Litid sa alak-alakan
Sa anatomiya ng tao, tumutukoy ang litid sa alak-alakan (Ingles: hamstring), na nasa likuran ng gawing itaas ng likod ng tuhod[1], sa isa sa tatlong panglikurang mga masel o muskulo ng hita ng binti, o kaya sa mga litid o tendong bumubuo sa mga hangganan ng puwang o espasyong nasa likod ng mga tuhod. Subalit, sa makabagong mga konteksto o diwang pang-anatomiya, tumutukoy ang mga ito sa panlikod na mga laman o masel ng hita, o kaya sa mga tendon o litid ng semitendonosus, ng semimembranosus, at ng daga-dagaan sa binti (biceps femoris). Sa mga hayop na apatan ang paa (mga quadruped), tumutukoy ito sa nag-iisang tendon o litid na matatagpuan sa likod ng tuhod o kahalintulad na bahagi.[1]
Sa ipinakikita sa larawan, nakalagay o nakalagak ang litid sa alak-alakan ng tao sa panlikod na bahagi ng katawan ng pemur (femur).
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.