Prosencephalon

(Idinirekta mula sa Harapangutak)

Sa anatomiya ng utak ng mga bertebrado, ang prosencephalon o harapangutak(Ingles: forebrain) ang pinaka-rostral(pinakaharap) na bahagi ng utak. Ang prosencephalon, mesencephalon at rhombencephalon ang tatlong pangunahing mga bahagi ng utak sa simulang pag-unlad ng sentral na sistemang nerbiyos. Ito ay kumokontrol sa temperatura, mga tungkuling reproduktibo, pagkain, pagtulog at anumang pagpapakita ng mga emosyon. Sa limang besikulong yugto, ang prosencephalon ay humihiwalay sa diencephalon(prethalamus, thalamus, hypothalamus, subthalamus, epithalamus, at pretectum).

Utak: Prosencephalon (harapangutak)
Diagramang nagpapakita ng pangunahing subdibisyon ng embryonikong utak ng bertebrado. Ang mga rehiyong ito ay kalaunang makilala sa harapangutak, gitnangutak at likurangutak.
Gray's subject #189 741
NeuroLex ID birnlex_1509