessica Soho) at Saksi. Naging regular reporter din si Rieta sa BRIGADA, isang mini-docu ng GMA News TV, kung saan ilang segments din ang kanyang nagawa, kabilang na ang nakababahalang "Babies for Sale" sa Pilipinas.
Bukod sa kanyang "hunky" look, nakilala rin lubusan si Rieta sa mga ulat nito nang magkagulo sa Zamboanga noong 2013.
Umalis siya sa Kapuso network noong 2015 para sa ibang karera.
Telebisyon
baguhin- Star Magic- ABS-CBN
- Balitanghali- GMA News TV
- Saksi- GMA Network
- 24 Oras- GMA Network
- News to Go- GMA News TV
- GMA Flash Report- GMA News TV
Kasalukuyan
baguhin2018 nang lumipad patungo sa United Arab Emirates si Hadji Rieta at doon itinuloy niya ang karera sa larangan ng Human Resources[patay na link] sa isang food and beverages company sa Abu Dhabi.
Karagdagang Kaalaman
baguhinBagama't wala na sa pagbabalita si Hadji Rieta, aktibo pa rin siya sa larangan ng pagpapahayag sa tulong ng social media at blogging site:
Aktibong kaanib si Rieta sa relihiyong Iglesia ni Cristo (Church of Christ).