Hengyang
Ang Hengyang (Tsinong pinapayak: 衡阳; Tsinong tradisyonal: 衡陽; pinyin: Héngyáng; Mandarin pronunciation: [xə̌ŋ.jɑ̌ŋ]) ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng lalawigan ng Hunan, Tsina. Nakasaklang ito sa Ilog Xiang mga 160 km (99 mi) timog ng panlalawigang kabisera ng Changsha. Mayroon itong lawak na 15,279 km2 (5,899 mi kuw) at populasyon na 7,141,162 katao. Ang kalakhang pook at built-up area nito, na binubuo ng apat sa limang mga distritong urbano, ay tahanan ng 1,075,516 katao noong senso 2010.
Hengyang 衡阳市 Hengchow | |
---|---|
Palayaw: Wild Goose City (雁城), Bright Pearl in Southern China | |
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Hengyang sa Hunan | |
Mga koordinado (Pamahalaan ng Hengyang): 26°53′38″N 112°34′19″E / 26.894°N 112.572°E | |
Bansa | Tsina |
Lalawigan | Hunan |
Sentro ng prepektura | Yanfeng District |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 15,279 km2 (5,899 milya kuwadrado) |
• Urban | 722 km2 (279 milya kuwadrado) |
• Metro | 543 km2 (210 milya kuwadrado) |
Populasyon | |
• Antas-prepektura na lungsod | 7,141,462 |
• Kapal | 470/km2 (1,200/milya kuwadrado) |
• Urban | 1,135,166 |
• Densidad sa urban | 1,600/km2 (4,100/milya kuwadrado) |
• Metro | 1,075,516 |
• Densidad sa metro | 2,000/km2 (5,100/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+8 (China Standard) |
Kodigong postal | 421001 |
Kodigo ng lugar | 0734 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-HN-04 |
Websayt | hengyang.gov.cn |
Paghahating pampangasiwaan
baguhinNahahati ang lungsod sa luma at bagong mga distrito. Sa bagong mga distrito, binibigyan ng tsansa sa mga mamamayan at negosyo na lumipat mula sa malungkot at maruming kabayanan patungong mga bagong-tayong pabahay.
- Yanfeng District (雁峰区)
- Zhuhui District (珠晖区)
- Shigu District (石鼓区)
- Zhengxiang District (蒸湘区)
- Nanyue District (南岳区)
- Changning City (常宁市)
- Leiyang City (耒阳市)
- Hengyang County (衡阳县)
- Hengnan County (衡南县)
- Hengshan County (衡山县)
- Hengdong County (衡东县)
- Qidong County (祁东县)
Map |
---|
Ekonomiya
baguhinIsang maabala at lumalagong lungsod pang-industriya ang Hengyang at isa rin itong pangunahing sentro ng transportasyon sa lalawigan ng Hunan na nag-uugnay ng mga pantubig, pandaambakal, at panlansangang mga ruta. Kabilang sa mga gawang produkto ang mga kimikal, mga kagamitang pansaka at pangmina, tela, papel, at mga nakaprosesong pagkain. Di-kalayuan minimina ang tingga, sink, karbon, at tinggaputi.
Klima
baguhinAng Hengyang ay may klimang mahalumigmig na subtropikal (Köppen Cfa) na may apat na di-magkauring mga panahon. May malakas na pag-ulan ang tagsibol, habang mahaba, mainit, at mahalumigmig ang mga tag-init na may mas-kaunting pag-ulan, at maginhawa at tuyo ang taglagas. Panandalian ang mga taglamig, ngunit nagaganap ang mga cold snap kalakip ng paminsan-minsang pagbaba ng temperatura hanggang sa lampas na sa antas ng pagyeyelo, at maaaring madalas ang pag-ulan, bagamat hindi mabigat. Nagpapalo ang buwanang pang-araw-araw na katamtamang temperatura mula 6.0 °C (42.8 °F) sa Enero hanggang 29.8 °C (85.6 °F) sa Hulyo.
Datos ng klima para sa Hengyang (1981−2010) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 27.7 (81.9) |
32.2 (90) |
36.0 (96.8) |
37.0 (98.6) |
37.3 (99.1) |
38.6 (101.5) |
40.2 (104.4) |
41.3 (106.3) |
38.7 (101.7) |
36.5 (97.7) |
32.6 (90.7) |
24.9 (76.8) |
41.3 (106.3) |
Katamtamang taas °S (°P) | 9.0 (48.2) |
11.2 (52.2) |
15.6 (60.1) |
22.4 (72.3) |
27.5 (81.5) |
30.8 (87.4) |
34.5 (94.1) |
33.6 (92.5) |
29.3 (84.7) |
23.9 (75) |
18.1 (64.6) |
12.3 (54.1) |
22.35 (72.23) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 6.0 (42.8) |
8.1 (46.6) |
11.9 (53.4) |
18.1 (64.6) |
23.1 (73.6) |
26.6 (79.9) |
29.8 (85.6) |
29.0 (84.2) |
25.0 (77) |
19.7 (67.5) |
14.1 (57.4) |
8.5 (47.3) |
18.33 (64.99) |
Katamtamang baba °S (°P) | 3.8 (38.8) |
5.8 (42.4) |
9.3 (48.7) |
15.1 (59.2) |
19.9 (67.8) |
23.5 (74.3) |
26.2 (79.2) |
25.6 (78.1) |
21.8 (71.2) |
16.6 (61.9) |
11.0 (51.8) |
5.6 (42.1) |
15.35 (59.63) |
Sukdulang baba °S (°P) | −4.3 (24.3) |
−4.8 (23.4) |
−0.3 (31.5) |
3.7 (38.7) |
10.2 (50.4) |
13.2 (55.8) |
18.9 (66) |
18.3 (64.9) |
12.8 (55) |
5.5 (41.9) |
−0.7 (30.7) |
−5.9 (21.4) |
−5.9 (21.4) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 81.5 (3.209) |
104.4 (4.11) |
150.9 (5.941) |
167.3 (6.587) |
194.5 (7.657) |
171.3 (6.744) |
110.6 (4.354) |
114.2 (4.496) |
63.5 (2.5) |
71.5 (2.815) |
73.8 (2.906) |
50.4 (1.984) |
1,353.9 (53.303) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 16.2 | 15.3 | 19.7 | 18.5 | 16.9 | 13.4 | 9.6 | 10.5 | 8.8 | 11.9 | 9.8 | 9.5 | 160.1 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 79 | 80 | 80 | 79 | 77 | 78 | 70 | 73 | 74 | 74 | 73 | 73 | 75.8 |
Sanggunian #1: China Meteorological Data Service Center[1] | |||||||||||||
Sanggunian #2: Weather China (precipitation days 1971-2000) |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 中国地面气候标准值月值(1981-2010) (sa wikang Tsino). China Meteorological Data Service Center. Nakuha noong 20 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)